I DON'T remember my whole life, being embarrassed like this. I cursed silently as my gaze wandered back and forth on the road, and in the rearview mirror. Ckiara, on the other hand, was sitting comfortably in the backseat of my car.
Pinapanuod niya ang mga nagtataasang gusali na nadaraanan namin. Gusto kong isipin na ngayon lang siya lumabas ng ganito. Nakikita ko kasi ang paghanga niya sa mga nakikita.
Bumalik na naman ang alaala ko sa pangyayari kanina. Panay ang mahihina kong mura.
Teka? Ano naman kung nakita niya akong hubad. Hindi dapat ako naapektuhan ng ganito. Siya ang dapat mahiya dahil bigla na lang siyang pumasok sa kwarto ko ng walang babala.
Hindi iyon, Arrow. Ang dahilan ng pagkapahiya mo ay ang huling nangyari.
No. Shit! Shit!
Malamang ay naramdaman niya iyon nang yakapin ko siya mula sa likod. Ano bang pumasok sa isip ko at ginawa ko ang bagay na iyon. Wala pang isang buwan ng makilala ko siya! Ngunit bakit sa tuwing nalalapit siya sa akin ay nais ko siyang yakapin ng mahigpit tulad kanina.
Ang pakiramdam na iyon ay parang kay tagal ko nang inaasam na maramdaman muli.
Nakakapanibago. Naninibago ako sa aking sarili. Unti - unting pumapasok sa balintanaw ko ang panaginip. Mahigpit ang hawak ko sa manibela.
Sinilip ko ulit siya sa rierview mirrorr.
Ipinasok ko ang kotse sa underground parking ng kompanya. Pagkatapos mai-park ang kotse ay mabilis akong umibis ng sasakyan.
Nagtaka ako nang sumunod siya sa akin patungo sa loob ng elevator. Hindi na ako nagkumento pa.
Namayani pa rin ang katahimikan sa apat na sulok ng elevator.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa 70th floor kung nasaaan ang opisina ko. Palabas pa lamang ako ng sumalubong agad ang sekretarya ko. Sinimulan niya akong basahan ng mga schedule ko ngayong araw habang sinasabayan ako sa paglalakad.
Napasulyap ako kay Rally ng bigla na lang siyang mapahinto at tumigil sa pagsasalita. Napahinto na rin ako sa paghakbang 'saka ako kunot noon bumaling dito.
Doon ko naalalang kasama ko pala si Ckiara. Nasa likod ko lang siya habang inililibot niya ang tingin sa paligid animo pinag - aaralan ang bawat sulok. Doon ko naman napansin ang gulat na reaksiyon ni Rally kay Ckiara. Sinubukan kong basahin ang nasa isip niya.
Bakit gano'n ang naging reaksiyon niya pagkakita kay Ckiara? Kilala kaya niya ito, o dahil siguro ngayon lamang ako nagdala ng magandang babae sa kompanya ko.
Tumikhim ako upang kunin ang atensiyon niya. Agad namang bumaling ang tingin ni Rally sa akin at humingi ng paumanhin.
Nagpatuloy siya sa pagpapaalala ng schedule ko hanggang sa makapasok ako ng pribadong opisina ay nagpaalam na siyang lalabas.
Inabala ko ang sarili sa pagbabasa ng kontrata. Ngunit walang tigil ang mata kong pasimpleng silipin si Ckiara na palakad - lakad sa opisina ko. Nawawala kasi ang konsentrasyon ko dahil sa presensiya niya.
Sunod - sunod ang kabog ng puso ko. Pakiramdam ko'y aatakihin ako habang pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya. Lalo na pagbukas at pagsara ng mapulang labi niya.
Kumurap kurap ako ng ilang sandali. Nakatitig siya sa nag - iisang painting na nakasabit sa dingding ng opisina ko. Nabili ko pa iyon sa France pagkatapos akong hilahin ni Bax sa isang convention doon.
The painting represents a Warrior wearing his armour. Ganumpaman hindi gaanong kita ang mukha ng taong nakasakay sa itim na kabayo. It's not that I fell inlove with the painting. It reminds me of my dreams. A bloody war and it's great warrior.
BINABASA MO ANG
The Warrior's King √ (RAW)
FantasiaI'm a warrior. I killed thousands of people. He's a king. A powerful King. I serve for him. I protected him. But he died in a battle because I was not enough to protect him. He died. So, I take my own life. But I was resurrected from the death I'm I...