Gian's POV
Nakakatuwa lang yong usapan namin ni Kera kanina, ang sarap pala niyang kausap. Naglalakad ako papuntang parking area para kukunin ang car ko at umuwi na, kaso nakita ko si Kera na hinarangan ng boyfriend niya kaya napalapit ako ng konti, hindi sa chismoso ko ha kaso para silang nag-aaway at iniiwasan ni Kera ang lalaki.
"Wag mo na akong lapitan Calvin." sabi ni Kera.
"No Kera ayaw ko na magtatanim ka ng sama ng loob sa'kin." sagot ng lalaki.
"Ikaw ang may gusto nito diba, nakipaghiwalay ka nga sa'kin tapos lalapit-lapit ka sa'kin " sabi ni Kera. What? hiniwalayan siya ng boyfriend niya as in!
"Im sorry Kera pero 'yon ang totoo kung nararamdaman kaya patawad, ayokong magtanim ka ng sama ng loob ayaw ko ring makita ka na namomroblema dahil sa'kin." sabi ng lalaki.
"Ang kapal mo din noh! you broke up with me, kaya kung gusto mo akong mag move-on pwedi ba wag ka nang magpakita sa'kin. Kaya pwedi ba umalis ka na utang na loob." galit na sabi ni Kera sa lalaki.
"Pero Kera please ayaw ko na galit ka sa'kin hindi ako sanay na galit ka, sana matanggap mo na hindi talaga tayo." sabi ng lalaki. Ang kapal pala nitong lalaking 'to.
"Yuh tanggap ko na Calvin kaya pwedi ba umalis ka na at wag mo na akong lalapitan pwedi ba, para naman makalimutan kita." sabi ni Kera at iniwan ang lalaki, pumasok siya ulit sa campus, diba uuwi na 'yon, kaya naisipan ko siyang sundan.
Dumiritso siya sa likod ng campus na may park at umupo sa isang bench at nakayakap sa tuhod niya kaya nilapitan ko siya.
Nakita ko ang balikat niya na yumuyogyog kaya alam ko na umiiyak siya.
"Okay ka lang." tanong ko sa kanya, nakilala siguro niya ang boses ko kaya umiling lang siya.
"Iiyak mo lang yan mawawala rin yan sa susunod na araw." sabi ko.
"M-mahal ko s-siya." sabi niya sabay hagulgol. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang balikat niya.
"Tahan na mawawala 'yan promise, isipin mo na lang na kaya mong magpatuloy sa buhay kahit wala siya, hindi naman magkarugtong ang bituka niyo, kayang-kaya mo 'yan Kera." sabi ko sa kanya.
Napalingon siya sa'kin bigla dahil siguro sa sinabi ko sa kanya, kaso ako ang nabigla sa pagtitig ko sa kanya.
Ang ganda-ganda pala niya na walang salamin at kahit namumugto ang mga mata niya ang ganda niya.dug dug
dug dug
dug dug
Bakit ako kinabahan, bakit bigla kong nararamdaman ang ganito, noon kay Krista ko lang naramdaman ang ganito bakit ngayon pati na kay Kera.
Snap out of it Gian, si Krista ang mahal mo.. pagko-kontra ko sa isip ko.Ngumiti siya pero alam ko hindi umabot sa mga mata niya ang ngiti na'yon.
"Thanks for being my friend Gian." she said."Now tanggap mo na kaibigan mo'ko kaya pwedi ka ng maglabas ng sama ng loob sa'kin nandito lang ako Kera kami ni Lucy." sabi ko sa kanya, ngumiti naman siya at tumango.
"Pwedi ko bang malaman kung saan nakatira si Lucy?" tanong niya sa'kin.
"Oo naman sasamahan kita magkapitbahay lang kami." sabi ko naman.
"Salamat Gian for offering na pwedi kong sabihin sa'yo lahat kaso lalaki ka eh, baka hindi mo maintindihan ang mga sasabihin ko sa'yo kaya kay Lucy nalang ako magsasabi " she said tapos she smiled at me.
"Ahh ganoon kaibigan mo na kaya ako kaya pwedi na diba pero okay lang naman kay Lucy nalang ako maki-chismis." I teased her kaya napatawa siya.
"Tara punta na tayo sa bahay ni Lucy." yaya ko sa kanya kaya sabay kaming tumayo, kinuha niya ulit ang eye glass niya at sinuot, natatago ulit yong kagandahan niya dahil sa malaking salamin niya.
After 25 minutes ng byahi namin nakarating kami sa bahay ni Lucy, sinabihan ko ang guard na papasukin si Kera at susunod nalang ako igagarahi ko muna ang sasakyan ko sa bahay namin.
Papasok na ako sa sala ng bahay ng pinsan kung si Lucy nakita ko naman si Kera at Lucy na nakaupo sa sofa lalapit sana ako kaso hindi ko na natuloy kasi bigla lang umiyak si Kera niyakap naman siya ni Lucy.
Nakikinig lang ako sa lahat ng kwento niya sa pinsan ko.
...I knew it! Ngayon alam ko na kung sino ang babaeng mahal niya, sa mga sinasabi ni Kera ngayon, now I know, he fooled Kera all this time, that's explain everything dahil kapag sumasama sa'kin si Krista palaging iiksina si Calvin, dahil simula palang si Krista talaga ang mahal niya at hindi si Kera.*Poor Kera.* sabi ng isip ko.
"Lucy remember what I told you last, please help me." sabi ni Kera kay Lucy.
"Sure friend, I'll definitely help you." sabi ng pinsan ko. Ano kaya ang plano nila.
"Thanks friend, I want him to regret what he did to me." galit na sabi ni Kera, kaya pumasok na ako.
"Wassup guys." bati ko. Tumingin ako kay Kera nakita ko sa mga mata niya ang galit. If you only knew Kera....if you only knew.
She smiled at me pero hindi abot mata.
"Cous. anong atin?" tanong ni Lucy.
"Wala naman gusto ko lang kamustahin yang kaibigan ko, na kanina pa umiiyak." i said and smiled to Kera.
"Kanina ka pa nakikinig sa usapan namin?" tanong ni Kera.
"No! alam kong umiiyak ka tingnan mo nga 'yang mata mo, mugto na naman. Wala ka bang alam kundi ang umiyak. Kung mahal mo siya ipaglaban mo." i said, nabigla naman siya sa sinabi ko. Gusto ko na ipaglaban niya si Calvin para akin lang si Krista.
"No way!" she exclaimed.
"At bakit hindi, mahal mo siya diba?" sabi ko.
"Oo mahal ko siya pero anong magagawa ko kung hindi naman ako ang mahal niya, ang gusto ko lang ngayon ay ipamukha sa kanya na mali ang pakawalan niya ako." she said with an angry tone.

BINABASA MO ANG
EXCHANGE LOVERS
RomanceDo you know the feelings that you have a boyfriend for almost 5 months tapos malalaman mo nalang na kaya ka pala niligawan nang nagiging boyfriend mo to get close to your sister dahil ang kapatid mo ang totoong mahal nito. What a twist of life diba...