"Okay ka lang?" Alalang tanong ni Latina sa akin. Maski si Edward ay napalingon din sa akin. Mukhang alam na ang dahilan.
"A-ahh? O-oo." Utal kong sagot at binuksan muli ang phone at inopen ang mga messages na natanggap ko.
Lahat iyon ay galing kay Tristan maski ang tawag. Nang binasa ko ay lalo akong nanlambot. Lalong lumakas pintig ng puso ko at parang ayaw ko munang umuwi. Parang gusto kong tumakas. Natatakot ako.
Pakiramdam ko ay isa akong bata na nakagawa ng masama na labag sa gusto ng magulang ko. Iyong tipong alam mo na ang mangyayari sa iyo kapag hindi nila nagustuhan ang ginawa mo. Biglang nanginig ang kamay ko at bago ko pa mabitawan ang phone ko ay tinago ko na ito sa bag ko.
"Nandoon na pala iyong sundo mo." Turo ni Latina sa isang itim na sasakyan sa gilid ng gate. Namukhaan ito ni Latina dahil lagi ko siyang kasakasama kapag umuuwi at walang nasasabi doon si Tristan.
Parang nangagtol ang tuhod ko at gusto nang umatras at tumakbo. Alam ko kung paano magalit si Tristan. Alam ko kung paano kabigat ang kamay niya sa tuwing nadidikit ito sa palad ko.
"Alis na ako Graciel. Kita nalang tayo sa lunes. Bye sir." Paalam nito at kumaway sa amin bago siya tumawid.
"Graciel." Tawag sa akin ni Edward na kinalingon ko. "Call me if something happen."
Ewan ko pero para akong nakahanap ng malalapitan. Pero hindi. Ayaw siya ni Tristan na kasama ko at lalong higit ang kausap ko. Gaya ngayon.
Ngumiti ako dito at bahagyang tumango.
Nakayuko akong lumapit sa sasakyan at sumakay sa passenger seat. Pagkasakay ko ay hindi siya umimik pero pansin ko ang pag-igting ng panga niya at ang mata ay na kay Edward sa labas. Nakatayo parin ito at nakatingin sa kinaroroonan ng sasakyan.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko mapigilang kurot-kurutin ang kamay ko sa kaba at takot sa maari niyang gawin sa akin pagdating namin sa bahay.
Pinaandar niya ang sasakyan at napakapit ako sa seat belt ko ng mabilis niya itong pinaharurot.
"T-tristan. H-huwag masyadong mabilis. Please." Pikit mata kong sambit.
Alam ko. Galit siya. Ganito siya kapag galit sa akin.
"Please ... "
Pero imbis na bagalan ay lalo niya itong pinabilis at inoovertake din ang mga nakakasabayang sasakyan. Halos mapahiyaw ako sa tuwing napapagilid ako ng upo dahil sa bilis nito.
Mahigpit ang kapit niya sa manobela at seryoso ang mukha. Wala siyang pakealam kahit na takot na takot na ako dito. Kahit sumisigaw at nagmamakaawa na dahil sa takot.
Nang makarating kami sa harap ng bahay ay halos mapanghinaan ako at taas baba ang dibdib ko. Padabog itong sinara ang pintuan ng sasakyan at dirediretso itong pumasok sa loob. Galit at halos hindi ako nilingon nang pumasok ito. Napasandal ako sa sandalan ng upuan. Nag-iinit ang magkabilang mata ko. Namumuo na ang luha sa mata ko at halos hindi ko narin napigilan ang pagdaloy nito sa pisngi ko.
"Madam?" Katok ni Andeng sa bintana ng sasakyan kung saan ako naroroon. Marahil ay nakita nila si Tristan na pumasok.
Pinunasan ko ang pisngi ko at inayos ang suot bago ako lumabas.
"Madam. Okay lang po ba kayo? Hindi po ba kayo sinaktan ni sir?" Pag-aalalang tanong nito sa akin.
Pilit akong ngumiti at umiling.
"Hindi Andeng. Wala siyang ginawa sa akin." Sagot ko at kinagat ko ang labi ko para pigilan ang luha ko.
"Sigurado po ba kayo madam?" Kita ko sa mata niya ang hindi kumbinsado sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Begged for Love
RomantizmIsang simpleng dalaga si Ara na umasa at nangarap na magiging kanya si Sean Villanueva, ang anak ng amo ng kanyang nanay na di kalaunan ay malalaman niyang ikakasal na ito sa iba. Pero isang pagkakamali ang babago sa buhay nila na ang akala niya ay...