Lumapit ang isang tagasilbi sa Hari habang abala ito sa pagtanaw sa tanawin sa labas.
Mula sa nakatalikod na Hari ay nagsalita ito, "Mahal na Hari, nais kayong makita ng Reyna upang ipakilala sa inyo ang isang espesyal na panauhin."
Bumaling ang madilim na mukha ng Hari sa nakayukong tagasilbi.
Naging palaisipan naman sa Hari kung sino ang panauhin na iyon. Masyadong magulo ang isip nito para tumanggap pa ng panauhin, ngunit dahil utos iyon ng kanyang butihing Lola ay nagpatiuna na itong naglakad kung saan naghihintay ang panauhin.
Mula nang maging Hari ito ng Vanwood ang naging ay limitado na ang kalayaan nito. Sa bawat galaw nito'y may nakasunod na kawal o tagasilbi, isang bagay na ikinakainis nito.
He had responsibilities now, limitado na ang oras para sa sarili dahil sa dami ng dapat nitong pag-aralan. He's already eighteen. May mga oras na gusto nitong tumakas sa responsibilidad ngunit may isang tao ang pumipigil sa isip na gawin iyon.
He was getting frustrated just by thinking of her. He is a coward for watching her secretly from a far. Kung gaano ito katapang na sagutin ang Lola nito, ay gano'n naman ito kaduwag na lapitan ang babaeng nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso. He had a wild imagination of meeting her and holding her hand, kissing her.
He must be really crazy, he thought.
"Narito na po tayo, King Aro," anito.
Pagkatapos ay binuksan nito ang silid upang makapasok ang Hari.
Tumambad agad dito ang nakangiting kaharap ang isang nakatalikod na panauhin. Nagtaas ng mukha ang Reyana mula sa kausap at napatingon sa bagong dating.
"Apo. Aro, kanina pa namin hinihintay ang iyong pagdating. Nais kong makilala mo ang iyong magiging personal na tagabantay. Siya ang gagabay at magiging proteksyon mo, Aro. Tinupad ko ang ipinangako ko na sa iyo mula nang maging Hari ka, Aro." Pabulong na sabi pa nito sa huling salita upang hindi marinig ang sinabi ng panauhin.
Doon naman humarap ang tinutukoy nito kay Aro.
Pagkatulala at pagkalito ang naguhit sa mukha ni Aro. Hindi nito gustong pangalanan ngunit mali yata ang pagkakarinig nito sa sinabi ng Reyna.
Isang kakaibang ngiti naman ang lumabas sa labi ng Reyna.
Arrow's face is readable while Ara remained unmoved. Sa paningin ni Aro ay sila lamang na dalawa ang naroon. Sapat na ang tatlong metrong agwat nila sa isa't isa para mabaliw ng tuluyan si Aro. He likes everything about her.
Ilang sandali ay natauhan si Aro. Humarap sa mahal na reyna.
"Lola, ano ang inyong sinabi? Maaari bang ulitin niyo," pakiusap nito sa reyna. Hindi ito sigurado kung tama ang narinig mula rito.
"Si Ara ay inaatasan kong maging personal na tagabantay mo mula ngayon, Aro."
Naestatwa si Aro sa kinatatayuan sa narinig na sinabi nito. Naging tahimik ang paligid. Umatras ang paa ng hari 'saka mabilis ang mga paang iniwan ang dalawa na nagtataka sa inakto nito.
Mukhang hindi naging malinaw ang intensiyon ni Aro noong sabihin nito sa reyna ang nais.
-
I automatically open my eyes when I heard a creak sound. Nagmula iyon sa veranda. Mabilis akong bumangon at lumapit doon. Hinawi ko ang puting tela na tumatakip sa glass door ng veranda ng unit ko.
Isang bulto ang nakita ko sa kabilang veranda. Hating gabi na'y gising pa rin siya. Malayo ang tingin niya ang parang gulong-gulo ang isip.
Binabagabag na naman siguro siya sa mga napapanaginipan. Maybe he though, he was going crazy.
Tulad nga ng sinabi ng Reyna ay unti-unti niyang maalala ang nakaraan niya. Hanggang sa tuluyan ng maibalik ang alaala niya sa nakaraan niya. Ngunit sa tingin ko ay hindi gano'n iyon kadali.
Hinayaan ko na siyang mag-isip at tahimik na bumalik sa aking higaan.
Kinabukasan ay isang mahihinang katok naman ang narinig ko sa labas ng aking pintuan. Naisip kong baka si Arrow iyon ngunit base sa pagkatok niya'y malamang na ibang tao ang nakapasok sa building ko. Except for Bax he can't think of something.
Kinapa ko ang espada sa ilalim ng unan. Hindi na ako sumilip sa peephole, balak kong putulin ang ulo ng taong dumistorbo sa pagtulog ko.
Pagbukas ko ng pinto ay hinugot ko ang espada at itinutok sa leeg ng lapastangan.
Ilang hibla ng buhok niya ang nahulog sa carpeted floor. Nagkagulatan kami sa pangyayari. Nanlalaki ang mata niya sa pagsalubog ko sa kanya.
Sa nanginginig na boses ay nagsalita siya, "It was really you."
Kumiling ang ulo ko.
Nagtataka ako kung bakit siya narito. Maaaring naligaw siya at inakalang ito ang unit ni Arrow.
Hindi ko siya sinagot at inilayo na ang patalim ng espado sa leeg niya. Mula sa pagiging estatwa ay bumalik ang pinipigal niyang hininga.
"Bakit ka narito?"
Tumingin muna siya sa aking espada bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Ikaw si Ckiara, ang nag-iisang anak ng Heneral ng Vanwood," she stated.
Panandalian akong nagulat sa sinabi niya. She regained her memories?
Si Rally nga kaya ang prinsesa ng kabilang kaharian na kaanib ng Vanwood?
Sa unang pagkikita namin ay nagdalawang-isip ako. Ibang- iba kasi siya sa hinaharap at sa nakaraan niya. Mahinhin at may nakakahumaling siyang ngiti ngunit ang babaeng ito nakikita ko ang malakas na personalidad niya. She grew up strong and independent.
"You are her right? I know for sure it's really you," she stated. Hindi ko na kailangan tumanggi.
"Kailan mo pa ito nalaman?" tanong ko. Nang tanungin niya ako noon ay wala pa siyang naaalala.
"My dreams. At noong tanungin kita sa unang pagkakataon na nakita kita sa kompanya ng boss ko. Nakatalikod ka na noon sa akin at si Sir Arrow ay may imaheng nagpakita sa akin. Pag-uwi ko ay nakatulog na ako 'saka ko napanaginipan ang lahat. Kilala ko ang sarili ko, I'm not crazy but I know what I saw. Y-Your sword ..iyan ang magpapatunay ng lahat sa akin," kwento niya sa nanginginig na boses.
Pagtingin ko sa kasuotan niya ay nakapantulog pa siya. Paano niya nalaman na narito ang address ko?
Inaya ko siyang pumasok at pinaupo sa sala. Inilibot niya ang paningin sa kwarto ko na walang kalaman - laman.
"Naaalala mo na ang lahat?"
Umiling siya. Nagtaka naman ako. Paano niya nasabi ang lahat ng iyon kung maging nakaraan niya ay wala siyang maalala.
"Kaya ako narito ...because you are my only clue. Alam kong hindi ako baliw, simula pagkabata ay nakikita na kita at ang isang lalaki sa panaginip ko. Hindi ko maalala kung sino ako noon pero nakikita ko ang mukha ko sa mga ala-alang iyon. I-Ikaw ay naging kaibigan ko pagkatapos mo akong iligtas s-sa isang gyera. Lahat ng mukhang nakikita ko ay ako at ikaw. Maliban sa lalaking hindi ko pa nakikita ang mukha."
Sino ang lalaking tinutukoy niya? Malabong si Arrow iyon.
"Anong gusto mong malaman?"
"P-Posible bang nag-time travel ako papunta rito? Tapos magkasama tayo at parehong napunta sa ibang lugar kaya tayo nagkahiwalay? Maaaring napadpad ako sa ibang lugar at nawala ang ala-ala ko pagkatapos no'n ay may kumupkop sa 'kin?"
Umaasa ang mga mata niyang nakatingin pa sa akin.
Nakakatawa at naisip niya iyon pero mas malala pa ang nangyari kasya sa inaakala niya.
***
BINABASA MO ANG
The Warrior's King √ (RAW)
FantasiaI'm a warrior. I killed thousands of people. He's a king. A powerful King. I serve for him. I protected him. But he died in a battle because I was not enough to protect him. He died. So, I take my own life. But I was resurrected from the death I'm I...