KABANATA 16

186 18 1
                                    



                Nasa tabi ko agad si Bax. Inabutan ako ng isang basong tubig. Agad kong kinuha iyon mula sa kanya at mabilis na tinunga.

“Ano bang nangyari sayo? Ang sabi ni Ara bigla ka na lang daw nawalan ng malay sa harap niya” agad na tanong niya pagkatapos kong ubusin ang laman ng baso.

Saglit akong natigilin.
Hindi rin pala panaginip ang paglapit ko sa kanya kanina. Lalo na ang pagsalubong ng aming mga mata. Pero ilusiyon ang nakita ko. Isang kabaliwan.

Hindi ako umimik. Hinihintay niya ang sagot ko dahil nanatili siyang nakatayo sa tabi ko. Nag - alinlangan akong sabihin sa kanya dahil baka hindi niya paniwalaan ang mga sasabihin ko.

I’m so confused right now wether to tell him what’s on my mind or just forget it, but i decided to tell him, sa kadahilanang gulong - gulo na ang isip ko sa mga imaheng nakikita. At sa bawat imaheng iyon ay parang....

“W-Would you believe me if I told you that... I was a king in my past life. A king that feared by everyone. Maniniwala ka ba kung sasabihin kong namatay ako sa isang gyera kasama ng ilang libong kawal na halos wala nang mga buhay. Maniniwala ka din bang ako ang dahilan k-kung bakit namatay ang babaeng pinakamamahal ko sa digmaang 'yon?” 

That woman in her knees begging for him not to leave her. Why did she have to end her life?

It was all in my head. Naglalaro lahat sa utak ko ang bawat eksena. All the dreams, the nightmares, the images, the blood scathered on the ground, most of all HER. Panaginip ba talaga lahat iyon pero bakit pakiramdam ko ay totoo lahat nang nakita ko.

Ngunit alam kong walang katotohanan ang mga imaheng nakikita, ang mga panaginip na ilang taon din akong minumulto. It’s not reality. It wouldn’t be impossible,right? Because if it’s true... I’ll be scared to face it.

Wala akong narinig na sagot mula kay Bax kaya nilingon ko siya sa tabi.

Napansin ko ang pananahimik niya. Namamalikmata lang ba ako, parang saglit na dumilim ang ekspresyon niya.

Iniisip kaya niyang nababaliw na ako sa mga sinasabi ko.

Pero mali ako dahil humalakhak na siya na hindi ko naman ikinatuwa. Sinasabi ko na nga ba.

Bumagsak ang balikat ko sa pagkadismaya sa naging reaksiyon niya. Ano ba ang iniisip ko at nasabi ko ang matagal nang bumabagabag sa akin.

Sapo niya ang tiyan. At talagang kinareer niya ang pagtawa. Ang ikinasama pa ng mood ko ay ang sunod na sinabi niya.

“Maniniwala ka rin bang Heneral ako noong panahon mo,  Aro. At maniniwala ka din ba kung sasabihin ko sayo na hanggang ngayon hinahanap ko parin ang babaeng mahal ko?” Nilangkapan pa ulit nito ng tawa ang sinabi saka biglang ipinaypay ang kamay sa ere na parang sinasabi niyang itigil na ang kalokohang ito. “Hayy! Tatawagin ko lang ang Doktor para tignan ka ulit,” tinapik niya ako sa balikat bago pinindot ang red button sa tabi ng kama ko.

'Saka ko naman napansin si Ara na kanina pa pala nakaupo sa sofa. Masyadong okupado ang isip ko kaya ngayon ko lang napansin na nasa loob din siya. Nakatingin siya sa akin at parang kanina pa iyon. Ano kayang nasa isip niya ngayon?

Naalala kong nilapitan ko siya kanina, nagtama ang mata naming dalawa pagkatapos ay napunta ako sa eksenang iyon. Isang kahibangan!

Ang eksenang kahit gusto kong burahin ay nanatili pa ring nakaukit sa sistema ko.

Nagtama ang aming mga mata pero 'gaya kanina ay walang nangyari. Nasa loob pa rin ako ng kwarto, nakaupo sa kama at si Ara.. Nakatingin pa rin sa akin.

The Warrior's King √ (RAW) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon