Prologue

727 50 1
                                    

[August 26, 2020] 11:10PM

++

PROLOGUE

++


Europe

800 years ago...

Isang madugong digmaan.

Walang tigil na labanan.
Mga katawang nakahandusay at naliligo sa kanilang sariling dugo. Dalawang araw na din at wala paring tigil na patayan sa panig ng dalawang kaharian. Lahat ay pawang may ipinaglalaban.

Mapapansin ang isang babaeng walang kahit anong takot sa kanyang mga mata. Patuloy sa pakikipag espadahan sa mga kawal ng kaharian ng Micandre. Siya ang bukod tanging nakapaslang sa halos ilang libong kawal ng Micandre.

Tinatawag ito sa pangalang Ara, she's the warrior's King. Siya ang pinakamalakas na mandirigma sa kanilang kaharian.

Kanang kamay siya ng Hari, kung iisipin si Ara ay ipinanganak para protektahan ang sumunod na Hari. Maliit pa lamang ay nabuhay na sa mundo ng karahasan.

Wala itong awang pinapatay ang mga kalaban na humahadlang sa kanyang dinaraanan papunta sa Hari ng Micandre.

Ang ilan ay sugatan pero nagpapatuloy pa rin sa pakikipaglaban.

Ilang kawal na ba ang namatay sa digmaan. Iyon ay hindi na mabilang sa dami ng katawang nakahandusay sa lupa. Dumadanak ng dugo. At parehong wala ng mga buhay.

Malapit na namang magtagumpay ang Vanwood ngunit makikitang iilan na lamang silang nakatayo at patuloy na hinarap ang kamatayan. Parehong mga handang sagupain ang kanilang landas para maipagtanggol ang kanilang kaharian.

Sigawan, hinagpis halo - halo ang mga pagdadalamhati ng mga taong nagsakripisyo ng kanilang mga buhay. Tanging si Ara at ang mga kasamahan ang patuloy paring nakatayo at lumalaban. Determinadong ubusin ang lahat ng kalaban na nais din silang wakasan. Dahil iyon ang utos ng Hari ng Vanwood.

Walang dapat matira’  utos ng Hari

'Wala akong dapat itira' sabi naman sa isip ni Ara habang humahampas sa mga kalaban ang hawak na espada.

Isa itong digmaan sa pagitan ng Micandre at Vanwood. Nais sakupin ng Micandre ang palasyo ng Vanwood upang sila ang tuluyang maghari.


Ang Vanwood ang pinakamakapangyarihan na kaharian at nais iyon mapasakamay ng Hari ng Micandre.

Kaya pagsapit ng bukang liwayway ay nakahanda na ang mga kawal ng Micandre upang sakupin ang palasyo ngunit hindi nila inaasahang umulan ng napakaraming pana na may kasamang umaalab na apoy sa mga 'yon.

Isang ngisi ang lumabas sa labi ng hari ng mga Vanwood.

Napatay ni Ara ang hari ng Micandre wala itong kahit anumang tinamong sugat sa katawan kundi bahid lamang ng dugo sa suot na nakuha sa mga kawal na pinatay. Ilang mga buhay din ang tinapos ng espadang iyon.

Umalingawngaw ang malakas na sigawan tanda ng kanilang tagumpay. Itinaas ang mga hawak na espada sa ere at sumigaw pa muli ang mga kawal ng Vanwood na nanatili paring nakatayo. Tapos na ang digmaan.

The Warrior's King √ (RAW) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon