I'm on my way to school, pinapasok kasi ako ni mommy kahit half day lang para hindi naman daw sayang ang araw ko may matutunan pa ako. Hayyy ito talaga si mom kahit kailan ang tipid sa oras.
Excited na ako para sa saturday kasi itong kambal ko, sabi ni mom ginugulo daw sila ni dad dahil gustong magpabili ng sariling sasakyan kaya dad and mom decided na bibilhan kami at ang condition na hinihingi nila kailangan kong pagbutihin ang school ko para malalaki ang grades ko at grumaduate with honors, kaya ko naman yon eh, kaso kay Krista ewan ko lang, ang condition na hinihingi ni mom and dad sa kanya eh 'yong maging katulad ko na malalaki ang grades dahil kung hindi babawiin nila ang car namin, excited na nga ako for saturday kasi tuturuan kami ni dad na magmaneho tapos sasamahan niya kaming kukuha ng student licence.
"Hi napano ka? Bakit hindi ka pumasok kaninang umaga?" tanong niya.
"Hindi ko lang type ang pumasok, bakit?" sagot ko.
"Wow! first time yata to ahh, na si Ms. Kera Trish Morgan a.k.a Ms. Nerd umabsent." sabi pa niya sabay tawa.
"Ano ba Gian, wala ako sa mood makipagbiruan sa'yo ngayon." sabi ko at umupo na ako sa upuan ko.
"Bakit ano bang nangyari?" biglang tanong niya. I glared at him na para bang tinatansya ko kung ang pagtatanong niya ay hindi labag sa kalooban niya. And I saw sincerity in his eyes.
"Nothing, I just have my personal problem, hindi mo na dapat malaman 'yon hindi naman tayo close." sabi ko sa kanya.
"Friends na naman tayo diba, pwedi ka namang magsabi sa'kin promise hindi ko ipagkakalat tutulungan pa kita." sabi niya kaya tinititigan ko siya at binigyan ko siya ng *why-are-you-so-mabait-today* look ko.
"Dont give me that look Kera, matutunaw ako." pagbibiro niya matching tawa niya. Bakit ang cute niyang tumawa bakit bigla siyang nagningning sa paningin ko hayyyyyy.
Erase
Erase
Erase...wag kang malandi Kera, kung ano-ano na ang pumapasok sa utak kong 'to.
Mag focus sa pag-aaral Kera, patunayan mo na magaling ka... Fight...
Hindi kawalan sayo si Calvin, siya ang nawalan at hindi ikaw.
"Hoy sabi ko wag mo akong titigan ng ganyan." pag-uulit ni Gian. I came back to my sinces naman kaya bigla ko na lang siyang inirapan at inalis ang pagtitig ko sa kanya.
And he chuckle.
"Kera, wag kang mag-alangan na sabihin sa'kin ang problema mo, magkaibigan tayo kaya nandito ako para makinig sayo." seryoso niyang sabi. Kaya tumango na lang ako hehehe napipilitan lang ganu'n ang peg.
Nag smile naman siya sa nakita niyang reaksyon ko.
"Excuse me, Kera can we talk?" she said.
"Now?" i said. Kaso bigla naman dumating ang prof. ko.
"Ahm sa bahay na lang." sabi niya.
"Cge Krista sa bahay na lang." i smiled at her at umalis na siya. Nilingon ko naman si Gian na printing nakatitig lang sa pintuan na kinatatayuan ni Krista kanina.
"So inlove huh!" sabi ko sa kanya. Napatingin naman siya sa'kin.
"Yuh I guess." sabi niya ramdam ko naman na nagsasabi siya ng totoo na mahal niya talaga si Krista.
"Maswerti ka kung magkakabalikan kayo ng kapatid ko, mabait 'yon kahit palaging party ang nasa isip nu'n" sabi ko sabay tawa. Nakitawa naman siya.
"Oo maswerti ako kung mamahalin ako ni Krista ulit." sabi niya and I smiled.
"Maswerti rin ang kapatid ko kasi may angkin ka palang kabaitan." sabi ko sa kanya, bigla naman nawala ang ngiti niya sa labi niya at humarap na sa prof. namin na magsisimula na sa discussion.
Hapon na kaya uwian na, nagkita naman kami ni Lucy tapos kinukulit niya ako na sabihin ko sa kanya ang pinagdaanan ko kaso sabi ko sa kanya bukas na lang kasi may dalawa akong vacant bukas kaya mapag-uusapan namin lahat pumayag naman siya.
Naglakad na ako papunta sa sakayan ng taxi kaso hinarang ako ni Calvin.
BINABASA MO ANG
EXCHANGE LOVERS
RomanceDo you know the feelings that you have a boyfriend for almost 5 months tapos malalaman mo nalang na kaya ka pala niligawan nang nagiging boyfriend mo to get close to your sister dahil ang kapatid mo ang totoong mahal nito. What a twist of life diba...
