"Mas maganda na iyong wala siyang alam muna." Sambit ko. Kung noon ay si Jana, lola, at nanay lang ang nakakaalam sa secreto ko, ngayon ay pati si Latina na.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. Napatingin ako sakanya.
"Ayos ka lang ba talaga Graciel?" May pag-aalalang tanong nito sa akin. Iyong tingin niya ay parang nanghihingi pa ito ng kasagutan sa tanong niya na kung ayos lang ako.
Nakangiti akong tumango.
"Oo naman. Kay crush ako humuhugot ng lakas noh." sagot ko na kinatawa naming dalawa.
Napaigtad ako ng biglang may tumikhim sa likod namin na agad naming kinatayo. Namilog ang mata kong naroon sila Tristan at Edward.
Kanina pa ba sila diyan? Narinig ba nila ang usapan namin?
Seryoso ang mukha ni Tristan na halos hindi maipinta kung anong emosyon ang dala non habang si Edward naman na nasa likod niya ay nakangisi na para bang natutuwa sa reaction ng asawa ko.
Bigla akong napaiwas ng tingin sa uri ng titig niya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.
"Mga sir, mga madam. Pwede na pong kumain." Sulpot ni Andeng. Napalingon ako roon. Nilingon ko rin si Latina at niyaya. Bago pa ako makahakbang ay biglang lumapit si Tristan sa akin at hinapit muli ako sa bewang na kinasinghap ko.
Nagulat din ako ng bigla niyang hawakan ang pisngi ko at halikan sa labi sa harap ng mga kaibigan namin. Halos ilang segundo akong napakurapkurap sa ginawa niya hanggang sa siya ang unang bumitaw. Naestatwa ako. Hindi agad gumana ang utak. Hindi rin ako agad nakapag-isip ng maayos ng gawin niya iyon at sa harapan pa talaga ng mga kaibigan namin at kay Andeng.
Narinig kong humagikgik si Andeng na parang natuwa sa nakita.
Tumabi si Tristan sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.
Napatingin pa ako kay Latina na tinatago ang ngiti sa amin ni Tristan. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Si Edward naman ay seryoso na ang mukha ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit.
"Let's go." Yaya niya sa mga dalawang kasama pa namin doon at hinila na niya ako.
Magkatabi si Edward at Latina sa kabilang side ng table at ako naman sa harapan nila habang si Tristan ang nasa gitnang dulo ng lamesa. Marami ang inihanda. Si Tristan ang naglagay ng pagkain sa plato ko maski sa ulam.
He didn't say anything but his action speaks something at nakuha ko agad iyon.
"Thank you." I mouthed to Andeng after she served the last dish. She just smiled at me.
Tahimik kaming apat na kumakain habang si Latina ay parang hindi mapakali at parang may gustong sabihin o tanungin sa akin o kay Tristan. Hindi ko alam pero sana ay huwag nalang niyang ituloy kung sakali.
"Parang ang tahimik ng bahay niyo. Kulang talaga ang maliliit na chikiting dito." at nilibot niya ang mata sa paligid ng bahay. "Wala pa ba kayong balak?" sunod niyang tanong na kinaubo ko na para bang nagulat ang lalamunan ako sa huli niyang sinabi kaya hindi ito tinanggap ng lunukin ko.
Napatingin kaming lahat kina Tristan at Edward ng sabay nilang ibigay sa akin ang mga baso nilang may tubig. Nagpalipat lipat ako ng tingin sakanilang dalawa hanggang sa iatras ni Edward ang kanya hanggang kay Tristan nalang ang naiwan. Nahihiyang kinuha ko iyon at ininum.
"Okay ka na?" tanong ni Tristan sa akin at tumango ako.
"Tungkol sa tanong mo kanina." Tristan abruptly. Napatingin kami sakanya.
Pinatong niya ang siko nito sa mesa.
"We're on the process planning about having kids." my lips parted. Lumawak naman ang ngiti ni Latina habang si Edward ay nanatili parin na walang emosyon ang mukha. May nangyari ba kanina?
BINABASA MO ANG
Begged for Love
RomanceIsang simpleng dalaga si Ara na umasa at nangarap na magiging kanya si Sean Villanueva, ang anak ng amo ng kanyang nanay na di kalaunan ay malalaman niyang ikakasal na ito sa iba. Pero isang pagkakamali ang babago sa buhay nila na ang akala niya ay...