Chapter 2

8 0 0
                                    

Graciel

Pagkatapos ng libing ni lola ay napagdesisyonang nila na isama ako ni mama sa bahay ng mga Del Villa at sa Manila na ituloy ang pag-aaral ko. Labag man sa loob ko dahil masakit parin ang makita kong pag-aari na siya sa iba ay tinuloy ko nalang para sa nanay ko at nasa namayapang lola ko.

Sumama ako sakanila. Nagpaalam din ako kay Jana at sa iba pang mga malalapit sa akin doon.

Nang makarating kami roon ay para akong makikipagsapalaran sa panibagong yugto ng buhay ko. Hindi na gaya ng dati ang buhay ko na nagagawa ko lahat ng gusto ko. May limit na, may oras at mas maraming mga responsibilidad na kailangang gawin.

Araw-araw din akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko si Tristan at ang fiance niya na napakasweet at halos ayaw nang lumabas sa kwarto niya. Ang sakit! Bakit sa akin pa nangyayari to! Gusto ko na mag-move on pero paano kung lagi ko naman silang nakikita.

Malapit na ang kasal nila at mas lalo akong kinakabahan at nasasaktan. Ikakasal na siya. Ikakasal na ang taong matagal ko nang pinangarap.

"Ngumiti ka nga diyan Graciela." buryo sa akin ni ate Andeng na kasama rin namin ditong kasambahay.

"Paano ako ngingiti kung sila laging nakikita ko." simangot at reklamo ko.

Magkatabi sila ngayon sa sofa at naghahanda na para sa kasal nila. Para akong napapasong tingnan at kailangan ko silang iwasan para hindi ako lalong nasasaktan.

"Edi sa kapatid ka nalang niya. Mas malapit ang agwat niyo non. Maganda ka at gwapo rin naman iyon.  Darating narin siguro bukas o sa makalawa bago ang kasal ng kuya niya." balita nito.

Lalo akong sumungo. Nakita ko na iyong kapatid niya at gwapo rin naman pero mas tinamaan talaga ako sa kuya niya. Anong magagawa ko kung ang puso ko ay ayaw magpaturo.

"Graciel!" tawag niya na kinagulat ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang unang tawag niya sa pangalan ko.

Isang linggo palang kami dito pero ngayon lang niya ako napansin at tinawag sa pangalan. Parang sa padinig ko ay iyon na ang pinakamagandang tinig na narinig ko.

"Tawag ka uiy!" bulong at tudyo ni ate Andeng sa akin.

Bigla akong naconscious sa itsura ko at agad na inayos ang damit at buhok ko. Lumabas ako galing ng kusina at lumapit sakanila.

Napansin ko ang taas babang tingin sa aking ng fiance niya na parang iritado sa presensiya ko at inirapan pa ako.

"May ginagawa ka ba?" tanong niya sa akin. Ngumiti at umiling ako.

"Wala po sir." sagot ko.

"Pwede mo ba silang tulungang ilagay sa kwarto ang mga gamit dito?" tukoy nito sa mga gamit na gagamitin sa kasal nila.

"Tinatanong pa ba yan Tristan? It's her work!" mataray nitong sambit.

Napansin ko ang pagbuntong hininga nito sa inasta ng katabi.

"Enough babe." awat nito pero ang babae ay tumayo ito at inirapan pa ako saka umalis. "Pagpasensiyahan mo na siya Graciel." paghihingi nito ng paumanhin sa akin.

"Okay lang po sir. Wala po iyon." sagot kong nakangiti at ngumiti rin sa akin.

Parang biglang nagtalunan ang mga bulate ko sa tiyan dahil sa kiliting naramdaman ko sa simpleng ngiting binigay sa akin.

"Pakitulungan nalang muna sila Graciel. Thanks." at tumayo ito saka tinapik ako sa balikat na parang dumaloy pa ito sa buong katawan ko at umalis na sa harapan ko.

Buong araw ko dala ang ngiti sa labi ko na parang bang gamot iyon na binigay sa akin kahit hanggang panaginip ko nalang siya makakasama.

Ilang araw nalang ay kasal na nila. Inuunti-unti ko namang tinatanggap pero mahirap parin. Kahit alam kong mali ang mangarap na sana ako nalang ang kaharap niya sa altar ay umaasa parin ako.

Nagising ako ng madaling araw at hindi na muling nakatulog. Siguro ay bumalik ang takot sa puso ko na mawawala na ang lalakeng mahal ko dalawang araw simula ngayon. Lumabas ako ng kwarto namin ni nanay at didiretso na sana ng kusina ng marinig kong may bumagsak sa sala. Agad kong tiningnan iyon at dahan dahang lumapit at baka magnanakaw iyon. Kumuha ako ng isang walis at tinaas ito para laging handa kung sakaling manlaban.

Dahil madilim ang paligid ay pilit kong inaaninag ang taong naglakas loob na pumasok dito at habang dadahan akong lumalapit roon ay napansin ko ang isang lalakeng nakahiga sa ibaba ng sofa. Nilapitan ko iyon at pinakatitigan pero bago ko pa maanigan ang mukha ay agad niyang hinila ang kamay ko rason para mapaibabaw ako sakanya.

Amoy ko ang alak sa hininga niya pero nanatili parin ang mabango nitong amoy sa katawan. Sa ganitong ayos namin ay doon ko lang natitigan ng malapitan ang mukha niya. Ang gwapong mukha niya. Kahit ilang oras lang na ganito kami. Kahit ilang oras lang na ganito siya kalapit sa akin ay masaya na ako. Kahit paggising ko ay iba na ang kapiling niya.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Ang sakit na parang hinihiwa ako. Bago pa lumabas ang mga nagbabantang luha sa mata ko ay bumangon na ako pero bago pa ako makaalis sa ibabaw niya ay hinapit niya ang leeg ko at siniil ako ng halik. Halik sa labi.

Gulat ako sa ginawa niya. Nagprotesta ako at agad ko siyang tinulak. Taas baba ang dibdib ko sa ginawa niya. Unang halik ko iyon at sa buong buhay ko ay siya lang din ang pinangarap kong gagawa sa akin non. Umiling ako at iniwas ang mga isipin.

Tinulungan ko siyang bumangon at dinala sa kwarto niya. Sa bigat niya ay halos matumba pa kami pero nakaya ko naman. Sa pagbagsak ko sakanya sa kama niya ay naisama ako. Ngayon ay katabi ko na siya. Mas lalo kong napagmasdan ang mukha niya, Ang manipis na labi at matangos na ilong. Maski ang pilik matang mahahaba at kutis nitong malambot. Ang perfect mo sa paningin ko.

Nasa position akong nakatingin sakanya ng bahagya niyang imulat ang mata niya na kinatigil ko. Napakurapkurap pa ako at tatayo na sana ng hilain niya ako pahiga. Hinawakan niya ang pisngi ko habang ang braso niya ay nasa uluhan ko.

"You look like an angel to me. You're so beautiful." bulong niya sa akin na para bang nanaginip ng gising habang sinasambit iyon sa harapan ko.

"S-Sir ... " bago ko pa masabi ang sasabihin ko ay muli niya akong siniil ng halik. Malalim, palaban at parang gutom.

Dahil sa first time ko iyon ay hindi ko alam kung sasagot ba ako dito o hindi.

"Open your mouth baby." he whispered at sumunod naman ako at doon ko naramdaman ang pusok at init na binibigay niya sa akin. Ang ibang pakiramdam na siya ang unang nagparamdam. Halos mapaungol ako sa taasang ginagawa niya sa labi ko at sa buong katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang tawag pero ang sarap sa pakiramdam kahit alam kong mali. Alam kong mali na ibigay sakanya ang sarili ko pero alam kong hindi ko iyon pagsisisihan.

Sumagot ako sa init na pinaparamdam niya sa akin at ang gabing ito ang hinding hindi ko makakalimutan kahit na magkalayo man ang landas naming dalawa.

Begged for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon