Graciel
Naalimpungatan akong may dumagan sa bewang kong mabigat na bagay. Ramdam ko ang lamig sa pagdampi nito sa balat ko. Napamulat akong nabungaran ang isang tulog na lalake sa harapan ko. It was Tristan.
Fresh na fresh pa sa isip ko ang nangyari sa amin kagabi. Kung paano ako nagpaubaya at binigay lahat sakanya. Ramdam ko ang hapdi at sakit sa pagitan ko pero hindi ko ininda iyon.
Alam kong dadalhin ko ito habang buhay pero never akong magsisisi. Ginusto ko ito at haharapin ko kung ano mang magiging consequence nito sa akin.
Hinaplos ko ang makinis at maamo niyang mukha. Bahagyang nakanganga pa ito. Napakagwapo niya. Ilang taon ko ring inantay ang pagkakataong ito na makita at matitigan siya ng malapitan. Mahalikan at makasama pero mukhang hindi kami pinagbigyan ng tadhana at binigay lang ang gabing pinagsaluhan namin kagabi.
Tatanggalin ko na sana ang kamay niyang nakapulupot sa bewang ko nang may marinig ako mula sa pintuan.
"MGA HAYOP KAYO!!!"
At naramdaman ko ang paghila ng dalawang kamay sa buhok ko na kinahiyaw ko at hila sa kumot na tanging bumabalot sa hubad kong katawan.
"LIAN!" Awat ni Tristan ng magising ito at nakita ang ginagawa sa akin ng fiance niya.
"WHAT HAPPEN?" Tarantang tanong din ng isang lalake na kakarating lang din sa kwarto. "WHAT THE HELL-- ANO ITO KUYA???" gulat na tanong ng lalake.
Hawak ng kamay ko ang buhok ko habang ang isang kamay ko ay nasa kumot at patuloy parin na tinatakip sa katawan ko.
"Stop this Lian. Let me explain. Please!!" Pagmamakaawa ni Tristan habang puno ng galit ang panghihila niya sa buhok ko ng fiance niya. Nanunubig na ang mata ko pero pinipigilan ko ang paghikbi ko.
"EXPLAIN TRISTAN? NAGPAKASARAP KA KASAMA NG BABAENG ITO HABANG ANG KASAL NATIN AY ILANG ARAW NALANG!!" Galit paring hiyaw sa harapan namin habang ang kamay ay humihigpit na para bang matatanggal na ang buhok ko sa anit ko.
Ramdam ko ang sakit at pamumula ng mukha ko pero hindi dahil sa sakit kundi sa kahihiyan. Nakasira ako ng relasyon without knowing na mahuhuli kami sa ganitong paraan. It's all my fault.
"Lian, stop it." Awat ng lalake at pinilit niyang tinanggal ang kamay nito sa buhok ko na halos mapasunod din ako.
Nagwawala at umiiyak na ito sahig at inaalo ng lalakeng pumasok kanina. Tinapis ni Tristan ang manipis na kumot nito at lalapitan na sana ang fiance niya ng dumating ang magulang niya. Mas lalo akong, natakot, at the same time ay nanlumo at nasaktan ng makita ang reaction ng nanay ko.
Bigla akong nakaramdam ng inis sa sarili ko. Ang selfish ko sa paraang nag give in ako kay Tristan without realizing ang kahihiyang maidudulot sa nanay ko.
Nagulat kaming lahat ng suntukin si Tristan ng kanyang daddy. Lahat ay nagulat at inawat ama niya na susuntok pa sana sakanya. Natakot at napayuko rin. Tinago ko ang iyak ko. Pinigilan ko ang sarili ko.
"LIAN!" Tawag ng lalakeng kasama niya kanina at tumakbong paalis ito.
Nakokonsensiya na ako. Alam kong nakaperswisyo at malaki ang nasira ko sa dalawang buhay na bubuo na sana ng pamilya na magkasama. Ako iyong kontrabida sa storya nila and I feel sorry for this.
"Hindi ka na magpapakasal kay Lian. Kay Graciel ka na magpapakasal." Ma-awtoridad na utos ng kanyang ama na kinagulat naming dalawa.
Magulo ang buhok at masa ang mata ko sa kaiiyak pero nagawa kong tumayo habang takip parin ang kumot sa katawan ko at lumuhod sa harap ni Sir Franco Del Villa.
"S-sir, s-sorry po. Kasalanan ko p-po talaga. A-alam ko pong--" hindi natapos ang sasabihin ko ng tumabi si Maam Novy sa akin at inalalayan akong tumayo.
"Wala kang kasalanan iha." At hinaplos ang mukha ko at bahagyang inayos ang buhok ko. Bahagya akong nagtaka.
Dapat galit din sa akin si Maam Novy dahil nasira ko ang relasyon ng anak niya sa papakasalan niya pero bakit parang kabaliktaran at ako pa ang inaalo niya sa sitwasyong dapat ang fiance ng anak niya.
"Ako na ang kakausap sa pamilya ni Lian. You probably found your way out on here Tristan but not your responsibilities." Seryoso paring banta ng ama niya sakanya.
Tahimik at wala paring imik si Tristan. Nakayuko lang ito na nakaharap sa ama.
"Your wedding will be this afternoon. So better prepare yourself even you Graciel. Sana aware ka rin sa nagawa mo. You're both accountable to this. I'm a little bit dissappointed but I expect you to behave being matured one especially you, Tristan." Malamang saad sa amin at nagpauna na itong lumabas.
Tinapik naman ako ni Maam Novy saka pumunta sa anak at chineck ang mukha nito.
Pailalim at nahihiya akong nilingon ang nanay ko sa pintuan at nakayuko itong kinakausap si Sir Franco.
Ang tanga ko sa paraang sarili ko lang ang inisip ko. Kung hindi ako nagpadala sa nararamdaman ko ay hindi sana aabot sa puntong pati si nanay ay nadadamay dahil sa nagawa ko. Nilingon ako ni nanay na kinahiyang iwas ko. Namumuo parin ang tubig sa mata ko. Naguiguilty ako.
Sa paglisan ko sa kwarto ni Tristan ay hindi na niya ako tinapunan ng tingin kaya hinayaan ko nalang din. Alam kong galit siya sa akin dahil nasira ko ang magiging kasal niya na sana. Nakapagbigay ako ng kasiraan sa buhay niya at ganun din sa babaeng papakasalan niya sana.
Pagdating ko sa kwarto ay hindi ako pinapansin ni nanay. Diretso ito sa kabinet at kinuha ang isang maleta. Namilog ang mata ko. Pinapalayas na ba ang nanay ko? Hindi pwede. Dapat ako ang umalis at hindi ang nanay ko. Ako dapat ang magdusa at hindi siya.
Agad kong nilapitan ang nanay at niyakap siya sa likod.
"Nay, sorry po." Hagulgol ko. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa nanay ko na kinatatanggal naman niya sa mga kamay ko.
Wala siyang sinasabi at patuloy lang siya sa pagbukas ng maleta at lagay ng gamit.
"Nayyy!! Please!! Huwag po kayo g umalis!! Ako po dapat ang aalis nayy!" Hagulgol ko parin na kinatapik niya sa kamay ko.
"Tumigil ka nga sa pag-iyak mo. Hindi ako aalis. Nililigpit ko lang itong mga gamit mo at pagkatapos ng kasal niyo ay doon ka na sa bahay ni Sir Tristan titira." Saad niya na kinagulat ko.
"P-po?" Sabay ang pagsinok ko dahil sa iyak.
Humarap ito sa akin at pinunasan ang mukha ko gamit ang hinlalaki niya. Napansin ko ang pamumuo ng luha sa mata niya. Pinasadaran ang buong mukha ko na para bang hinayang na hinayang siya. Ramdam ko ang sakit sa puso niya. Ramdam ko kung gaano siya kadissappointed sa akin na kahit hindi niya pinapahalata ay alam kong iyon ang nararamdaman niya.
"Alam kong masyado pang maaga para ibigay kita anak pero wala akong magagawa. Nangyari na ang nangyari. Alam kong aalagaan ka naman ni Sir. Alam kong magiging ligtas ka sakanya." At niyakap niya ako ng mahigpit. Sa yakap ni nanay ay ramdam ko ang sakit na dinulot ko sakanya.
Napahagulgol muli ako. Para bang kinakain ko na ang mga sinabi ko sa sarili ko kagabi. Nagsisisi ako sa paraang nasaktan ko ang nanay ko. Nagsisisi ako na nakikita siyang umiiyak ngayon dahil sa ginawa ko.
"Sorry nay." Sambit ko sa pagitan ng mga hikbi ko at naramdaman ko ang paghaplos niya ng buhok ko.
Ramdam ko ang pagsisisi pero andito na ako. Kailangan ko itong harapin. Kailangan ko itong tiisin hanggang sa maging maayos ang lahat.
BINABASA MO ANG
Begged for Love
RomanceIsang simpleng dalaga si Ara na umasa at nangarap na magiging kanya si Sean Villanueva, ang anak ng amo ng kanyang nanay na di kalaunan ay malalaman niyang ikakasal na ito sa iba. Pero isang pagkakamali ang babago sa buhay nila na ang akala niya ay...