Chapter 15

0 0 0
                                    

Nang matapos ang klase ay agad kong tinago ang mga notes ko. 30 minutes ang bakante ko kaya pwede ko pang gawin ang ibang requirements ko.

Tumayo ako para lalabas na sana nang tawagin ako ni Edward. Unang kong tiningnan si Andeng na ngayon ay may tinatanaw sa likod nito. Binalik ko ang tingin ko kay Edward na ngayon ay papalapit na sa akin.

"Kain tayo. Treat ko."aya niya.

"Ha?" muli kong tiningnan si Andeng na ngayon ay sumisilip na dito nang mapansin na halos lahat ay nakalabas na.

"Hindi pa ako gutom eh. At saka marami akong hinahabol na requirements. Iyon muna ang gagawin ko ngayong bakante ko." paliwanag ko.

"I can help you. Just give me this time to treat you." hiling niya. "If it's okay to you." Sunod niyang wika.

Tiningnan kong muli si Andeng na ngayon ay sa cellphone na niya ito nakatingin. Bigla akong kinabahan. Paano kung tinetext na niya kay Tristan ngayon na kausap ako ni Edward?

"Next time nalang Edward. Kailangan ko talaga tapusin lahat. Salamat nalang." mabilis akong lumabas na agad ding kinalingon sa akin ni Andeng at tumayo at lumapit sa akin.

"Saan ang sunod na klase niyo madam?" Tanong niya.

Nagsimula na kaming maglakad.

"Sa library muna tayo Andeng. Tatapusin ko lang itong mga requirements na hindi ko natapos kagabi. Bukas ko na kasi ipapasa."

"Inistorbo ka siguro ni sir noh kagabi." tudyo niya na kinalingon ko dito.

"Ssshhh." senyas ko dito. Mahinang humagikgik ito.

Hindi na ako lumingon pa sa likod ko para hindi ako makonsensiya sa ginawa ko kay Edward. Nahalata niya siguro na iniiwasan ko siya. Nag-iingat lang ako at nandito si Andeng na watcher ko at pwede niyang isumbong kay Tristan ang lahat ng ginagawa ko.

Sa buong bakanteng oras ko at halos natapos ko ang ilan sa requirements ko. Wala din kaming naging pasok sa sumunod na klase namin dahil may sakit ang prof namin. Binigyan nalang kami ng activity na gagawin.

Maya maya ay dumating din si Latina at nagsauli ng libro. Nang makita ako ay agad lumapit ito.

"Kamusta." pangangamusta niya at tiningnan si Andeng na ngayon ay nagbabasa ng libro. "Ano yang binabasa mo? Pang nursing yan ah." usisa niya.

"Ahh ehh nacurious lang ako." paliwanag niya. Ngumiti si Latina sakanya.

"Ayos lang yan. Maganda rin ang minsang nacucurious para matuto." tiningnan ako ni Latina. "Final practice daw tayo mamaya para sa presentation natin. Ready ka na? Bukas nadin natin ipeperform."

Bigla kong naalala yung presentation namin na hindi ko nadaluhan dahil nagkaproblema kami ni Tristan.

"Anong oras?" tanong ko.

"Mga 5 pa matatapos ang klase ng mga kasama natin. Okay lang ba kung antayin natin sila? Hindi magagalit ang asawa mo?"

"Basta imemessage namin siya ahead of time at saka andito naman si Andeng na kasama ko. Siguradong hindi magagalit yun." Paliwanag ko.

"Sobrang protective din ng asawa mo sayo no. Pinabantayan ka pa talaga." tukoy nito kay Andeng.

"Siyempre. Mahal siya ni sir eh." sabat naman ni Andeng na kinatikom agad niya ng bibig.

Muntik na akong mapangiti sa sinabi ni Andeng pero pinigilan ko ang sarili ko. Dapat huwag maging marupok kapag naririnig ko ang mga bagay na iyan.

Pagdating ng hapon ay maaga nagpadismiss ang lahat ng prof namin dahil may meeting daw sila. Kinuha na rin namin ang oras na iyon para makapagpractice at makauwi ng maaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Begged for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon