Kera's POV
I'm with Gian, his about to go to their farm, and I'm coming just to forget everything that happened this early afternoon in the airport.
I can sense how worried Gian right now. I can see it n his eyes. Nakatulog ako sa byahe namin, kaso nagising ako dahil ginising ako ni Gian because I was dreaming of that bastard guy. Hindi na rin ako makutulog ulit minabuti kong makipag-usap kay Gian para maiba ang atensyon ko at para naman may makausap siya habang nasa byahe kami.
I was asking him about anything. Until I asked him about his personal life."May girlfriend ka na?" tanong ko sa kanya. He stared at me.
"Hoy tumingin ka nga sa daan baka ma disgrasya pa tayo." sita ko sa kanya kasi nagmamaneho siya.
"Nope but I have a special someone right now and I'm about to tell her what I feel for her." sagot niya sa tanong ko.
"Pwedi bang malaman ko sino yang napaka swerting babae sa buhay mo ngayon?" sabi ko.
"Bawal sorpresa yon." magmamatigas niya.
"Sino nga?" pangungulit ko.
"Hindi nga pwedi." matigas na sabi niya.
"Eh sige na sabihin mo na, wag kang mahiya sa'kin kaibigan mo naman ako diba." pangunglit ko sabay hila sa braso niya.
"Kera bitaw nga, nagmamaneho pa ako, baka gusto mo mabangga tayo." sabi naman niya, kaya hindi nalang ako nangulit sa kanya.
"Fine malalaman ko rin naman yon sa tamang panahon." pagmamaktol ko.
"Salamat naman at natahimik ka na ang kulit mo kasi." sabi niya sa'kin.
"Cge na nga pero maiba ako pwedi ko bang malaman kung nakailang girlfriend ka na?" tanong ko. He stared at me again.
"Ayan ka na naman eh, bakit sa lahat ng tanong ko palagi kang tumititig sa'kin." sabi ko.
"Maganda ka kasi." he said. At ako naman ang napatitig sa kanya dahil sa sinabi niya.
"Oie Kera wag ka ngang tumitig sa akin matutunaw ang gwapo kong mukha, cge ka hindi mo na makikita 'to."sabi niya sabay pogi points sa mukha niya.
"Haha nakakatawa ka." sabi ko nalang.
"Oie nagdadalaga si Kera namumula ang pisngi niya." tukso niya sa akin.
"Heh tumigil ka nga." sabi ko sa kanya, at nabigla naman ako dahil nag preno siya at tinigil ang sasakyan, kaya palinga-linga ako baka nakarating na kami sa farm nila pero wala eh, puro kakahoyan lang ang nakikita ko at mga pananim.
"Nandito na ba tayo?" tanong ko.
"Hindi pa, sabi mo kasi tumigil ako eh." sabi niya.
"Ayy naku Gian, sumasakit ang ulo ko sayo eh, ang tange mo talaga." sabi ko sa kanya.
"Hindi Kera, pinapatawa lang kita, peace." sabi niya sabay tawa.
"Ewan ko talaga sa'yo, halika na nga baka maabutan pa tayo ng gabi sa daan eh." sabi ko.
"Malapit na tayo wag kang mag-alala." sagot niya.
Matapos ang 30 minutes finally nakarating kami sa farm nila Gian, sinalubong kami ng dalawang matandang babae at kinamusta si Gian at nakipag kwentuhan ito sa kanya pero saglit lang naman, pinakilala rin niya ako sa matatanda.
"Si Kera po manang Lucing at manang Linda." pakilala niya.
"Girlfriend mo hijo? Ay naku binata na talaga tong alaga namin." sabi ni manang Linda.
"Ayy hi-" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil tinakpan ni Gian ang bibig ko.
"Ay naku pumasok na kayo at doon kayo maglambingan sa loob at itoy gumagabi na, ano bang gusto niyong ihain namin sa haponan." sabi ni manang Lucing, natawa naman si Gian dahil sa sinabi ng matanda.
"Kahit ano po manang Lucing na miss ko yong luto niyo dito kaya kahit ano kakainin ko, ikaw Kera may gusto ka bang kainin at ipahanda natin." sabi niya.
"Ayy naku okay lang kahit ano." Kailangan ko ring magpahinga ang sakit pala sa katawan kapag malayo ang binabyahe." sabi ko.
"Sinabi mo pa ining kaya kami, hindi na kayang bumyahe ng matagalan sasakit lang itong matanda naming katawan." sabi ni manang Linda sabay napatawa sila ni manang Lucing.
"O siya pumasok na kayo at maghahanda pa kami sa kusina." sabi ng matanda.
Kaya pumasok na kami ni Gian sa loob ng bahay nila sa farm, hindi rin pala basta-basta ang pamilya ni Gian, ang laki ng bahay nila, nalulula ako ng makapasok na ako sa bahay, manghang-mangha ako hindi sa laki kundi sa decoration nito sa loob, mahilig kasi ako sa mga lumang gamit, that means I love antiques, kaya nagtanong ako kay Gian.
"Gian, sino ang mahilig sa mga ganito?" tanong ko sa kanya sabay hawak sa isang lumang vase na malaki.
"Mama ko mahilig sa mga ganyan, siya kasi yong nakaisip na ganito ang magiging koncepto ng bahay namin dito sa farm, kaya halos makikita mo dito, collection 'yan ng mama ko Kera." sagot niya.
"Ang ganda kasi Gian, gusto ko rin kasi ang mga ganito." sabi ko sabay hawak sa antique na figurine.
"Para kang mama ko Kera ang hilig sa mga lumang bagay tulad niyan, halika ka ihahatid muna kita sa kwarto para makapagpahinga ka." saway niya sa'kin sabay hila.
"Oo na, wag muna lang akong hilain, pasalamat ka nga na appreciate ko tong bahay niyo." pagmamaktol ko.
"Hindi ako ang magiging thankful kundi ang mama ko dahil ideya niya lahat yan." sabi pa niya. Umakyat na kami dinala niya ako sa pinakadulong kwarto, anim kasi ang kwarto nila, sa pinaka dulo pa ako pinatuloy.
"Bakit dito eh ang layo, maglalakad pa ako ng malayo kapag kainan na sa baba." reklamo ko.
"Basta dito ka, sa kabila ang kwarto ko, malalaman mo rin bukas kung bakit diyan kita pinatuloy. Maiwan na muna kita, pahinga ka muna." sabi niya.
"Eh maghahapunan pa tayo diba?" tanong ko.
"Kakatukin na lang kita mamaya pag ready na ang food, kaya pahinga ka na." pagkasabi niya sinara na niya ang pinto at naiwan akong mag-isa sa kwarto, palinga-linga ako, ayos din ang trip ng pamilya ni Gian eh, ang gaganda ng mga gamit at design sa kwarto. Inilagay ko ang shoulder bag ko sa kama at humiga ako.
Bigla naman akong napaisip kung gaano ako ka tanga sa lahat ng bagay, nagpakatanga rin ako kay Calvin na sa simula't sapol hindi naman pala ako ang gusto niya kundi ginagamit lang ako.
Biglang tumulo ang luha ko habang nakahiga, napabalikwas ako ng bangon dahil bigla rin tumunog ang cellphone ko.
Tiningnan ko kung sino ang caller.....Kuya Kyle...calling..
"Yes, kuya?" sagot ko sa tawag niya.
"Nasaan ka?" biglang tanong niya.
"Sa farm." sagot ko.
"Farm? Saan?" pagalit na tanong niya.
"E-explain ko sayo lahat kuya pag nagkita na tayo but not now, please I'm not ready to talk about anything." magmamakaawa ko kay kuya.
"Sino ba ang kasama mo at saang farm ba yang sinasabi mo?" pag-uulit niya ng tanong.
"Im with Gian, and yes nandito ako sa farm na pagmamay-ari nila. I need time and space for everything kuya at nagkataon lang na si Gian ang tumulong sa'kin sa panahon na kailangang-kailangan ko ng karamay sa lahat ng problema ko." i said while I sobbed.
"Alright-alright I know that place, pupunta ako diyan isasama ko ang girlfriend ko para naman makapag enjoy tayo at may kasama ka diyan." he said.
"Wait kuya you know this place? I mean Gian's family farm?" sunod-sunod na tanong ko.
"Yup, i know the place, remember Gian and I are best buddies." he said.
----hey guys sorry for late update, busy working..---next chapter titled "Confession"

BINABASA MO ANG
EXCHANGE LOVERS
Roman d'amourDo you know the feelings that you have a boyfriend for almost 5 months tapos malalaman mo nalang na kaya ka pala niligawan nang nagiging boyfriend mo to get close to your sister dahil ang kapatid mo ang totoong mahal nito. What a twist of life diba...