KABANATA 4

409 48 2
                                    



"King Aro. Hindi ko sinasangayunan ang pagsama mo sa laban"

"Wala kayong magagawa, Lola" sagot ko rito. Wala akong pakialam kung hindi ko ito tinawag na Mahal na Reyna. Tanging kami lang naman ang nasa loob ng silid. Nandito lang naman ito para pigilan akong sumama sa gyera laban sa Kiandra. Nais kong ako mismo ang pumugot sa ulo ng hari. Hindi biro ang mga binihag at ikinulong nitong mga nasasakupan ko pagtapos ay pinatay lang. Ipinadala pa nito ang mga pugot na ulo sa labas ng aking palasyo. Isang lapastangan hindi ko siya bibigyan ng pagkakataong magsalita dahil ako na mismo ang hari ng Vanwood ang papaslang sa kanya.

"Do you have to do it yourself? Hayaan mong si Ara ang tumapos sa haring 'yon, King Aro" sabi nito nasa tinig ang pag - aalala.

Hindi na ako nagsalita ayokong pahabain pa ang diskusyong ito. Kasalukuyan kong isinusuot ang silver armor ko ng pumasok si Ara. Nakasuot na din ito ng armor. Gumawa pa nang ingay ang suot nitong bakal na sapatos. Walang emosyon ang mukha ngunit nakakairitang lumakas ang tibok ng aking puso ng makita ito.

Masama ko itong tinignan dahil basta nalang itong pumasok ng walang paalam.

"Paumanhin, Mahal na hari, My Queen" Yumuko pa ito. "Ngunit nais ko lang ipaalam sa hari ang balitang may isang batalyong kawal ang nasa boundary ng kaharian natin at handa ng sumabak sa laban. Nakatunog ang Kiandra na balak natin silang unahan sa pagsugod" paliwanag nito na ngayon ay nakaluhod na.

Ngumisi ako. Mukhang may traydor pa sa aking kaharian. Dapat ko na sigurong ipalinis ang aking kaharian pagkatapos kong paslangin ang hari ng Kiandra.

"Ipahanda mo na ang mga sibat bilang pagbati sa kanilang pagdalaw" utos ko dito "Tandaan mo, Ara. Sa'akin ang ulo ng hari" babala ko dito.

"Masusunod, King Aro" Walang kahit na anong sulyap ang ibinigay nito sa akin at nakayuko paring lumisan sa aking kwarto.

Masama ang loob na inaayos ko ang armor. Tinulungan naman ako ng aking butihing lola.

"Hindi mo masisising hindi ka tignan sa mata ni Ara, Mahal kong Apo" sabi nito. Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Pinili ko siya sa ilang daang kawal upang maging kanang kamay mo upang protektahan ka. Isa kang Hari huwag sanang sumama ang iyong loob na hindi ka niya matignan sa iyong mata"

"Pero wala akong sinabing gawin mo siyang isa sa mga kawal ko!" inis na sabi ko

"Akala ko ba'y nais mo siya sa iyong tabi?"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" may bahid na galit na sigaw ko.

"Ngunit bata ka pa noong sinabi mo iyon, Mahal kong apo"

Disiotso na ako noon at hindi na bata!

"Alam ko pero ang sinabi kong nais ko siya sa aking tabi ay bilang isang kabiyak ko! Hindi isang mandirigma na walang emosyon!" pinigilan ko ang sariling mas magalit dito. Pabagsak akong umupo sa ingrande kong kama.

"Naiintindihan ko aking Mahal na apo. Kung gugustohin mo ay maaari mo din naman siyang gawing kabiyak mo" Nakangiti sabi pa nito.

"Hindi iyon ganon kadali. Nakikita niyo ba ang kanyang mukha! Ni hindi niya ako matignan wala siyang emosyon! Daig pa ang pader tuwing nasa tabi ko!" Naiinis na padabog akong lumabas ng kwarto at iniwan ito.

I woke up because of a throbbing pain in my head. Hindi ako tinigilan ng panaginip ko, gabi gabi akong dinadalaw n'yon. Parang isang parte sa aking alaala ang nawala at isa iyon sa mga alaala ko.

Hindi ko maipaliwanag ngunit pakiramdam ko'y totoo ang lahat ng iyon. Parang totoong nasa isang lugar ako at kausap ko ang isang mandirigma. Malinaw kong nakikita ang lahat maliban lang sa mukha ng dalawang tao. Iba din ang tibok ng puso ko tuwing naririnig ko ang bawat salitang binibigkas ng mandirigmang 'yon. Pero imposibleng ako ang lalaking tinatawag niyang hari.

Nagsimula ang panaginip kong ng tumuntong na ako ng highschool.

At nang gabing 'yon napanaginipan ko na ang isang digmaan. Halos hindi ako makahinga noong makita ko ang mga taong nagpapatayan, naliligo sa kanilang mga sariling dugo, isang madugong digmaan.

Daig ko pa ang binangungot nang magising akong pawisin at habol ang hininga. Binalewala ko iyon noong una ngunit sunod sunod na ang pangyayari tuwing gabi. Kakailanganin ko pang uminom ng sleeping pills upang makatulog lang ng maayos.

Wala akong pinagsabihin ng panaginip na iyon maliban kay Bax pero hindi lahat ay detalyado.

Inisip ko nalang na sobrang stress ako at gumawa na ako ng sarili kong kwento habang tulog ako.

Bumangon na ako mula sa kinahihigaang King size bed. Tumingin ako sa alarm clock sa bedside table. Maaga pa pala kasya sa karaniwang oras ng paggising ko tuwing umaga.

Lumabas ako ng kwarto at nagtimpla ng kape. Dumiretso ako ng terrace ng unit. Alas singko palang ng umaga hindi pa tuluyang sumisikat ang araw sa silangan. Pinagmamasdan ko ang tanawin sa harap.

Napagawi ang tingin ko sa kabilang teresa ng mapansin ang isang anino doon. 'Pansin kong palaging patay ang ilaw ng unit na nasa tabing unit ko tuwing tatambay ako dito. Pero minsan naman ay nakakasabay ko sa paglabas ang taong may - ari ng condo unit.

Nakita kong bukas ang sliding door ng unit lumilipad na din ang kalahati ng puting kurtina nito palabas. Napansin kong hindi pala anino iyon kundi pigura ng isang tao. Pakiramdam ko'y nakatingin din sa akin ang mata ng taong 'yon bago tumalikod papasok.

Parang ermitanyo talaga sa sobrang weird ng may - ari. Madalas ko ding makasabay ito sa elevator at palaging nakayuko na may suot pang itim na cloak aakalain mong galing sa isang costplay. Gusto ko na tuloy lumipat ng condo.

Walang mag - iisip na ang isang bilyonaryong kagaya ko ay nakatira sa isang hindi high class na condominium. Hindi din kasi ito gaanong kalaki gaya ng iba pinili ko ito dahil mag - isa lang naman ako.

Kahit pa marami akong salapi sa bangko'y ni isang bahay ay wala akong naipundar. Hindi ko maipaliwanag ngunit wala akong balak bumili ng kahit isang townhouse o Mansion para bang may hinihintay akong darating bago ako tumira sa isang malaking bahay kasama ng taong iyon.




-end of K4-

The Warrior's King √ (RAW) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon