Chapter 13: Confident

61 5 1
                                        


"Ohemgeee..." tili ko.
"ohmy....ohmy..." bakit late akong nagising.  Oo nga pala hindi ko na set ang alarm ko patayyy. Dali-dali akong naligo tapos kinuha ko ang ibinigay ni Lucy sa'kin kagabi na susuotin ko ngayon at nagbihis na ako.

"Wow!" hindi talaga ako makapaniwala na bagay pala sa'kin ang ganitong suot. Isang denim tattered skinny jeans at crop top na kulay black matching my black high heeled shoes. Tiningnan ko sa salamin ang sarili ko bagay na bagay talaga hayyy, tinanggal ko ang eye glass ko at pino-ponitail ko ang mahaba kong buhok tapos kinuha ko na ang bag ko kaso hindi bagay sa suot ko. Well total nabasa ko na naman ng advance ang iba kong libro iiwan ko nalang muna at naghanap ako ng shoulder bag na babagay sa suot ko. Bumaba na ako, naglalakad ako sa sala para lumabas ng bahay kaso tinawag ako ni mom kaso hindi ko naman pangalan.

"Krista, anong oras ka umuwi kagabi." tanong niya, kaya lumapit ako kay mom.

"Good morning mom, I have to go male-late ako sa klass ko." sabi ko, at alam ko nabigla si mom.

"K-kera!" nauutal na tawag ni mom sa pangalan ko.

"I love you mom, see you mamayang hapon, bye." naka-smile na sabi ko kay mom, tumango naman siya kaya nagmamadali na akong lumabas sa bahay, swerti naman na may dumaan na taxi paglabas ko ng gate.

@at school....

"Good morning Krista." bati sa'kin ng ibang estudyanti. Kaya hindi ko sila pinansin hindi naman ako si Krista eh.

"Ayyy ang arti porket maganda at sexy, hindi na namamansin." sabi pa ng isang student.

"Oo nga eh, naimbitahan lang ng malaking fashion event kagabi hindi na namamansin." sabi pa ng isa, ayyy nakakarindi na hah, papatulan ko na ang mga ito. Lalapitan ko na sana ang mga chismosang 'yon kaso may tumawag sa'kin.

"Kera! thank god your here, akala ko hindi ka na papasok." tawag at sabi ni Lucy sakin.

Napalingon tuloy sa'kin ang mga estudyanti sa hallway na dinaanan ko.

"Good morning friend, sorry na late ako ng gising eh." paliwanag ko.

"Ayyy okay lang 'yan friend, ang bongga ng entrance mo." sabi pa niya sabay tingin sa ibang estudyanti na tulala paring nakatingin sa'kin.

"Oh my gosh, si Kera pala 'yan?" kumento ng isang student.

"Hindi ko siya nakilala, promise ang ganda niya pala." sabi pa ng isa.

"OMG, this is tweetable." kumento rin ng isang maarti na estudyanti.

"Gosh may ibubuga pala siya ang ganda niyang tingnan at ang sexy." kumento parin nila sa itsura ko.

"Tara na friend, pinag-fiestahan kana dito. Baka matunaw ka pa sa titig ng mga male students." sabi pa ni Lucy. Kaya natawa talaga ako, sabay kaming naglalakad ni Lucy patungo sa first subject namin, magka-klase kasi kami sa dalawang subject namin ka-klase rin namin si Gian sa subject na 'yon.

"Good morning prof. sorry were late." bati namin pagpasok namin ng class room.

"Good morning, K-kera?" bati pa ni prof. tapos lumapit siya sa'kin at sinuri niya talaga ang mukha ko at itsura ng suot ko.

"Yes prof. may problema ba?" tanong ko.

"Wala naman nanibago lang ako sa'yo, cge umupo na kayo magsisimula na ta'yo." sabi ng prof. namin. Nakita ko sa mga mukha ng mga ka-klase ko ang pagkamangha at pagkatulala, umupo agad ako sa tabi ni Gian at katabi ko naman si Lucy sa kabila. Nilingon ko si Gian at binati ng magandang umaga kaso hindi siya umimik nakatitig lang siya sa'kin. Kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.

"Maganda ba ang view Mr. Lee?" yan ang pumukaw sa aming lahat, tanong yan ni prof. kasi naman kanina pa nakatitig si Gian sa'kin ewan ko sa lalaking 'to kung anong nangyari. Kaso parang walang narinig si Gian sa tanong ni prof. kaya nagtawanan na ang iba naming ka-klase pati si Lucy nakitawa na ako naman itong tinititigan ni Gian namumula na sa hiya dahil sa ginagawa niya.

"Mr. Lee! I'm asking you." pag-uulit ni prof.

"Ha-huh!" reaksyon ni Gian at bigla nalang napatayo kaya mas lalong napatawa ang iba naming ka-klase.

"Ano po 'yon prof.?" tanong ni Gian.

"I asked you, kung maganda ba ang view." tanong ulit ni prof.

"O-opo prof. maganda." walang buhay niyang sabi. Kaya natawa silang lahat pati si prof.

"Now you admire the view, maganda naman talaga siya lalo na at may nagbago sa kanya." kumento ni prof. alam ko ako ang ibig niyang sabihin.

"A-ano po sir? Siya?" naguguluhan niyang tanong.

"Oo siya, ang tinanong ko kanina kung maganda ba ang view kanina kapa kasi nakatitig kay Ms. Morgan simula ng umupo siya diyan sa tabi mo." paliwanag ni sir sa kanya sabay turo sa'kin.

"Ah-ahm sorry." nahihiyang sabi ni Gian.

"Its okay friend." mahinang sabi ko at umupo na siya.

"Cous. meet the new Kera. Kera thats my handsome cousin Gian." natatawang pakilala ni Lucy sa amin. Natawa ako sa sinabi niya at nakitawa na rin si Gian pati ang iba naming ka-klase.

"Hi its nice to meet you Gian." I teased him and  smile, he smiled back to me naman kaso para akong nanlamig sa ginawa niya. Ang gwapo niya hayyy.

...ano ba tong nangyari sa'kin, bakit ang landi ko na hayyy...

Erase

Erase

Erase....wag munang isipin Kera, ex yan ng kapatid mo....anoh ka bah..

Lunch break na kaya magkikita na kami ni Lucy sa cafeteria sabay kaming magla-lunch. Nagpunta na ako ng cafeteria nakita ko naman si Lucy na nakapila lalapit sana ako sa kanya, kaso may humila sa'kin.

"Dito ang pinaka dulo ng pila miss, kaya dito ka pumila." sabi niya.

"Shut up Gian, ikaw nga noon nakikisingit ka tapos ngayon capital WOW, nakapila ka na." sarkastik kong sagot sa kanya.

"Bakit biglang nag-iba ang ugali mo ha!?" tanong niya.

"Huh! hindi naman ahh, ikaw nga 'tong may pagbabago kasi hindi ka naman pumipila noon." sabi ko ang sarap talagang pagtripan tong si Gian.

"Dito ka na lang pumila para good example ka sa ibang students dito, valedictirian ka sa dati mong school diba, be a good example naman." he teased me also.

"Wow! talaga bakit ikaw hindi ba, ikaw nga tong makasingit noon, ako pa pagbibintangan ngayon hayyy, ewan ko talaga sayo Gian." sermon ko sa kanya pero ginawa ko naman ang sinabi niya, nakapila na ako sa likuran niya.

EXCHANGE LOVERSMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon