Gian's POV
I saw Kera's face how confused she is when I tell her not to go to Paris, but I was the one who've been surprised, when she tells me, na hindi siya aalis kundi si Krista na ex-girlfriend ko.
She laughed at me dahil siguro natulala ako sa sinabi niya."Im not leaving for Paris, Gian." sabi niya.
"Huh,eh bakit sabi ng kuya at ng mga maids niyo na umalis na kayo at nasa airport dahil pupunta ka ng Paris." naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Not me, but Krista, she'll be leaving to study fashion in Paris." sabi niya.
"Ah ganoon ba, akala ko kasi aalis ka. Sorry." bulong kong sabi.
Kaso narinig niya ang sinabi ko."Pwedi ko bang malaman ang dahilan mo kung bakit ayaw mo akong umalis?" tanong niya.
"Wag na muna ngayon, ihahatid na kita pabalik doon sa kanila." sabi ko.
Hinila ko siya pabalik sa loob ng airport.
Hindi ko binitawan ang kamay niya, pinagtitinginan nga kami ng mga tao doon, nakarating kami sa kinaroroonan ng pamilya ni Kera, agad ko namang nakita si Kyle na hawak-hawak ang bag ni Kera, lumapit kami sa kanya."Kuya, nasaan si Krista?" Tanong ni Kera sa kuya niya.
Tinuro ni Kyle ang kinaroroonan ni Krista na may kausap na lalaking nakatalikod. Nang mapagtanto ko kung sino ang lalaking iyon, bigla akong kinabahan dahil papunta si Kera sa kinaroroonan nila."Kera, samahan mo muna ako."sabi ko sa kanya.
"Pagbalik ko Gian, may ibibigay lang ako kay Krista." sabi niya. Tapos lumapit na siya kaya sinundan ko nalang siya.
"Mahal kita, Krista kaya please wag kanang umalis." rinig namin sa sinabi ng lalaki.
"Hindi pwedi dahil mag-aaral ako doon, at ito talaga ang pinangarap ko noon pa." Sagot ni Krista.
"Pero paano ako, mahal kita at hindi ko kayang mahiwalay sayo." sabi ng lalaki. Tulala lang si Kera na nakamasid sa dalawa na nag-uusap.
"Hindi pwedi na maging tayo Calvin, dahil ex-boyfriend ka ng kakambal ko, kahit mahal kita hindi tayo pwedi." rinig naming sabi ni Krista, nakita ko agad si Kera na napatulala at tumulo bigla ang luha niya. Kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Mahal kita sa simula palang Krista, hindi ko mahal ang kapatid mo, I wanted to get near you kaya siya yong palagi kong nilapitan dahil noon ang daming lalaking nanliligaw sayo, at hindi ko pa masabi sayo noon kung gaano kita kamahal." Sabi ni Calvin, kaya nakita ko na mas lalong nasasaktan si Kera sa mga naririnig niya, kaya minabuti ko na siyang hilahin at inilayo sa kanila ni Calvin at Krista.
Alam ko kung paano masaktan, kung gaano kasakit ang ipagpalit ka sa iba, kaya ramdam na ramdam ko ang sakit at galit ni Kera kahit hindi siya nagsasalita habang hinihila ko siya palayo.
Isinakay ko siya sa kotse ko at tinawagan ko si Kyle para ipaalam na umalis kami ni Kera, nag-tanong naman siya kung bakit kaso hindi na ako nagsalita, sinabi ko lang sa kanya na mag-uusap nalang kami sa susunod na araw, dahil kailangan ko munang mailayo si Kera.
Habang nasa byahe kami, walang imik si Kera hakit lumagok man lang ng laway hindi ko naririnig.
"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya.
She did'nt even bother to look at me, pero nakita ko siyang umiling at tumutulo parin yong luha niya kahit nakasandal siya sa upuan at nakatanaw sa labas."Magiging okay rin ang lahat Kera, sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana."sabi ko sa kanya, then nilingon niya ako.
"Mapaglaro? No Gian, hindi mapaglaro ang tadhana, sadyang hindi ako ang mahal ni Calvin sa una palang." Sabi niya habang tumutulo pa rin ang luha niya. Ititigil ko sana ang sasakyan para pakalmahin siya.
"Dont stop, just drive please. I wanted to be far away right now." sabi niya.
Kaya hindi na ako huminto."Saan mo gustong pumunta?" tanong ko sa kanya.
"Anywhere basta malayo dito, malayo sa pamilya ko malayo sa lahat ng tao." she added.
"Pati sa'kin?" pabirong sabi ko. She suddenly looked at me. At biglang umiling.
I sighed in happiness dahil alam ko hindi siya papayag na iwanan ko siyang mag-isa."I needed a friend, kahit isa man lang para mapagsabihan ko sa lahat Gian, and your here kaya ikaw nalang ang kaibang sasabihan ko sa lahat ng pinagdaanan ko para naman kahit papano mapalabas ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon." mangiyak-ngiyak niyang sabi.
"Wanna come with me to my parents resthouse in Baguio?" Tanong ko sa kanya.
Tiningnan lang niya ako ng maigi."I dont bite Kera, at bibisitahin ko lang ang farm nila mama at papa doon. At para siguro mamasyal na rin. Lumanghap ng sariwang hangin, at dahil kailangan mong huminga para mawala ang sakit diyan sa puso mo, doon kita dadalhin." sabi ko sa kanya.
"Fine." maikli niyang sagot.
"Ikaw pa ang may ganang magtaray ngayon na ikaw pa ang tinutulungan ko." pagmamaktol ko.
"Ewan ko sayo." sabi niya.
At bigla na rin natahimik uli.Tatlong oras na akong nagmamaneho, habang si Kera ang himbing ng tulog niya. Isang oras nalang na pagbabyahe at makakarating na kami sa pupuntahan namin.
"Calvin, bakit mo nagawa sa'kin to." rinig kong sabi ni Kera. Kaya minabuti kong huminto sa gilid ng kalsada para tingnan si Kera, tulog pa rin naman siya, nanaginip lang yata ito.
"Calvin, minahal kita ng totoo, bakit? Bakit mo'ko sinaktan?" sabi niya.
Why did I feel pain and jealousy over that freaking guy, dahil ba alam ko na hanggang ngayon mahal pa rin siya ni Kera, kahit sa simula palang plano kong bawiin si Krista sa kanya pero ngayon iba na ang sitwasyon namin, nagugustuhan ko na si Kera hindi dahil kamukha siya ni Krista kundi nagustuhan ko siya dahil simpling tao lang siya, mabait at mapag-alaga sa ibang tao, nakikita ko na ngayon kung gaano ka swerti si Calvin na siya ang unang minahal ni Kera pero sinayang niya ang pagkakataon niya na inibig ng nag-iisang Kera, kaya ngayon gusto kong iparamdam kay Kera na gusto ko siya at mamahalin ko siya ng buong puso at hinding-hindi ko siya iiwan, gaya ng pag-iwan sa kanya ni Calvin.
"Kera, gising nanaginip kalang." sabi ko sa kanya.
"Hmmmm-mm" ungol niya.
"Kera?" sambit ko ulit sa pangalan niya at niyuyugyog ko na siya para gumising.
"G-Gian." sambit niya sa pangalan ko.
"You're dreaming kaya ginising kita." sabi ko.
"I'm sorry." sabi niya.
"No its okay, balik ka na sa pagtulog malapit na rin naman tayo 30 minutes pa,kaya pahinga ka ulit diyan." sabi ko sa kanya.
"Okay lang para naman hindi ka mabagot sa kakamaneho diyan." sabi niya at nag smile.
"Okay ka lang ba." tanong ko.
"Oo naman, bakit?" tanong niya.
"Wala naman, okay lang ba ang pakiramdam ko ngayon?" pagtatanong ko ulit.
"Ang kulit nito, okay lang ako." sabi niya.
"Kera always remember nandito lang ako at ang kuya mo palagi, don't pretend that your okay kung hindi ka okay. Kaibigan mo naman ako diba pwedi mong sabihin lahat sa'kin, sa ikakagaan ng nararamdaman mo." sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
EXCHANGE LOVERS
RomansaDo you know the feelings that you have a boyfriend for almost 5 months tapos malalaman mo nalang na kaya ka pala niligawan nang nagiging boyfriend mo to get close to your sister dahil ang kapatid mo ang totoong mahal nito. What a twist of life diba...