Graciel
"Single sir." Narinig ko ang hiyawan ng ibang kaklase ko na para bang ako lang ang single sa klase namin.
"Pwede daw ba mahingi ang number mo Graciel sabi ng katabi ko?" Sunod na kantiyawan ang sumunod na narinig sa mga kaklase namin.
"That's enough Mr. Delmundo at marami ka nang pinaasa dahil sa panghihingi mo ng number ng mga new classmates niyo." Awat ni Sir Edward.
"Magbabago na po ako sir." Sagot nito.
"Last year mo pa sinabi yan pero hanggang ngayon hindi ka pa nagbabago." Sabat ng isang kaklase naming babae na halos lumakas na ang kantiyawan sa buong klase namin.
Natigil lang ang asaran ng magsimula ng magdiscuss si Sir. Natapos ang klase nang makaramdam ako ng pagkalam sa tiyan ko. Hindi pa pala ako kumakain ng pang-umagahan.
Papunta na ako sa Canteen ng makasalubong ko si Sir Edward. Napakagentleman at very approachable niyang kausap. He even offered his help para maka cope up sa mga namiss kong lessons since late ako ng 1 week sa klase nila.
He even knew our story with Tristan. Alam niyang kasal ako at doon ako naghanap ng butas para iexplain ang side kong pagpapakilalang single kanina na kinatawa niya.
Naintindihan niya ako at mas naging komportable lalo ako sakanya ng magkwento rin siya tungkol sa kaibigan niya. Ang iba doon ay alam ko at ang iba naman ay bago. Very attentive ako.
"Kamusta naman ang buhay may asawa?" He asked. Natahimik ako. He even looked at me worried. "Sinaktan ka ba niya?"
Umiling ako at pilit na ngumiti.
"Hindi. Ayos naman kami. Sweet nga niya eh." Hilaw akong tumawa pero ang mata niya ay nasa akin parin.
"I hope so Graciel. If you need a friend, just call me. This is my number." Then he type his number and save it in my phone. "Call me by my name if were not in class para hindi awkward tingnan. Diba?" Then he chuckled.
I chuckled too. Ang sarap lang ng pakiramdam na sa sitwasyong pakiramdam mo ay mag-isa ka na ay makakahanap ka ng mga bagong kaibigan na iintindi at tutulungan ka.
Hindi na masyadong nagtagal ang usapan namin at parehas kaming may klase ng 1pm.
Nakakilala ako ng mga bagong kaibigan sa same department at major ko sa mga minor subjects ko at isa doon si Latina. Nakapamasayahin at madaldal din. Windang na windang ako sa mga jokes niya at kapag sa lovelife na niya ang pinag-uusapan ay lagi niyang sagot ay reserved na siya.
"Eh ikaw ba? Bat single ka pa?" tanong sa akin ni Latina ng maaga kaming dinismissed ng prof namin para sa research namin.
"Ha? A-ehh ... " napakamot ako sa ulo. "May inaantay din ako eh." Sagot ko na kinahiyang ngiti ko.
"Oh? Share mo naman." Pangungulit nito sa akin na kinatawa ko ng mahina.
"May crush kasi ako since Elementary. Alaga siya ng lola ko na naging amo naman ng nanay ko ngayon."
"Ayy same situation sis. Pero 4 years ko palang siya crush. Ge, tuloy mo na." Pagtutuloy sa akin.
"Alam mo iyong pagcrush mo? Aalamin mo lahat sakanya. Lahat ng paborito niya, lahat ng kaibigan niya. At halos lahat ng ginagawa niya. Sabi nga ng kaibigan ko na obsess na daw ang tawag sa paghanga ko sakanya." Natawa ako ng maalala ang usapan namin ni Jana noon.
"Obsess ka nga sis. Pero ingat-ingat at baka saan mapunta ang pagiging obsess mo sa crush mo. Mahirap na at baka agad kang bumigay kapag nasa harapan mo na which is dapat may pagpipigil parin at pairalin ang isip at hindi ang puso." Pangaral nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Begged for Love
RomanceIsang simpleng dalaga si Ara na umasa at nangarap na magiging kanya si Sean Villanueva, ang anak ng amo ng kanyang nanay na di kalaunan ay malalaman niyang ikakasal na ito sa iba. Pero isang pagkakamali ang babago sa buhay nila na ang akala niya ay...