Kera's POV
Nakahiga na ako sa kama ko. Kahit anong gawin ko naiisip ko pa rin si Calvin. Kung bakit niya ako sinaktan ng ganito kung bakit sa dinami-daming babae ako pa talaga ang sinaktan niya ng labis kung ang ginawa ko lang naman ay ang mahalin siya ng sobra-sobra. Hindi ko na naiwasang tumulo ang luha ko, kaya pinunasan ko at bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Krista.
"Can we talk?" sabi niya, and I nodded.
Tumabi siya sa akin sa kama, minutes passed bago siya nagsalita. Kahit kambal kami, hindi kami gaanong close kasi iba't-iba ang gusto namin at hilig.
"Bakit kayo nag hiwalay ni Calvin?" tanong niya sa'kin.
"Kailangan ko bang mag explain sa'yo?" mataray na sabi ko.
"Hindi naman concern lang naman ako sa'yo." mahinang sabi niya, nahiya naman ako sa naging reaksyon ko kaya sinagot ko ang unang tanong niya.
"Hindi niya ako mahal, kaya nakipaghiwalay siya sa'kin." sabi ko.
"Hindi mahal? Eh kung hindi ka niya mahal bakit ka pa niya niligawan, ano yon?" sabi niya.
"Ewan ko, siya lang ang makakasagot niyan, pero wala na akong balak na makipagkita pa sa kanya at kung magkita man kami, wala na akong dapat sabihin sa kanya, siya ang nakipaghiwalay kaya panindigan niya yon". mahabang sabi ko.
"Wala ba siyang ibang babae na kinahuhumalingan ngayon?" tanong niya ulit.
"Ewan, hindi ko alam." mangiyak-ngiyak na sabi ko, kasi I know deep inside mahal ko si Charlie, ayaw ko lang ipakita sa kanila na mahina ako.
"Anong gagawin mo kapag nakita mo siya na iba na ang kasama?" pagtatanong parin ni Krista.
"Hindi ko alam." umiiling na sabi ko.
"Okay ka lang ba talaga?" concern na tanong niya.
"Physically okay, but emotionally hurt." mahinang sabi ko.
"Iiyak mo lang yan at mawawala din yan. Alalahanin mo nandito kaming pamilya mo." sabi niya at yumakap sa'kin.
"I know." sabi ko at napaiyak na ako habang nakayakap sa kanya.
"Were here for you no matter what happened." sabi ng kambal ko. Kahit magkasabay kaming ipinanganak ng mommy namin, ngunit gusto parin niya na maging ate ko siya. Kahit sa lahat ng bagay hindi kami magkapareha. Pero isang pamilya pa rin kami kaya nagdadamayan.
"Mawawala rin ang sakit na yan, tandaan mo lang marami pa ang lalaki sa mundo at hindi sa lahat ng oras kay Calvin umiikot ang mundo mo." sabi niya.
"Alam ko naman yon, kaso bakit ako pa talaga ang sinaktan niya ng sobra gayong mahal na mahal ko siya." humihikbing sabi ko.
Tapos hinimas-himas naman niya ang likod ko.
"Tumahan ka na, ganyan talaga pag nagmahal ka, pero mawawala rin yan pagdating ng panahon at makakalimutan mo na rin siya. Sa ngayon mag fucos ka sa studies mo. Make our parents proud." sabi niya.
"Aba ako lang ba, dapat ikaw rin, kung makapagsalita ka naman diyan parang hindi ka rin nag-aaral ah." reaksyon ko sa sinabi niya. Tapos bumitiw na ako sa pagkayakap sa kanya at ngumiti nang bahagya.
Napatawa na rin siya.
"I know we hate each other since we were kids but your still my twin sister, I love you with all my heart and no matter what I'll always be here for you." sabi niya sa'kin.
I nodded and smile to her.
"Thank you, sis." pasasalamat ko sa kanya.
"Call me ate naman." pag-iiba niya.
"No way, kambal tayo sabay tayong pinanganak ni mommy." sabi ko.
"Kahit pa, nauna ako ng limang minuto sa'yo kaya ate ang tawag mo sa'kin." pagmamaktol niyang sabi.
"No! I wont call you ate, never gonna happen." i said.
"Maiba ako sis. alam mo ba noon crush ko si Calvin." pag-amin ni Krista sa'kin.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin yan." tanong ko.
"Para ano pa eh ikaw naman ang mahal niya diba." sabi pa niya.
"Yon na nga eh, hindi nga niya ako mahal, dahil may mahal siyang iba sa simula pa lang." sabi ko rin.
"Eh bakit kapa niya niligawan kung hindi pala ikaw ang mahal niya simula pa lang." tanong niya.
"Ewan ko, siya dapat ang tanungin mo, alam ko namang magkaibigan kayo." sabi ko sa kanya.
"Ayaw kong magtanong no, hate ko siya ngayon dahil sinaktan ka niya." sabi pa niya kaya napangisi ako.
"Kakambal talaga kita." sabi ko at tumawa at napatawa naman siya.
"Sis. I'm planning to go to Paris." pag-iiba niya.
Nabigla naman ako sa sinabi niya.
"Huh!, bakit?" tanong ko.
"To study fashion, nakipag-usap na ako kay mommy, pumayag naman siya kaso hindi ko masabi kay daddy eh, baka magalit siya." sabi niya.
"E di si mommy na ang magsasabi kay dad sa mga plans mo. Maiintindihan siguro yon ni dad." sabi ko.
"Oo nga no!, sasabihin ko kay mom na siya nalang muna ang magsasabi kay dad." sabi niya.
"Cge good luck sis. ang magagawa ko lang ay ang suportahan ka sa lahat ng ginagawa mo." sabi ko.
"Same here sis. sana masungkit mo pa rin ang top 1 sa klase." sabi niya.
"I well sis." --me
"Thanks sis. cge punta muna ako kay mommy." sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.
Matutulog ako ng maaga para maaga akong papasok bukas para sa quiz namin sa Trigo namin.
BINABASA MO ANG
EXCHANGE LOVERS
RomanceDo you know the feelings that you have a boyfriend for almost 5 months tapos malalaman mo nalang na kaya ka pala niligawan nang nagiging boyfriend mo to get close to your sister dahil ang kapatid mo ang totoong mahal nito. What a twist of life diba...
