Nang makarating kami sa hospital ay agad kaming sinalubong ng mga nurses at inasikaso ako.
Nagising nalang ako ng maramdaman ang isang kamay na dumadampi sa mukha ko. Pagmulat ko ng mata ko ay si nanay ang una kong nakita.
Biglang nagsilabasan ang luha sa mata ko at agad ko siyang niyakap.
"Nay ... " hagulgol ko.
"Ayos ka na anak. Huwag ka ng mag-alala ha? Andito na ako." Pag-aalo niya sa akin at haplos at punas niya sa mga luha sa mata ko.
Tanging iyak lang ang kumakawala sa akin sa oras na ito. Para bang naghahanap ako ng kalinga ng isang ina sa oras na nararanasan ko ang mga sitwasyong ito.
Ilang taon ko rin na hindi nakasama si nanay at noong nakasama ko naman siya ay pinagkaitan naman kami ng panahon dahil sa kagagawan ko at nagkawalay muli kami. Nais ko man na manatili siya sa tabi ko ay hindi rin pwede.
"Kumain ka kasi!" Tapik nito sa akin sa braso ko na kinanguso ko.
"Masakit yung palo niyo nay." Reklamo ko.
"Ang arte mo kasi sa pagkain." Sermon ulit sa akin. "Wala ako sa tabi mo para paglutuan at pagsilbihan ka kaya matuto kang tulungan ang sarili mo. Hindi nakakatulong ang pag-iinarte mo kung magkakasakit ka." At nilabas niya ang mga pagkaing binaon niya para idala dito. "Hindi ko rin alam kung pwede mo itong kainin."
Alam kong hindi ako kagaya ng ibang anak na may kompletong pamilya pero maswerte parin ako at may ina akong mapagmahal, maaruga at ako lagi ang iniisip na kahit malayo siya sa akin noon ay hindi niya pinaramdam na malayo siya sa akin.
Inuuna niya halos ang mga pangangailangan ko bago ang sarili niya. Minsan naghangad din ako na magkaroon ng sariling anak noon at gawin at iparanas din ang pagmamahal na pinaramdam ni nanay sa akin.
Ngayong may asawa na ako, tanging ang pagiging ina ko nalang ang kulang kaso ... parang wala pa. Nag-init ang mukha ko ng maalala ang ilang gabi noon na may nangyari sa amin. Umiling ako para burahin iyon sa isipan ko.
Ilang oras pang nanatili si nanay bago siya pinalitan ni Tristan na mukhang galing pa sa trabaho. Hindi siya nakaoffice attire. Nakapolo shirt at pants lang ito pero bagay na bagay sa makisig at malaki nitong katawan na sa tingin kong maski ang mga babaeng nurse o doctor ay maghahangad na hawakan o makita iyan. Pero pasensiyahan nalang at asawa ko na iyan.
"How are you?" Napaangat agad ako sakanya ng mapagtantong natagal ang tingin ko sa katawan niya.
Nakaharap na ito sa akin ngayon at walang kamuwang muwang sa malagkit na obserba ko sa katawan niya kanina. Napaiwas ako ng tingin.
"Ayos na ako." Sagot ko.
Hindi na ito nagsalita pa at inayos ang mga pinamili niyang nasa plastic na mga prutas. Nakita ko rin ang ilan pang dala nito pero mas naagaw talaga sa akin ang pagflex ng muscle niya ng ilagay niya ito sa mataas ng mesa.
"Pwede ka na daw makalabas bukas." Saad niya habang inaayos ang mga pinamili niya.
"Pwede narin ba akong pumasok bukas?"
"No." Agad niyang sagot. "You should rest first."
"Pero hindi nila alam nang ibang prof ko na nagkasakit ... "
"Nakausap ko na sila. They'll excuse you. Don't worry."
Hindi ko alam kung may part parin bang ayaw niya akong pumasok o talagang inaalala niya lang na may sakit ako at hindi ko pa kaya.
"Gusto kong magpaliwanag sa nakita mo noon sa school Tristan. Hindi talaga namin kasama si --"
"I know. No need to explain. Just rest." Utos nito at tinalikuran niya ako at dumeretso sa CR.
BINABASA MO ANG
Begged for Love
RomanceIsang simpleng dalaga si Ara na umasa at nangarap na magiging kanya si Sean Villanueva, ang anak ng amo ng kanyang nanay na di kalaunan ay malalaman niyang ikakasal na ito sa iba. Pero isang pagkakamali ang babago sa buhay nila na ang akala niya ay...