...6 pm pa lang sinundo na ako ni Calvin sa bahay, nagpaalam siya kay mommy and daddy, pinayagan naman nila ako. Kahit magdi-dinner kami ni Calvin simple lang ang suot ko, skinny jeans tapos v-neck t-shirt with hoody ang suot ko tapos si Calvin polo shirt talaga, alam ko namang sanay na siya sa pananamit ko, hindi kasi ako sanay magsuot ng dresses, naiintindihan naman niya, mahal niya ako eh.
Pagdating namin sa restaurant na pinagdalhan niya sa'kin agad naman kaming nakaupo kasi nagpa reserve na siya.
"Love ano nga pala ang pag-uusapan natin?" paglalambing kong tanong sa kanya.
"Lets eat first."cold niyang sabi.
Bakit pakiramdam ko may nag-iba sa kanya, the way he treat me right now is very cold,hindi naman siya ganyan dati.
"No lets talk first, may problema ka ba?" tanong ko sa kanya tapos hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
"Yeah their is."sagot niya tapos kinuha ang kamay niya na hinawakan ko.
"I-is it a-about us?" nauutal na tanong ko, bakit kinakabahan ako.
"Yuh."maikling sagot niya.
"Anong problema Calvin, okay naman tayo diba." hindi ko na siya tinawag sa endearment namin dahil nararamdaman ko na ang cold treatment niya sa'kin.
"Hindi na tayo okay Kera."sabi niya, huh bakit naman hindi, okay naman kami walang away, palagi kaming nagti-text o tawag. Paano kami hindi okay.
"Huh! wala naman tayong away diba, wala naman tayong dapat pag-awayan din."sabi ko sa kanya. Maluha-luha na ang mata ko kasi parang feeling ko mawawala siya sa'kin,..sana hindi mangyari 'yon...
"Patawad Kera, wala namang problema sa'yo kundi nasa akin ang problema." sabi pa niya.
"Huh! bakit ano ba ang problema Calvin, pwedi naman nating pag-usapan 'to diba." naiyak na ako, kaya hinawakan niya ang kamay ko.
"Please Kera dont cry, alam ko kasalanan ko lahat."mangiyak-ngiyak na rin na sabi niya.
"Then tell me whats the problem Calvin 'wag mo na akong bitinin kung ang kahahantungan nito eh hiwalayan lang rin." i shouted kasi galit na ako eh. Bigla naman akong nahiya kasi marami-rami na rin ang tao sa restaurant.
"I'm really sorry for everything Kera, sana kahit hindi pa sa ngayon hopefully someday mapatawad mo'ko." sabi niya.
"Ano ba Calvin bago ka hihingi ng tawad, pwedi ba sabihin mo muna kung ano ang problema mo at ano ang kinalaman nito sa relasyon natin." galit na sabi ko sa kanya.
"I-i'm inlove with another woman. I'm sorry kung hihiwalayan na kita." sabi niya habang nakayuko.
Hindi ako nakaimik agad, hindi pa masyado na process sa utak ko ang mga sinabi niya. Nga-nga ako du'n teh.
"Y-you me-mean hindi mo na a-ako m-mahal." naiiyak na sabi ko.
"No Kera, napamahal ka naman sa'kin eh kaso siya talaga ang mahal ko sa simula palang." sabi niya...ano!!!!?? siya ang minahal sa simula palang, parang nauubusan na ako ng hangin sa mga nalaman ko ngayon. So basically hindi talaga ako ang mahal niya in the first place. Ouch naman bakit ang sakiiiiittttttt...
"Y-you mean hindi m-uhf-mo ako mahal n-uhf-nung una pa-uhf-palang, eh ga-uhf-gago ka pala eh, ba-uhf-bakit mo a-ako niliga-uhf-gawan kung hi-uhf-hindi mo ako ma-uhf-mahal." umiiyak na sabi ko. Wala na akong paki kung tumitingin na ang ibang tao sa'min ngayon.
"Stop crying Kera, I'm really sorry about this, I didnt mean to hurt you, please dont cry I'm really really sorry." pag-aalo niya sa'kin sabay pahid ng panyo niya sa pisngi ko. Kaso tinabig ko ang kamay niya.
"Don't touch me gago ka. Wag na wag ka nang magpapakita sa'kin lalong-lalo na sa pamilya ko." umiiyak na sabi ko at tumayo na ako at iniwan siya. Agad naman niya akong hinabol kaso pumara na ako ng taxi at sumakay.
Gago ka Calvin..gago ka.
I hate you
I hate you
I hate you
I hate you
Hinding-hindi kita mapapatawad.
BINABASA MO ANG
EXCHANGE LOVERS
RomanceDo you know the feelings that you have a boyfriend for almost 5 months tapos malalaman mo nalang na kaya ka pala niligawan nang nagiging boyfriend mo to get close to your sister dahil ang kapatid mo ang totoong mahal nito. What a twist of life diba...
