Graciel
Pagkagising ko kinaumagahan ay agad akong naligo at nagbihis. Papasok na ako ng school. Wala narin si Tristan sa tabi ko at alam kong nasa labas na ito at nagkakape na.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Andeng na paakyat pero huminto ito ng makita ako.
"Kain na po madam." aya niya sa akin.
"Si Tristan?" hanap ko. Nilibot ko rin ang mata ko sa bawat sulok ng bahay pero hindi ko makita ang presensiya niya.
"Nina. Nakita mo si sir?" tanong nito kay Nina na ngayon ay hawak ang nakatray na pitsel at mga baso.
"Hindi eh. Akala ko nga nasa taas pa si sir. Hindi ko pa nakikitang lumabas." Sagot nito.
"Hindi namin alam madam kung saan po pumunta si sir. Itanong ko po kay Mang Ambo at baka nakita niyang lumabas." Pupunta na sana siya nang pigilan ko.
"Huwag na Andeng. Kayo nalang siguro magsabi kapag nakita niyo siya. Papasok na kasi ako at marami na akong namiss sa mga klase ko." paliwanag ko.
"Sige po madam. Sasabihin po namin. Pero kung may load naman po kayo ay pupwede niyo rin naman pong tawagan." Suhestiyon niyang sunod.
Saka ko rin naalala ang cellphone ko na nasa night table kanina.
"Oo nga pala. Nakalimutan ko iyong cellphone ko." saad ko at mabilis akong bumalik paakyat at pumasok sa kwarto.
Agad kong kinuha ang phone sa ibabaw ng night table at agad ding lumabas ng kwarto. Bababa na ako ng makita ko si Tristan sa baba ng hakdanan. Nakatingin sa akin.
"T-tristan." Parang biglang kumabog ang dibdib ko sa paraan ng tingin niya sa akin na para bang may nagawa na naman akong kasalanan.
"Where are you going?" kalmado niyang tanong pero taliwas naman sa titig sa akin. Pinasadaan niya ang suot ko.
"P-papasok sa school. M-marami na kasi akong namiss sa mga lessons kaya papasok na ako." kinakabahang paliwanag ko.
"You can do online class here. No need to attend. I'll talk to them to send me the soft copies of all your lessons. Go back and change." utos niya at nagsimula na itong pumunta sa dining area.
Mabilis akong bumaba at hinabol siya.
"Wait lang Tristan. Hindi naman ata tamang pati pag-aaral ko idadala ko dito. At saka may presentation pa kami na ako nalang ang inaantay nila." depensa ko. Ayaw kong mag-aral mag-isa dito.
Hinarap niya ako at bahagya akong napaatras ng mapansin ang kakaiba nitong tingin sa akin. Magkasalubong ang kilay at halatang ayaw ang paliwanag ko. Para bang nagtatagis ang seryoso nitong tingin sa akin at nagmimistula itong nakakasugat dahil sa talim.
"Sinusuway mo ba ako?" He calmly asked and yet, full of warning.
I shook my head. Yumuko ako bilang pagsuko sa gusto niya. Kahit labag sa akin ay ano pa nga ba ang magagawa ko kapag nagsalita na siya.
Kahit ipilit ko ang gusto ko ay wala rin namang magbabago. That's him. Kung ano ang sinabi, iyon ang masusunod.
"Hindi na ako papasok kung iyon ang gusto mo." hayag ko at tatalikod na sana nang huliin niya ang palapulusuan ko. Agad din akong napalingon sakanya.
"Kumain ka muna bago ka pumasok." Literal na lumaki ang mata ko sa narinig at sumilay sa akin ang malawak na ngiti.
"T-talaga? Hindi ka napipilitan?" paninigurado ko.
Umiling siya. Sa sobrang saya ko ay ako na mismo ang umimbita sa sarili kong humarap na sa pagkain at umupo.
Masaya ako at the same time ay excited.
BINABASA MO ANG
Begged for Love
RomanceIsang simpleng dalaga si Ara na umasa at nangarap na magiging kanya si Sean Villanueva, ang anak ng amo ng kanyang nanay na di kalaunan ay malalaman niyang ikakasal na ito sa iba. Pero isang pagkakamali ang babago sa buhay nila na ang akala niya ay...