Naging mabilis ang pangyayari. Sa West kami nagpakasal. Kita ko ang walang emosyon nitong pigura sa buong kasal namin. Pilit na ngiti lang din ang binigay ko sa mga pamilya namin habang siya ay puro tango naman sa mga bilin sakanya.
Hindi na ako kina nanay sumakay kundi sa sasakyan na ni Tristan. Walang imik at tahimik ang buong byahe naming umuwi sa bahay niya.
Sino ba naman kasi ang sasaya kung ang pinakasalan mo ay ang hindi mo naman inaasahan at hindi naman talaga gusto mo. Nakakadismaya iyon at ramdam ko siya.
Halos humigpit ang kapit ko sa seat belt ko nang maramdaman ang pagbilis nito sa pagtakbo ng sasakyan niya. Napapikit ako ng mata dahil sa takot na nararamdaman.
"Gusto ko pang mabuhay." Bulong ko sa sarili na sa tingin ko ay ako lang ang nakakarinig.
"Bakit mo ako hinayaan." Walang emosyong sambit niya sa akin habang ang mata ay nasa daan parin. Napatingin ako sakanya.
Napaiwas din ako. Hindi ko alam kung anong maganda o tamang isagot sa tanong niya.
"H-hindi ko alam." Kinakabahang sagot ko.
Hindi na muli itong nagtanong. Bumalik muli ang katahimikan sa buong byahe namin hanggang sa makarating kami sa bahay niya.
Ito iyong dream house niya.
Pagdating namin at pagpasok ng sasakyan niya sa loob ay siya ang unang lumabas ng sasakyan. Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan at lumabas narin. Pumasok agad ito sa loob na hindi man lang ako niyaya. Sabagay, isang pagkakamali lang ako. Bakit niya ako tratratuhin ng maganda?
Napatayo ako ng tuwid ng sumalubong sa amin ang dalawang katulong na mukhang mga bata pa ang itsura at isang namang matandang lalake na siyang nagbukas ng gate sa amin kanina.
Kita ko ang mangha ngunit may pagtanggap sa mukha ng dalawang kasambahay sa akin.
"Welcome po madam. Ako po pala si Nina at eto naman pong kasama ko ay si Andeng. Iyon naman po si Manong Ambo." Tukoy sa matandang lalake na ngayon ay buhat na ang mga gamit ko.
"Welcome po madam. Pasok na po tayo." Imbita ni Andeng sa akin.
Sumama ako sakanila sa loob.
Malawak ngunit simple ang disenyo ng bahay. Hindi ganoong kabongga at maraming palamuting nakasabit o nakadikit wall. Parang plain lang na tanging mga appliances ang laman dito at mga gamit na importante ang makikita. Hindi rin ganoon kataasan ang hakdanan papunta sa taas. Sa kwarto namin.
Biglang nag-init ang mukha ko. Mag-asawa na kami at obliga ba talagang iisa ang kwarto namin ngayon? Umiling ako.
Wala kaming maayos na relasyon at hindi pa namin lubos kilala ang isa't isa maliban sa akin na halos araw-araw ay updated ako sakanya noon.
Updated ako sa lahat ng mga gusto niya. Mga kasama at kaibigan niya. Malabo at malayo daw iyong mangyari kung sa pamumuhay palang ay magkabila na ang mundo. Eh paano naman kaya sa amin? Lupa ako at langit siya pero naabot ko siya. Iyon nga lang ay sa maling paraan.
"Madam. Dito po tayo." Turo ni Andeng sa akin sa itaas at nagpauna na si Manong Ambo sa pag-akyat ng gamit ko.
"Andeng." Mahinang tawag ko dito na kinatigil at lingon sa akin ng hahakbang na ito sa hakdanan.
"Bakit po madam?" tanong nito.
"Ahm. S-Saan ako kukwarto?" May pag-aalinlangang tanong ko. Nagkatinginan sila ni Nina bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Sa kwarto po ni Sir madam." Sagot ni Nina.
Biglang dumagundong ang dibdib ko. Sa kwarto nga talaga niya.
BINABASA MO ANG
Begged for Love
RomanceIsang simpleng dalaga si Ara na umasa at nangarap na magiging kanya si Sean Villanueva, ang anak ng amo ng kanyang nanay na di kalaunan ay malalaman niyang ikakasal na ito sa iba. Pero isang pagkakamali ang babago sa buhay nila na ang akala niya ay...