Graciel
Kinaumagahan ay agad inayos lahat ni Tristan ang mga bills bago kami umuwi. Halos ingat siya sa lahat at talagang inaalalayan niya ako ng may mahigpit na pag-iingat. Kumbaga para akong basong binili sa mahal na presyo at iniingatang hindi mabasag.
"Kaya ko na Tristan." Agap ko ng pati sa seat belt ko ay siya pa ang maglalagay.
Hinayaan na niya ako hanggang sa nagbyahe na kami. Buong byahe na walang nagsasalita sa amin. Walang umiimik at tanging ang ugong ng sasakyan ang naririnig.
Napatingin ako sakanya habang sa harap ang mga mata niya. Sana lang at hindi pakitang loob lang ginagawa niyang pag-aalaga sa akin. Sana hanggang sa bahay ay magawa niya parin akong pakitaan ng ganong halaga kahit hindi na niya ito sinasabi. Sapat na ang maramdaman ko iyon kesa marinig pa.
Napabalik tanaw ako sa bintana at pinagmasdan ang mga dinadaanan namin. Kung titingnan mo ay parang ang tahimik ng paligid pero kung aalamin ng lubos ay makikita mo ang problema sa bawat kasuloksulukan nito. Sinandal ko ang ulo ko. Puno ng problema at pagsubok ang mundo at ang tanging sandata mo doon ay maging matatag lang.
Alam kong sa huli ay malalagpasan ko rin ito. Kung sa ngayon ay malayo ang loob ni Tristan sa akin at galit ang namumuo sa puso niya ay wala muna akong magagawa doon. Ako ang may kasalanan. Kaya ako rin ang maghihintay hanggang sa matanggap ko ang kapatawaran galing sakanya. Hindi ko rin pwedeng ipagpilitan ang sarili ko. Siguro ay gagawin ko nalang ang nararapat at magiging mabuting asawa nalang sakanya.
Nakarating kami sa bahay at siya ang unang lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako. Sa una ay namangha at nagulat ako. First time pero inisip ko nalang na baka dahil sa kagagaling ko ng hospital.
Sumalubong din sa amin sina Nina at Andeng habang si Mang Ambo ay siya na ang kumuha sa gamit ko sa likod ng sasakyan.
"Mabuti naman po at ayos na kayo Madam." Hayag ni Andeng na nakangiti sa amin.
Sinuklian ko naman siya ng ngiti at ganun din kay Nina.
"Madam, Sir, may bisita po kayo sa loob. Inaantay po nila kayo kanina pa po." Aniya ni Nina.
Kumunot ang noo ko. Bisita? Kami? Katatawag lang ni nanay kanina na bibisitahin niya ako sa susunod na linggo kapag day off na niya. Kung ganun sino ang bisita namin? Kasama ako o si Tristan lang? Pagtataka ang gumulo sa isip ko kung sino sila.
"Okay, thanks." Sagot ni Tristan at nagulat ako ng bigla niya akong hapitin sa bewang. Napatingin akong gulat sakanya pero siya ay parang normal lang sakanya at hindi abala ang ginagawa niya sa sistema ko.
Napansin ko rin ang tingin at mapaglarong ngiti ni Andeng at Nina ng makita ang kamay ni Tristan sa bewang ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya pero pilit ko nalang tinatanggal para hindi masyadong halata na lusaw na ako sa hiya sa ginagawa niya.
Pumasok kaming ganoon parin ang kapit niya sa bewang ko hanggang sa makita namin ang dalawang bisitang nag-aantay sa amin sa loob.
"Latina?" Bulong ko ng makita siyang tumayo ng makita kami.
Kumaway itong malaking nakangiti sa akin. Kasama niya naman si Edward. Marahil ay si Edward ang nagsama sakanya dito.
Lumapit sila sa amin. Ang titig ni Edward sa akin na para bang ineexamine ako. Inaalam gamit ang mata niya kung okay ba ako.
"Nabalitaan kasi namin na may sakit ka kaya kinulit ko si Sir na isama ako dito sa bahay niyo." At napatingin siya kay Tristan.
"Okay na ako. Magpapahinga lang tapos pwede na akong pumasok." Aniya ko.
"Mukhang hindi ka masyadong naaalagaan dito ah?" Diretsong tanong nito na kinatingin agad namin ni Latina kay Edward. Kumunot ang noo ko sa paraan at dating ng tanong at tono niya.
BINABASA MO ANG
Begged for Love
RomanceIsang simpleng dalaga si Ara na umasa at nangarap na magiging kanya si Sean Villanueva, ang anak ng amo ng kanyang nanay na di kalaunan ay malalaman niyang ikakasal na ito sa iba. Pero isang pagkakamali ang babago sa buhay nila na ang akala niya ay...