Manila, Philippines
Arrow VanwoodNASA labas ng bintana ang buong atensiyon niya. Malapit nang lumubog ang araw sa kanluran. Nag - aagaw ang kulay kahel at pula sa kalangitan.
Maaga pa ngunit parang papadilim na animo may ipinapahiwatig na mangyayari.
Parang nakita niya na iyon sa kasalukuyan. Bago pa niya maisip kung saan niya nakita ang eksenang iyon ay isang malakas na tapik sa balikat ang naramdaman niya.
"Arrow. Ano na? Tuloy ba tayo mamaya? Huy!" bulong ng kaklase at kaibigan niyang si Bax. Tinignan pa nito ang guro na nasa harap nila bago tumingin sa kanya at naghintay ang tugon niya.
Nagyaya kasi ito kaninang mag - bar.
We're still sixteen years old for pete's sake!
Oo nga't umiinom sila pero hindi sila umabot sa bar hanggang sa bahay lang sila kung trip nilang mag-jamming. Wala siyang laban sa pagiging makulit nito, daig pa nito ang mga babae sa sobrang kulit.
Ang sabi nito ay pinsan daw nito ang may - ari ng bar na pupuntahan nila. Dagdag pa nito wala daw siyang dapat ipag - alala dahil papapasukin sila ng guard ng hindi tinitignan ang ID nila. Dumbass !
Nagkibit balikat nalang siya.
Kapag naiparating sa kaalaman ng kanyang lola ang balak ay paniguradong sermon ang aabutin niya dito. Pero duda nga naman siya dahil nasa ibang bansa ito at doon na permanenteng naninirahan.
Minsan sa isang taon lamang siya nito dalawin o kapag may oras ito. Mag - isa lang siyang nakatira sa condo dahil maliit pa lamang ay wala na siyang kinalakihang magulang. Hindi siya nagdamdam kahit noong bata pa ay hindi siya naghanap ng magulang o nagtanong kung nasaan sila.
Parang matagal na niyang tinanggap iyon simula ng ipanganak siya sa mundong ito
"Hoy! Natulala ka na naman. Are you in or what? Aro!" sabi nito at tinapik na naman siya sa balikat at mas malakas na.
Bumalik ang tingin dito marahil ay kanina pa naghihintay ng sagot niya. Magsasalita na sana siya pero naunahan siya nang sigaw ng kanilang guro na ngayon ay sa amin na nakatuon ang pansin at hindi sa pisara. Maging ang mga kaklase namin ay parehong nakatingin na din sa amin.
"BAX DEMMON! ARROW VANWOOD! GET OUT OF MY CLASS ! NOW!" sigaw nito sabay turo ng pinto.
Napabuga siya nang hangin. Balewalang tumayo siya mula sa kinauupuan.
Kinuha niya sa mesa ang isang notebook na tanging dala niya sa pagpasok at naunang lumabas. Si Bax naman ay palihim pang napa 'Yes'. Sabay pulot ng isang ballpen na dala naman nito.
Halatang pareho kaming tamad pumasok lalo na sa pagbitbit ng bag. Pero hindi maipagkakailang pareho kaming matalino.
Sabay kaming lumabas na nakasunod lahat nang tingin ng mga kaklase namin. Ang iba nga ay parang nanghinayang pa sa pag - alis namin.
Naglakad kami sa hallway ng school na parang pag - aari namin ang buong lugar.
"Mabuti nalang maaga tayong na dismiss, Aro. Magpasalamat ka sa'kin" sabay tawa nito ng malakas.
Dismiss my ass!
Sinadya nitong lakasan ang boses kanina para palabasin sila ng guro. Hindi na siya nagtaka dahil ganon na talaga ito.
Umakbay ito sa kanya. Sabay kaming naglakad patungo sa parking at sumakay sa kanya - kanyang sasakyan.
Mabilis silang nakarating sa Bar na sinasabi ni Bax. Basta nalang kaming pinapasok ng security sa loob. Kung hindi niya lang alam na kilala nga nito ang may - ari ng Bar na ito ay baka isipin niyang pinapasok kami dahil mukha kaming mga college student. Pareho kaming matangkad at medyo malaki din ang katawan nila. Hindi miminsang pinagkamalan na silang nasa kolehiyong dalawa.
BINABASA MO ANG
The Warrior's King √ (RAW)
FantasyI'm a warrior. I killed thousands of people. He's a king. A powerful King. I serve for him. I protected him. But he died in a battle because I was not enough to protect him. He died. So, I take my own life. But I was resurrected from the death I'm I...