Chapter 24: Jealous

58 3 0
                                        

Kera's POV

Alam ko na hindi pa ako ready na umibig muli, pero bakit pakiramdam ko safe ako sa pagmamahal ni Gian, simula kagabi bothered na talaga ako dahil sa confession ni Gian, hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero bakit feeling ko mahal ko siya, dahil ba nararamdaman ko ang sincerity ng pagmamahal niya kahit magkaibagan pa kami ramdam na ramdam ko 'yon. "Mahal kita Kera." hayy naku bakit ka ba paulit-ulit nagsasalita dito sa utak ko.
Nakatulugan ko nalang ang pag iisip kung ano ba ang mas matimbang sa lahat ng nangyayari samin ni Gian ngayon.
Kinabukasan maaga akong ginising ni Gian dahil napag planuhan na pala nila kuya kung ano ang activity na gagawin namin sa araw na iyon. Horseback riding sa umaga.

"Wow" yan lang ang tangi kung nasambit, namangha ako sa laki ng mga kabayo sa farm nila Gian tapos tanaw ko na rin yong malaking lugar sa labas para sa activity namin.

"Kera", rinig kong tawag ni kuya sa labas, kaya nagmadali akong lumabas. Nakita ko sila Gian at girlfriend ni kuya at si kuya na nakasakay na sa kabayo nila, tapos nakita ko isang matandang lalaki inabot niya sa'kin ang isang tali na may kabayo. Agad akong sumakay sa kabayo at hinabol ko nalang sila kuya na nagsisimula ng magpatakbo sa kabayo nila, nakarating kami sa pinakadulo ng farm nila Gian, tuwa-tuwa naman si kuya na nakatitig sa girlfriend niya na naaaliw sa ginagawa namin. Pinatakbo ko ng mabilis ang kabayo ko para maabutan ko si kuya at ng maabutan ko siya hinampas ko siya sa braso niya.

"Kera!" bulyaw ni kuya sa'kin.

"Hahahaha, kuya alam mo bang mukha kang tanga diyan na nakatitig sa gf mo." sabi ko.

"Haha Kera, mas okay na tanga ako dahil inlove ako no, wag mo nga akong pakialaman, doon ka kay Gian makipaglaro." sabi pa niya.

"Bakit naman ako makipaglaro kay Gian, ano ako bata." sabi ko.

"Sus, Kera kahit sa liit na sandali kayo nagkasama ni Gian nakita ko kung paano kayo magtitigan, mas nararamdaman ko nga ngayon na mahal mo siya kaysa kay Calvin kahit matagal kayo ni Calvin mas ramdam ko na mahal niyo ni Gian ang isat-isa." sabi pa ni kuya, kaya napatulala ako saglit.

Ganoon na ba ka halata ang feelings na nararamdaman ko para kay Gian na pati si kuya nahahalata niya. Naku sana hindi, ayoko muna sa pag-ibig ngayon.

"Gian stop it." rinig namin na boses ng girlfriend ni kuya na natatanaw namin na hinahabol ng kabayo ni Gian. Tapos tawanan pa ang dalawa at inaabot pa ng girlfriend ni kuya ng hampas si Gian. Tapos ang laki pa ng smile ng bruhong to, hayyy kainis #beastmode tuloy ako. Kaya pinatakbo ko ang kabayo ko paalis sa kinaroroonan namin at iniwan silang tatlo, rinig ko pa ang lakas ng tawa ni kuya, bakit tumawa yon hindi ba siya nag seselos na lumalandi ang girlfriend niya sa bestfriend niya hayyyy kainis.

Alam ko na sinusundan ako ni Gian, dahil rinig ko ang yapak ng mga paa ng kabayo sa likod ko kaya nilingon ko para makita ko kung sino ang sumunod at hindi naman ako nagkamali si Gian nga ang sumusunod sa'kin.

'Oh bakit mo'ko sinusundan, diba nag uusap pa kayo doon, ang saya mo naman na nakasama mo lang 'yong girlfriend ng kuya ko, parang nag-iba ka." sabi ko sa kanya.

"At bakit bawal ba akong makipag usap sa girlfriend ng kuya mo, eh ang ganda kaya niya, hindi mo ba siya gusto para sa kuya mo?" tanong niya sa'kin.

"Hayyy ewan ko sa'yo." sinimulan ko na namang patakbuhin ang kabayo ko para makaiwas sa mga tanong niya, eh halata naman sa mokong na'to na nagagandahan talaga siya sa girlfriend ng kuya ko at ang matindi nakikipag usap ito, ayyy mali nakikipag landian pala.

"Kera, stop the horse will you!, nagseselos ka ba?" Tanong niya sa'kin.

"Huh bakit naman ako mag seselos hindi, hala! ang tindi talaga ng tupak ng mokong na'to.
"hoy hindi ako nag seselos, okay kalang bakit naman ako mag seselos ano ba kita, diba kaibigan kita, support ako sayo all the way pero wag mo lang taluhin kuya ko dahil mahal niya ang girlfriend niya." sabi ko kay Gian.

"Ano ba 'yang mga pinagsasabi mo ha?!" sabi niya.

"Wala naman." pagsisinungaling ko.

"Don't you ever accused me on something Kera, i did nothing wrong." pagalit na sabi niya sa'kin.

"Sorry hah, 'yon kasi ang napapansin ko na nakipag harutan ka doon sa girlfriend ng kuya ko, hindi mo naman maiwas sa'kin ang maisip 'yon." sabi ko.

"So that mean nagseselos ka talaga sa'min, hindi ka naman dapat magselos eh, hindi naman ta'yo diba!?" sabi ni Gian sa'kin. Nasaktan ako kasi sinabi niya lang kagabi na handa siyang maghintay sa'kin, nag promise siya na ako lang ang mamahalin niya. Ngayon may nakita lang siyang ibang babae na kasing ang sobrang ganda, ayon nag-iba na hayyyy mga lalaki talaga.

"Ahhh edi sige doon ka na, wala akong paki." dahil sa galit ko pinatakbo ko ng mabilis ang sinakyan kong kabayo, sana hindi siya susunod, wag sana siyang sumunod gusto ko lang mag-isip na malayo sa kanilang lahat kung tama ba talaga ang desisyon ko na, paghintayin si Gian. Paano kung mabaling ang atensyon niya sa ibang babae, tapos mag-iba na ang feelings niya sa'kin, hayyyy naku. "Oo na, i'll admit it nagseselos ako, kasi naman ang ganda kasi ng girlfriend ni kuya, kahit sinong lalaki mahuhumaling doon dahil ang sobrang ganda niya."

EXCHANGE LOVERSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon