Prologue

6 0 0
                                    

"Hoyy Ara! Nangangarap ka na naman ng gising. Malayong malayo ka na sa pangarap mo na makikita mo iyong crush mo no! Hanggang larawan ka nalang." Sermon ng kaibigan kong si Lorieann. Tiningnan ko siya ng masama.

"Palibhasa kasi hindi ka gusto ng crush mo kaya ako pinagbubuntungan mo." Tapon ko dito na kinasama rin ng tingin sa akin. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa damohan at kinuha ang mga gamit kong libro.

"Crush is paghanga. Crush ko lang kasi gwapo, matalino, talentado at gentleman pero hindi ko pinangarap na maging jowa ko. Study first muna ako no." tanggol nito sa sarili at tumayo na rin.

Bigla akong napaisip.

"Paano mo ba malalaman na crush lang nararamdaman mo sa tao?" kuryuso kong tanong dito at nagsimula ng maglakad papuntang school building.

Nasa unang taon na kami ng kolehiyo at kumuha ako ng pagkaguro dahil sa hiling narin ni lola na ako ang tumupad sa dati niyang pangarap noon. Wala namang problema sa akin at mahilig din naman akong magturo sa bata pero iba na kasi ang panahon ngayon kumpara sa mga bata noon. Minsan ay nakurot ko pa ang isang batang pinagkatiwala sa aking turuan ko ng tig dalawang oras kada linggo. Akala ko kasi madaling turuan na ang bata kapag nasa apat na baitan na pero nagulat ako dahil hindi pa niya alam masyadong magbasa at paulit ulit kami hanggang sa nawalan ako ng pasensiya at nakurot ko siya.

Napaisip ako, minsan ang hirap din pala maging nanay. Dapat mahaba ang baong pasensiya sa pagdidisiplina at turo sa mga anak lalo at hindi rin ganun kasipagan ang ibang magturo.

Napatingin ang kaibigan ko sa akin na para bang naninibago sa tanong ko sakanya. Maya maya ay napabuntong hininga ito.

"Crush mo ang isang tao kapag nakitahan mo siya ng magaganda sa itsura, ugali or kahit na ano. Kumbaga naka enumerate ang mga gusto mo sakanya na kapag nakitaan mo naman ng hindi maganda eh nateturn off kana agad. Kapag Nawala ang pakiramdam mo na iyon sa tao, ibig sabihin ay crush mo lang." paliwanag niya na kinatango tango ko.

"Paano naman kapag umabot ng ilang taon gaya sa akin?" dagdag ko. "Masasabi na kayang love itong nararamdaman ko at hindi na crush?"Kumunot ang noo nito sa akin.

"Sa tingin ko hindi." Kumunot ang noo ko. "Obsession ang sa tingin kong tawag sa nararamdaman mo." Pinanliitan ko siya ng tingin.

"Hindi ako obsess sakanya no." tanggol ko sa sarili at inirapan siya.

Pinameywangan at hinarap niya ako.

"Talaga lang ah? Kung hindi ka obsess itapon mo na iyang nakaw na larawan niya sa wallet mo. Iyong pagsave mo ng mga pictures niya galing sa social media niya at pagluluto ng mga paborito niyang pagkain." Mariin niya akong tinitingnan. "Maski nanay mo hinihingan mo rin ng nakaw na larawan ng lalakeng iyon. Sabihin mo nga kung hindi ka obsession ang tawag diyan?" sermon ulit niya.

Yumuko ako na para bang daig pa niya ang lola na manermon sa akin kapag nakagawa ako ng hindi maganda.

"Collection ko lang iyon." Palusot ko. Narinig ko siyang malalim na bumuntong hininga.

"Ewan ko sayo. Sana lang at hindi lumala iyan." At nagpauna na siyang naglakad. Sumunod naman ako.

"Keri bells lang." Sagot ko na kinailing niyang natatawa sa akin.

"Baliw!" Singhal nito sa akin at tumawa kaming dalawa. Kumapit ako sa braso niya at sumabay sa paglalakad.

Sean Villanueva is one of a kind. My childhood crush since then. Wala na akong ibang inasam na lalaki kundi siya lang at umaasa din balang araw na magkikita kaming dalawa.

Baliw man at obsess na maituturing ang paghanga ko sa isang tao, ang mahalaga loyal ako na hindi niya nalalaman.

Papauwi na ako ng makita ko ang lola ko harap ng bahay at namamaypay. Mukhang may kausap sa hawak na cellphone. Lumapit ako dito.

"Sino po iyan?" tanong na agad kinalingon sa akin ni lola at ngumiti.

"Oh nandito na ang anak mo. Kausapin mo na." sagot nito sa kausap sa cellphone.

Agad akong napangiti ng marinig iyon at malaman na si mama pala ang nasa kabilang linya.

"Hello ma! Kamusta po." Bungad ko.

"Ayos naman ako dito anak. Ikaw diyan? Kamusta ang pag-aaral mo?" balik nito sa akin.

"Ayos naman po. Maraming ginagawa sa school at requirements pero nagagawa naman po at naipapasa on time." saad ko.

"Gusto mo bang pumunta dito at dito mo nalang ipagpatuloy ang pag-aaral mo?"

Namilog ang mata ko sa narinig at masaya akong tiningnan si lola na ngayon ay kumakaway sa mga kumare niyang nadadaan sa daan at nginingitian siya.

"Ako lang po ba? Eh si lola?"

"Dalawa kayo anak." aniya nito.

Tiningnan kong muli ang lola ko na tumayo at nilapitan ang mga kumare nito. Masaya at hindi mo maipaliwanag ang sayang nakikipag-usap dito. Kung sakaling pupunta kami doon, makikita ko parin kaya ang mga ngiting ito? Makikita ko naman kaso hindi na gaya ng dati. Iba parin talaga kasi ang saya kapag nasa probinsya ka at ang mga kaibigan mo ang laging nakikita at nakakausap.

Ako nga kahit si Lorieann lang ang nakakasama ko, masaya na ako. Sapat na kasi ang mga kaibigan na laging andiyan para maramdaman mong hindi ka nag-iisa.

"Umoo na po ba siya?"

"Ayaw nga niya nak eh. Pwedeng ikaw ang makiusap sakanya? Para naman makasama ko kayo dito." Pakiusap ni mama.

"Ma, siguro ay huwag nating pilitin si lola. Gusto rin namin kayong makasama diyan kaso masaya si lola dito. Narito ang mga kaibigan niya. Araw araw na may nakakausap at napaglilibangan kapag wala ako dito. Hindi ko rin naman pwedeng iwan siya mag-isa." paliwanag ko.

"Sabagay. Oh siya, mag-ingat lagi kayo diyan. Balitaan niyo ako araw-araw. Nagbakasakali lang na magbago ang isip niyo."

"Huwag kang mag-alala ma at palagi kaming ayos dito. Alagang kapitbahay kami." Biro ko na kinatawa niya sa kabilang linya.

"Dumating na pala si Sean kahapon. Mukhang hindi na babalik sa ibang bansa." balita niya na kinatigil at lakas ng tibok ng puso. "Baka sakaling magbago pa ang isip mo." sinundan pa ni mama ng tawa.

"Ma naman." Reklamo ko.

"Oh siya. May gagawin pa ako. Mag-iingat kayo diyan." paalam ni mama at nagpaalam nadin ako.

Para akong napaisip ngayon at nangarap na sana ay makitang muli ang taong matagal ko nang gustong makita.

"Sean Villanueva." Sambit ko sa pangalan niya. "Makikita din kita." Pangungumbinsi ko kahit sa panaginip at imahinasyon ko lang muna siya ngayon nakikita.

Begged for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon