Ara
Arrow is peacefully sleeping on his bed tatlong araw na simula nang ma-discharged siya sa hospital.
Sa kalagitnaan ng gabi ay pinagmamasdan ko ang pagtulog niya. Hindi niya alam na narito ako. Sa totoo lang ay madalas ko na itong gawin simula nang lumipat siya sa building na ito.
Dumaraan ako mula sa veranda ko papunta sa katabing veranda.
Madalas pa ay naaabutan ko siyang binabangungot, the worse, he was even shouting in grief and pain.
Nagigising siya minsan at nagugulat ako kapag nakikita niya ako sa harap niya at pinapanood siya.
Ipinagpapasalamat ko na lamang na hindi na niya iyon maalala pa kinabukasan.
Siguro'y bumabalik ang mga alaala niya sa pamamagitan ng mga panaginip na iyon. Ngunit ang mga memoryang bumabalik sa kanya ay mga hindi magandang alaala. Nasaksihan ko iyon sa tuwing pupuntahan ko siya.
Bumalik na ako sa sariling condo. Pumasok ako sa madilim na kwarto at dahan dahang nahiga sa kama. Pinilit kong matulog ngunit hindi ako dalawin ng antok.
Lumabas muli ako sa veranda at pinagmasdan ang senaryo sa labas. Ang mga ilaw na sa tuwing gabi lang lumalabas, city lights. I saw this every night, yet I still don't appreciate it at all.
Itinaas ko ang isang palad sa madilim na kalangitan.
May magbabago ba sa aking kapalaran?
Makikita ko pa rin kaya ang katapusan ko? Nakita ko na ang renkarnasyon ng Hari, ang huling misyon ko na lang ay protektahan siya at gabayan.
Magkaiba ang buhay namin. Isa akong immortal at siya ay isang normal na tao. Masasaksihan ko rin ang paglisahan niya sa mundong ito balang araw.
Ano ba talaga ang totoong misyon ko sa mundong ito?
Malalakas na katok sa pinto ko ang gumising sa mahimbing na pagtulog ko. Sino na naman kaya ang nasa labas ng pinto ko?
Bumangon ako na hindi man lang nag-aayos sa sarili.
Taliwas sa naisip ko ang bumungad sa akin. Ang nakangiting si Bax ang nasa harap ko.
Noong isang araw ay ang babaeng iyon ngayon naman ay...
"Heneral.." may halong inis na pagkilala ko. Silang dalawa.. wala ba silang magawa sa kanilang mga buhay? Bakit sa akin sila pumupunta sa tuwing naguguluhan ang isip nila.
Natawa siya.
Isang masamang araw na naman ito.
"Huwag mo na akong tawaging Heneral, Ara. Isa ka rin namang Heneral noon. Pero baka marinig ni Aro ang pagtawag mo sa akin bilang 'Heneral' at baka magduda pa siya," babala niya.
Tumango ako.
"Call me, Bax."
"Bakit ka nga pala narito sa gusali ko?" pagbalewala ko.
"May itatanong lang sana akong important--" Natigilan siya. "Sandali -- pakiulit mo nga sinabi mo?" Lumapit siya nang kaunti sa akin para sigurohin na maririnig ng malinaw ang sasabihin ko.
"Bakit ka narito sa aking gusali," takang ulit ko naman.
Pumalakpak siya. Mukhang maayos na rin ang bali niya sa kamay at ilang galos.
"Ara, Ara. Sinasabi ko na nga ba, hindi ka hangal! Akala ko ay hindi ka nagpalamon sa moderno at teknolohiya dahil medyo ignorante ka pa. All along, you're rich. Tell me, how many properties and assets, do you own?"

BINABASA MO ANG
The Warrior's King √ (RAW)
FantasyI'm a warrior. I killed thousands of people. He's a king. A powerful King. I serve for him. I protected him. But he died in a battle because I was not enough to protect him. He died. So, I take my own life. But I was resurrected from the death I'm I...