Kabanata 17

217 18 1
                                    

Ara's Point of view

            Nakatingin ako sa tanawin sa aking harapan. Ngunit ang isip ko'y naglalakbay, hindi pa rin ako sanay sa pagbabago ng mundo.

Lumipas ang ilang daang taon ay nanatiling nakatatak sa akin ang nakaraan. Naghintay ako ng matagal na panahon para sa pagbabalik ng Hari.

Nilibot ko ang buong mundo para hanapin siya. Inilaan ko ang panahon ko sa paghahanap sa kanya. Dahil naniniwala akong mabubuhay siyang muli.

Nang matagpuan ko siya dito sa Pilipinas ay naghatid sa akin iyon ng kagalakan. Natatandaan ko pa ang mukha niya noong bata pa lamang siya. Madalas siyang dumaan noon sa arena noong nagsisimula pa lamang akong magsanay, kaya alam kong siya na nga ang hinahanap ko.

Taglay pa rin niya ang mga matang walang mangingiming suwayin ang utos niya.

Nagsilbi akong anino niya hanggang sa tumuntong siya sa kolehiyo. Doon ko naman nalaman na nabuhay rin pala sa panahong ito ang mahal na Reyna. Maybe because she was the one who chant the spell.

My father believe that fairies are true, kapag daw namatay ang mga ito at nag - iwan ng huling salita'y siguradong magkakatotoo iyon.

I thought, back then, it was a big joke.
But when the Queen chant the spell as her last word, and when I died in the war and ressurected. It was unimaginable.

Naiwan sa puso ko ang pagdadalamhati. Tanging ako lamang ang naiwan sa lahat nang nagsakripisyo ng kanilang mga buhay.

Maging ang Hari ay ..namatay para sa akin.

When I was resurrected after I attempted to kill myself again, naalala ko ang huling salita ng Reyna. Nagdesisyon akong patotohanan iyon. Naghanda ako at naghinatay sa pagbabalik ng Hari.

Sa madalas na pagsunod ko sa Hari ay nakita naman ako ng Reyna kahit nagtatago ako sa anino ng Hari. She was surprise to see me and I was also.

She remembers me even after so many decades had already past. Ang sabi niya noong magkita kami ay akala niya'y hindi tatalab ang incantation niya.

Ngunit ang gusto kong malaman ay kung bakit hindi maalala ng Hari ang kanyang nakaraan. Walang isinagot sa akin ang Reyna kun'di ginamitan niya raw ito ng incantation katulad ko. Pero wala na siyang binanggit pa tungkol doon.

Nabuhay ako muli para hintayin ang pagbabalik ng Hari. Kung mauulit ang nangyari noon ay sisiguraduhin kong buhay ko na ang kapalit n'yon. Isa akong hangal dahil hindi ko siya nagawang protektahan.

Ang isang buwan kong pagluhod sa puntod ng Hari noon ay kulang pa para sa sakripisyo niya. Mananatili akong magsisilbi sa kanya kahit ilang ulit pa siyang mabuhay.

"Ara.."

Napalingon ako sa likod nang tawagin ako ng isang pamilyar na boses.

Bax Demmon.

Hindi ako makapaniwalang maging siya ay  nabuhay rin sa panahong ito. Matagal na siyang kasama ng Hari noong bata pa sila ngunit hindi ko alam ang batang bersiyon niya. At madalas ding wala siya noong magbalik ako para protektahan ang hari.

Nagulat ako nang makita ko siyang lumabas sa condo ng Hari, pero pinanatili ko ang walang reaksiyon dahil akala ko'y maging siya ay walang maalala sa buhay noong panahon namin.

"Mabuti naman at nakita kita rito," nakakapanibago dahil nakangiti siya.

Noong panahon na unang ko siyang nakita ay wala siyang pinapakitang emosyon maging sa mga kasamahang kawal.

Isa siyang Heneral noon. Kasama ko siya sa mga digmaang sinusuong ng aming matatalim na espada.

Kaming dalawa ay tinaguriang magiting na mandirigma sa kaharian ng Vanwood. Ngunit mas mataas pa rin siya kaysa sa akin. Malapit siyang kaibigan ng Hari bago pa siya maging Heneral.

The Warrior's King √ (RAW) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon