Chapter 9

1 0 0
                                    

Graciel

Gabi na ng may bumukas sa pinto at niluwa ito si Andeng. May dalang tray ng pagkain ko pero wala akong maramdaman na gutom. Mas lamang ang hangad kong makalabas dito sa kwarto.

Nakahiga ako ngayon habang tinitingnan siyang pumasok.

"Kain na po kayo Madam." Nilapag nito ang pagkain sa center table.

"Andiyan ba si Tristan?" tanong ko na kinalingon niya sa akin.

"Umalis po siya madam." Sagot nito.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Buong araw ko siyang hindi nakita. Maski ang nangyari kaninang umaga ay wala itong sinabi sa akin. Baka nagka-idea rin si Edward sa kung anong nangyayari sa akin dito kaya pumunta siya. Hindi na rin ito tumawag o nagtext pa. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari ngayong narito lang ako sa kwarto.

Naiwan muli ako sa kwarto na mag-isa. Para akong kinulong sa kasalanang hindi ko naman sinasadya. Gusto ko mang tumakas pero natatakot naman ako sa maaring mangyari sa labas kapag nalaman niya.

Unti-unting tumulo ang luha sa mata ko. Wala akong magawa kundi ang pagdusahan ang pinili kong buhay. Magtiis hanggang kaya pa at maging matatag habang may natitira pa akong lakas.

Sa malalim na pag-iisip ay hindi ko namalayang nakatulog ako. Naalimpungatan nalang ako ng maramdaman kong may dumampi sa pisngi ko. Pinilit kong imulat ang mata ko ngunit mugto at halos pagod din itong umiyak buong gabi kaya nakabalik din agad ako sa pagtulog.

Kinabukasan ay nasa tabi na ako ng pintuan. Bihis na ako at handa ng pumasok ng school. Ngayong araw ang presentation namin sa PE at kailangan kong pumasok.

Tinext ko siya kanina at sana nabasa niya iyon.

Maya maya ay bumukas ang pinto at niluwa si Nina. May dala ulit na tray ng pagkain. Kumunot ang noo ko. Hindi pwedeng manatili lang ako dito sa bahay. May pasok ako.

"Nasaan si Tristan?" tanong ko dito.

"Nasa study room po niya madam."

Agad kong binuksan ang pinto na kinarinig ko pang tawag sa akin ni Nina pero hindi ko iyon pinansin at patakbo akong bumaba at dumeretso sa pintuan ng study room niya. Pagdating ko roon ay binagalan ko nang naglakad papalapit roon.

"Madam!" Tawag sa akin ni Nina sa likod pero hindi ko iyon pinansin.

Huminga ako ng malalim bago kakatok na sana sa pinto ng biglang bumukas ito at niluwa siya. Naiwan sa ere ang kamay ko at napatingala sakanya.

Noong una ay pansin ko ang kunot ng noo nitong mukhang narinig ang tawag ni Nina sa akin pero ng makita akong nasa harapan niya ay nagbago ang reaction ng mukha at bumalik sa pagiging seryoso nito at walang emosyon.

"Papasok ako ng school." Lakas loob kong paalam dito.

Lalong kumunot ang noo nito.

"Go back to your room." Walang emosyong utos niya at tatalikuran na sana ako ng magsalita muli ako.

"May presentation kami sa PE at exam narin namin iyon. Kailangan kong daluhan iyon at pumasok Tristan." Diin at paliwanag ko.

"I'll talk to your professor." Sagot niya.

"No!" Diin ko rin.

Siguradong hahanapin ako nila Latina. Hindi rin magiging successful ang sayaw namin dahil ang bawat isa sa ay may solo part.

Nilingon niya ako na hindi nagbabago ang mukha nito pero ang mata niya ay may hatid na kakaibang bagsik sa pagsuway ko. Pakiramdam niya ay ayaw niya ang narinig mula sa akin. Napalunok ako at napayuko. Malikot ang kamay ko at kinukurot ko narin mawala lang ang malakas na dagundong ng dibdib ko sa pwedeng gawin niya sa akin.

Begged for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon