Graciel
Napaigtad ako ng tumunog ang cellphone kong nakapatong sa night table. Agad kong nilingon ang katabi ko pero wala na ito at mag-isa nalang ako. Tiningnan ko ang orasan sa wall at 9:24 na ng umaga. Tinanghali ako.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad na sinagot.
"Hello." Sagot ko.
"Kagigising mo?" Bungad na tanong sakin ng kaibigan kong si Jana.
"A-ahh. Hindi. Kanina pa ako gising. Naiwan ko lang tong cellphone dito sa kwarto." Pagsisinungaling ko at agad akong tumayo at pinulot ang mga damit ko sa sahig at bumalik muli sa kama.
"Sus. Kanina pa ako tawag ng tawag sayo no. Ang mister mo unang sumagot at sinabing tulog ka pa." May halong tudyo sa tono nito.
"Ha? A-eh.. " napakamot naman ako sa ulo ko.
"Pinagod ka ba niya kagabi?" Patukso niyang tanong sa akin.
"Tumigil ka nga!" Awat ko sa eskandalosa niyang tanong sa akin. Narinig ko naman itong tumawa sa kabilang linya.
"Hindi ko pa malalaman kung hindi pa kita kinamusta sa nanay mo." Medyo patampong saad nito.
Natigil ako sa ginagawa. Gusto ko na mang sabihin din sa kaibigan ko pero kahihiyan ko iyon at hindi pa ako handa. Lalo na at ganito ang trato ni Tristan sa akin.
"Kamusta ka naman? Maganda ba ang trato ng asawa mo sayo?" Pangangamusta niya sa akin.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Gusto kong magsumbong pero ayaw kong magalit sila sakanya. Ayaw ko na sakanya nila ibuntong ang galit na imbes sa akin dapat. Napakagat ako ng labi.
"Okay naman kami." Tanging sagot ko. Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa pagitan namin nang magsalita ulit ako.
"Magsabi ka lang sa akin Graciel kung may problema ha? Nandito lang ako. Alam kong may hindi ka sinasabi sa akin. Kapag handa ka na ay tawagan mo lang ako. Hmm?" Pampapagaan niya sa akin.
Uminit ang magkabilang pisngi ko. Nakaramdam ako ng gaan sa loob ko sa mga salitang narinig ko sa kaibigan ko.
"Oo naman. Ikaw ang unang pagsasabihan ko." Sambit ko dito. "Tatawag nalang ulit ako sayo mamaya at maliligo pa ako." Paalam ko dito.
"Oh sige, at baka maamoy ka pa ni mister." Biro nito na kinanguso kong natatawa.
"Sira!" Singhal ko na kinatawa niya.
Pagkatapos ng tawag ay kinuha kong muli ang mga damit ko kagabi. Napangiwi ako ng makitang hindi na ito kagamit gamit. Gaano ba siya kagalit sa akin at maski ang damit ko ay halos ayaw ingatan din.
Napabuntong hininga nalang ako. Wala akong damit ngayon at ayaw ko namang gamitin ang kumot para pangtakip sa hubad kong katawan. Mukha namang wala si Tristan dito sa kwarto kaya kumaripas ako ng takbo papuntang CR ng saktong bumukas din ito at niluwa ang bagong ligo at nakatapis na mabasa basa pang buhok at malaking katawan nitong si Tristan.
Natigil at namilog ang mata ko bukod sa mga sirang damit lang ang harang sa hubad kong katawan. Natigil din ito at bumaba ang tingin sa katawan ko.
Bigla akong nataranta at papasok na sana sa isang pinto ng pigilan niya ako at hinarap sakanya. I was naked and he was half naked. I gulped. Umagang umaga nagkakasala ang mata ko sa nakikita ko lalo na sa maumbok nitong baba.
Lumapit ito sa akin at iniangat ang mukha ko hanggang sa nakatingala na ako sakanya.
"Kahit na anong harang ng damit mo sa katawan mo, nakita ko na yan. I even touched every part of your body baby." He seductively said. I gulped again. Natutukso ako. Huwag ngayon Tristan. "So don't be ashamed like what you did yesterday." He mockingly said. He smirked.
He left me dumbfounded at pumasok sa walk in closet. I was about to cry again but I supressed it. Huwag ngayon Graciel. Magpakatatag ka please.
Pumasok ako sa CR at doon ko binuhos ang lahat ng hinanakit sa dibdib ko.
Pagkabihis ko ay agad kong nakita ang isang envelope sa night table. Kinuha ko iyon dahil may nakalagay na pangalan ko sa harap nito.
It was my credentials. Kinuha nila ito sa dating school ko sa probinsya at itutuloy ang pag-aaral dito ngayon.
Namilog ang mata ko ng maalala ang araw ngayon. Agad akong nataranta at inayos agad ang sarili ko. Paglabas ko ng kwarto ay agad kong nakita si Tristan sa baba na nagkakape. Nakaharap sa pintuan at pinagmamasdan ang labas. Nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa sa baso niyang kape.
He had that broad shoulder. Good physique that every girl could dream of. May part sa akin na ang swerte ko pero may part din na ang malas ko. Ang malas ko na sa ibang paraan ko siya nakuha at ngayon ay kinamumuhian na niya ako.
Bumaba ako at doon palang niya ako nilingon. Late na ako sa first period ko kaya hahabol ako sa 2nd period at kung hindi papalarin ay sa 3rd period nalang.
"Madam, pinaghandaan ko po kayo ng baon." Habol ni Andeng sa akin.
Matamis ko itong nginitian at kinuha ang isang paper bag.
"Salamat Andeng." Ngumiti rin ito sa akin.
Lumapit ako kay Tristan para magpaalam narin. Alam ko naman na may trabaho rin ito kaya magtataxi nalang ako kung sakali.
Magsasalita palang sana ako nang dumating si Manong Ambo sa harap namin.
"Ayos na po ang sasakyan niyo sir." Hayag ni Manong Ambo na kinalingon ko roon.
"Salamat Mang Ambo." Sagot nito. "Let's go." Aya nito sa akin na hindi man lang ako tinitingnan.
Taka man ay sumunod parin ako sakanya. Nauna siya sumakay sa driver seat at sumunod naman ako sa back seat.
"Lumipat ka dito sa harapan." Utos niya na kinasunod ko rin agad kahit ramdam ang hindi pagiging komportable ko sa presensiya niya. Siguro ay sa kaba o talaga naroon parin ang feelings kong hindi nag-iiba at nagbabago.
Pinaandar niya ito at umalis na kami.
"I have your schedules. Susunduin kita sa oras ng labas mo. I'll call you if I have some emergency meetings to meet up at si Mang Ambo ang susundo sayo. School at bahay ka lang." Bilin niya at puro tango lang ako.
Nilabas ko ang ID ko at sinuot ito.
"One more thing. Hindi ko pa pinalitan ang apilyedo mo. I'll work for that soon." Dagdag niya at tiningnan muli ang ID ko.
Still, Graciel Ramos parin ang gamit ko. Okay lang naman. Basta tuparin niya ang pangako niya soon.
Nakarating na kami sa harap ng University at mangha akong tiningala ito. Villa Fuerte University is a big and known School in the Philippines.
"This will be your phone." Napalingon ako sakanya ng ibigay niya sa aking ang isang touch screen phone.
"My cellphone na ako." Sagot ko dito.
"Throw it away. Use this new one. Nakasave na ang number ko just in case na may emergency para tumawag ka." Para siyang nakikipagnegotiate sa akin sa tono ng mga bilin.
"Opo." Sagot ko.
"And be casual to me. You're my wife and I'm your husband now. Huwag kang masyadong magalang."
Parang may kumiliti sa tiyan ko ng marinig ang 'you're my wife and I'm your husband now.'! Nakaramdam ako ng kilig pero pinigilan ko iyon. Ayaw kong mahalata niya.
Lumabas na ako at umalis narin siya after non. Pumasok ako at gamit ang map na nasa envelop ay ginawa kong guide iyon. Nakahabol pa ako sa 3rd period ko at nakilala ko si Sir Edward Martin na isa sa mga kaibigan ni Tristan na nakikita ko sa social account niya noon at isa siya sa mga Prof ko.
Nang tanungin niya ang status ko ay hindi ako nakaimik. I was thinking kung single or married since apilyedo parin ng nanay ko ang gamit ko.
"Single sir." sagot ko.
Sana ay hindi ito maging problema kalaunan.
![](https://img.wattpad.com/cover/287639988-288-k658391.jpg)
BINABASA MO ANG
Begged for Love
RomanceIsang simpleng dalaga si Ara na umasa at nangarap na magiging kanya si Sean Villanueva, ang anak ng amo ng kanyang nanay na di kalaunan ay malalaman niyang ikakasal na ito sa iba. Pero isang pagkakamali ang babago sa buhay nila na ang akala niya ay...