"lola, kain na po." tawag ko habang hinahanda ang mga niluto kong pagkain sa lamesa.
Lumipas na ang ilang minuto pero hindi pa sumasagot ang lola ko na nasa kwarto. Giniya ko ito pagkatapos kong ilapag lahat ng pagkain sa mesa at tinungo ang kwarto niya. Kadalasan ay nasa kwarto lang ito kapag gusto niyang magbasa ng kanyang Bibliya at lalabas lang kapag may gagawin o gustong makalanghap ng sariwang hangin. Ang kapatid niyang kapitbahay namin ang minsang sumasama sakanya dito sa bahay kapag may klase ako kaya hindi ako ganoon nag-aalala kapag naiiwan si lolang mag-isa dito.
"lola?" tawag ko habang kumakatok sa pintuan niya. Ilang segundo ay wala paring sagot si lola.
Nagsimula na akong kabahan at pinihit ang seradura ng pintuan at binuksan ito. Hinanap ng mata ko ang lola at nang hindi makita sa kama niya ay pumunta ako sa banyo. Nataranta ako at lumabas ng kwarto ng marinig ko ang tawa ng matanda sa labas.
Nang nasa sala na ako ay sakto naman ang bukas ng pinto at niluwa ang lola ko at ang kapatid niyang si lola Ikang.
"Naku Ara, pagsabihan mo nga itong lola mo at parang namamaalam sa mga sinasabi sa akin." kita ang disgusto sa mga narinig kay lola.
"Ano ka ba Ikang, doon rin naman pupunta ang tao, diba apo?" nanghihinging tugon sa akin. "Maikli lang ang buhay at mas maganda na iyong nakapag-paalam at handa kesa iyong biglaan." saad nito at umupo sa kawayang upuan namin.
"Kahit na ho lola, hindi parin po magandang pakinggan." maski ako ay nawalan din ng gana dahil sa inaasta ni lola.
Sino ba naman kasi ang matutuwa kapag ganoon ang maririnig mo sa isang tao.
"Oh siya at nagugutom na ako. Kain ka narin dito Ikang bago ka umuwi." Yaya ni lola at nag pauna naman akong pumunta ng kusina para ihandaan sila.
Lumipas ang ilang araw at mukhang nagiging matamlay ang kalagayan ni lola. Hinahatiran ko na rin ito ng pagkain sa kwarto niya dahil nagmamanhid daw ang buong katawan niya. Nalaman ko din na hindi narin niya iniinom ang mga gamot na bigay ng doctor sakanya.
Nag-aalala na ako at awang awa na sa kalagayan ni lola. Gusto ko siyang sermonan pero hindi ko kaya. Nangangayat narin. Sinabi ko ito kay mama at labis din ang pag-aalala nito. Gusto nang umuwi pero hindi pa pwede.
Ilang pilit ko narin itong kinukumbinsi na inumin niya iyon pero ngiti nalang ang hatid nito g sagot sa akin. Para bang naghahatid iyon ng huling mga ngiting masisilayan ko habang nakikita at nakakasama ko pa siya. Pagod na daw siya. Kumirot ang dibdib ko. Ang luhang matagal ko nang pinipigilan ay kusa nang lumabas sa akin. Para bang napuno na ito sa bigat na dinadala at gusto nang kumawala dahil sa hatid na sakit sa nakikita.
Dumating ang mama ko makalipas kong sabihin sakanya ang lumalalang sitwasyon ni lola. Naging madamdamin ang pag-uusap ng mag-ina at ako naman ang nahihirapan habang pinapanood silang dalawa.
Katabi pa namin si lola ng gabing iyon bago siya namaalam. Masakit at mabigat para sa akin. Ilang taon ko rin nakasama si lola. Ilang taon niya akong inalagaan hanggang sa ako naman ang nag-alaga sakanya. Mahal na mahal ko si lola at sobrang mamimiss ko ang mga payo at sermon niya. Ang presensiya niyang nakikinig sa mga problema ko lalo na kay Sean na dati niyang alaga noon. Tuwang tuwa siya sa akin pero lagi parin niya akong pinapangaralan na mag-aral muna bago magboyfriend na siya namang sinunod ko.
Sa ilan araw na burol ni lola ay dumating ang dating amo niya. Ang pamilya Villanueva. Siya ang unang hinanap ko pero susunod nalang daw ito. Lagi akong nakatanaw sa gate na may biglang dadating na sasakyan at lalabas na gwapo at mala artistang lalake. Oras -oras ay hindi ko maiwasan mapasilip roon hanggang sa utusan ako ni mama na bumili ng ibang plastic cup at plate para sa mga bisita.
Wala akong matawag na kasama dahil lahat ay busy maski si Lorieann.
Agad akong pumara ng trycicle at tinungo ang grocery. Konti lang ang binili ko pero ang pila ay halos abutin sa likod. Market day kasi ngayon at dagsahan ang mga mamimili. Nasa gitna na ako ng makatanggap ako ng tawag mula kay Lorieann.
"Nasa grocery pa ako. Bakit?" bungad ko.
"Dumating na iyong crush mo dito!" balita niya na kinatigil ko.
Agad akong napatingin sa pila at mahaba haba pa.
"Aalis daw ba siya agad?" tarantang tanong ko.
"Hindi ko sigurado pero ang gwapo niya. Parang modelo ng FHM!" paglalarawan niya.
"Wait lang!" biglang taranta ko at nakiusap na sa mga nauna sa harapan na isama ang dala ko sa mga babayaran nila at binigay nalang ang bayad ko.
"Parang-awa mo na te. Isali mo na. Ang ganda mo pa naman." Pangbobola ko sa aleng medyo may edad nang susunod na magbabayad sa counter.
"Oh sige na nga. Ito lang ba?" sagot pa nito na kinangiti ko.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakuha ko na ang mga binili ko.
"Salamat te. Ang ganda mo talaga. Pang miss U rin beauty mo te." Sipsip ko.
Tumawa naman ito.
Agad kong binalik ang phone ko sa tenga ko.
"Pero pagdating mo dito huwag kang iiyak ha." Natigil ako sa narinig. Hindi ko alam kung banta o tudyo iyon pero ang nasa isip ko ngayon at hangad ko ay makita siya.
Nang palabas na ako ay agad na akong sumakay ng trycicle. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong tumungo sa loob at hinanap siya. Nang makarating ako sa sala ay natigil ako. Ang excitement ko kaninang makita siya ay napalitan ng gulat at dissappointment.
"Iyong mahal mo, may mahal ng iba. Rinig ko ikakasal narin sila sa susunod na buwan."
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nalaman. Ang taon na inantay ko para makita siya ay napalitan ng mabilisang sakit at kirot dito. Akala ko ang lola ko lang ang nawala sa akin, pati rin pala si Sean.
BINABASA MO ANG
Begged for Love
RomanceIsang simpleng dalaga si Ara na umasa at nangarap na magiging kanya si Sean Villanueva, ang anak ng amo ng kanyang nanay na di kalaunan ay malalaman niyang ikakasal na ito sa iba. Pero isang pagkakamali ang babago sa buhay nila na ang akala niya ay...
