Chapter 7

2 0 0
                                        

Graciel

Sa mga sumunod na araw ay naging malamig ang turing niya sa akin. Naroon parin ang mga bilin na huwag akong lumapit kahit sinong lalaki maski sa kaibigan niyang si Edward na minsan ay napapansin narin ang pag-iwas ko.

Masama at mabigat sa loob ko na iwasan siya pero paano kung malaman ni Tristan? Asahan ko na ang gagawin niya sa akin.

"Hulaan ko. Mahirap ang maging asawa ng isang Tristan Dale Del Villa noh." May halong biro at pag-uusisa sa tono ng boses niya.

Nasa canteen kami ngayon at naunang umalis si Latina dahil may imimeet daw niya ang kagrupo niya sa isang subject niya. Naiwan ako at hindi ko inaasahan ang pagsulpot at upo niya sa tabi ko.

"Talaga ring pinalitan na niya ang apilyedo mo." Napangisi ito. "Takot ba siyang maagaw ka ng iba?"

Napalingon ako bigla sakanya. Wala akong idea sa sinasabi niyang pinalitan ang apilyedo ko.

"P-pinalitan ang apilyedo ko?" Takang tanong ko.

Uminom ito sa juice na hawak niya at pagkalunok niya ay humarap ito sa akin.

"Nakita ko iyong secretary niyang pumunta dito. Noong una ay nagtaka ako. Pero naisip ko, ikaw lang ang pwedeng pakay niya dito." Mahinang tumawa ito. "Marahil natakot sa sinabi ko noon."

Kumunot ang noo ko.

"Ano iyong sinabi mo sakanya?" tanong ko ulit.

Tiningnan niya ako at ngumisi ito.

"You ask him."

***

Nasa sasakyan na ako ngayon at kasama si Tristan. Nagdadalawang-isip kung tatanungin ko ba ang sinabi sakanya ni Edward. Siguro ay huwag nalang. Baka magalit siya sa akin. Malamig na nga ang pakikitungo baka lalo pang lumamig sa mga susunod na araw.

Nakahanda na ang pagkain ng makita ko itong bihis na bihis na para bang may pupuntahang importanteng pagsasalo. Gusto ko sanang lumapit at tanungin ang pupuntahan niya pero napanghihinaan ako ng loob na gawin iyon. Parang alam ko na ang isasagot niya kapag ginawa ko iyon.

"Nina." Agad lumingon ito sa akin habang inahahanda ang mga ulam sa mesa.

"Bakit po madam?" Sagot niya.

"Alam mo ba kung saan pupunta si Tristan?" Tanong ko. Marahil magtataka ito bakit siya ang tatanungin ko imbes na ako ang nakakaalam sa lakad ng asawa ko.

Asawa nga ako pero parang hangin naman ako sakanya. Iyong tipong obligasyon lang kumbaga na ibahay pero walang balak na ingatan at mahalin. Ang sakit. Pero kahit ganoon ay mahal ko parin siya. Marupok na kung marupok.

"Narinig ko po kaninang may kausap si sir sa veranda at parang party po? Hindi ko po sigurado madam." Imporma niya sa akin na kinatango ko.

Siguro ay nagkayayaan ang magbabarkada. Tiningnan ko ang hinanda namin. Mukhang masasayang na naman ito lalo na itong niluto ko na paborito niya.

"Samahan niyo nalang akong kumain kung ganon. Ang lungkot kumain mag-isa eh." Aniya kong may bahid ng lungkot sa boses ko.

Simula nang dumating ako dito ay never pa kaming nagsabay kumain ni Tristan. Para akong may sakit na nilalayuan ng lahat. Pakiramdam ko ay mag-isa lang ako sa malaking bahay na ito kahit may mga kasama naman ako.

Napansin ko ang tinginan ni Nina at Andeng sa sinabi ko at binalik din sa akin.

"Okay lang naman po madam." Sagot ni Andeng sa akin. Napangiti ako.

Umupo ako at sinundan nilang dalawa at sumunod din si Mang Ambo. Hindi matanggal tanggal ang ngiti at saya sa mukha ko habang nakikinig sa kwento nila. Pakiramdam ko naganahan akong kumain dahil sa hatid ng ganitong setting na kahit ngayon lang gabi mangyayari at hiling ko na sana masundan pa ulit ito.

Nang matapos naming iligpit lahat ay dumeretso na ako ng kwarto at ginawa ang ibang requirements ko. Konti lang naman na iyon kaya makakatulog na ako ng maaga.

Sa bawat oras na dumaraan ay hindi matanggal tanggal ang mata ko na bumukas at iluwa si Tristan pero hanggang sa paggising ko sa umaga ay hindi ito dumating. Wala siya sa tabi ko.

Naligo at nagbihis ako. Weekends ngayon at walang pasok. Balak kong tumulong muna dito sa gawaing bahay para may magawa ako. Bababa na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko. Si Latina.

"Hello Latina." sagot ko at patuloy parin ako sa pagbaba.

"Diba magkakagrupo tayo sa PE? Kasama rin natin sila Elisse at Marvin?" tanong nito sa kabilang linya.

Natigil ako at bahagyang napasapo sa noo. Oo nga pala. May group presentation kami sa PE at sa monday na iprepresent iyon.

"Oo nga pala. Nakalimutan ko. Kailan tayo magprapraktis?" tanong ko dito ng makababa ako.

"Ngayon sanang araw. Hindi kasi ako pwede bukas. Madali nalang iyong iprepresent natin at may video akong pwedeng gayahin natin. Natawagan ko narin sila Elisse at Marvin at pupunta daw sila ngayon sa school. Go ka ba?" tanong nito sa akin sa huli.

Natahimik ako. Wala si Tristan dito sa bahay. Paano ako makakapagpaalam? Tawagan o itext ko nalang kaya siya? Pwede rin naman kaso baka hindi ako payagan. Sabi naman ni Latina na madali lang iyon at baka makuha din namin agad. Tsaka wala rin namang masama sa pupuntahan ko dahil para sa grades din namin iyon.

Agad kong hinanap si Nina at Andeng para sakanila nalang ako magpapaalam at sabihan si Tristan kapag hinanap ako. Itetext ko nalang din siya para walang rason na magalit kapag hindi niya ako makita dito sa bahay.

Nagpahatid ako kay Mang Ambo at tatawag nalang kapag magpapasundo na.

Nasa school na ako at nagprapraktis na kami. Inabot kami ng hapon dahil perfectionist din pala si Elisse. Gusto niya ay yung hataw na hataw ka sa bawat galaw mo. Iyong nakakasunod sa bawat hampas at steps. Madali lang ang steps pero kung hindi mo talaga linya ang ginagawa ay mahihirapan ka.

Nagkakatinginan nalang kami ni Latina kapag napagbubuntungan ang isa sa amin kapag nagkakamali kami. Tahimik at sumusunod nalang kami. Malay ko ba kung hindi ko talaga linya ang sumayaw.

Magdidilim na nang matapos kami. Gutom na gutom narin ako dahil tinapay at tubig lang ang kinain ko kaninang tanghali.

"Hi girls." Napalingon kami sa boses na iyon. Si Edward.

"Wala ata kayong pasok ngayon sir." Tudyo ni Latina. Tumawa ito.

"Wala pero may tinapos ako. Alam mo na. Walang bakasyon sa mga teacher. Mayroon man ay hindi parin sapat para makarelax ka." Paliwanag nito na kinangiti ko.

Hanga rin minsan ako sa mga ganyang ugali ng mga guro. Iyong tipong tapat sa pinasok na profession. Iyong para sana sa pagrerelax nila ang araw na ito ay nagagamit parin nila sa dami rin ng paper works na pinapatapos at pinapagawa rin sakanila.

Akala ko noon ay nagtuturo lang sila, gumagawa ng lesson plan at nagcocompute ng grades. Nainis din ako sakanila dahil nagtuturo lang sila at kung makapagbigay ng assignments at project ay napakarami. Not knowing ay mas marami din pala silang ginagawa at inaasikaso.

"May susundo sayo Graciel?" Napalingon ako sa tanong sa akin ni Latina ng palabas na kami.

"Tatawagan ko palang." Sagot ko at kinuha ang phone ko sa bag na maghapon ko ring hindi binisita at tiningnan.

Nang iopen ko ito ay 30 missed calls at 45 messages ang bumungad sa akin. Natigil ako sa paglalakad. Bigla akong kinabahan. Bigla akong kinilabutan at pinagpawisan.

Ano na naman ba ito Graciel.

Begged for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon