10 years after....
NAKATAYO ako sa harap nang salamin ng gusali. Tanaw ko mula dito ang mga naglalakihang building at iba pang mga establisyemento. Hindi ko alam kung bakit ako tumayo doon kung alam kong nanganganib ako sa mga nais magtangka ng buhay ko.
Maaring sa mga oras na ito may nakatutok na sa akin na sniper rifle sa harap ng gusaling ito nang hindi ko nalalaman. Pero wala doon ang isip ko kundi sa taong nagliligtas sa'kin tuwing nasa kapahamakan ako. Ilang beses na akong pinagtangkaang patayin kahit saan ako pumunta pero sa mga araw na 'yon ay nakakadudang nakakaligtas parin ako at walang kahit na anumang tinamong sugat o pinsala sa katawan.
Nawala doon ang isip ko nang marinig kong may nagsalita mula sa likod ko.
"Arrow. Kumusta na, bro. Akalain mong buhay ka pa sa dami ng kaaway mo. HAHAHA" isang nakakauyam na tawa ang narinig ko mula sa kanya.
'Saka ko ito nilingon na nakaupo na pala sa swivel chair ko. Hindi ko man lang namalayang pumasok pala ito sa opisina niya ng walang babala. Na hindi ko na ipinagtaka dahil madalas itong labas masok sa opisina ko.
"Bax" Bakit siya nandito?
"Ilang araw lang akong nawala tapos mababalitaan ko nalang na muntik ka nang paulanan ng bala sa harap ng sarili mong kompanya. Akala ko nga patay ka na kaya naghanda pa naman ako ng nakakaiyak na speech para sa burol mo" sabi nito habang nilalaro papaikot ang upuan niya.
Wala talaga sa matinong pag - iisip ang isang 'to.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"What are you doing here, anyway" tanong ko rito. Akala ko kasi ay nasa labas siya ng bansa ngayon. Ilang buwan ko din siyang hindi nakikita. Malaki ang nagbago dito lalo na ang kulay ng balat, nadagdagan ang kulay nito. At mukhang ilang araw na ding hindi nag - ahit ng balbas, maging ang buhok ay may kahabaan, na itinali lang nito mula sa likod. Ano nga kayang nagyari dito at naging ganun na ang itsura niya.
Nagkibit balikat lang ito at 'saka nagsalita.
"As you can see, nandito ako para tignan kung buhay ka pa" walang kwentang sagot pa niya.
Umiling ako sa tinuran niya. Umupo ako sa sandalan ng sofa malapit sa mesa ko. Nakaharap ako sa kanya.
"Actually, I'm just bored. Kababa ko lang ng plane kanina kaya dumiretso na ako dito" paliwanag naman niya.
"Where did you go this time?" I asks
"Afghanistan" pa cool na sagot nito.
Afghanistan!
Nangunot ang noo ako. Ano namang ginawa niya sa ganong kadelikadong lugar
"Are you serious?" Sa dami ng lugar na maaari niyang puntahan doon pa!
"It's a prank!" nakakalokong tawa pa ito. Matagal ko na siyang kilala pero nauto na naman ako ng gunggong! "Wala akong balak pumunta do'n, Arrow Vanwood. Ayoko pa'ng masabugan ng nuclear bomb" sabay halakhak pa na akala mo may nakakatawa sa biro nito. Namulsa ako habang nakatingin sa pagtawa niya.
Nang matapos ay naging seryoso na naman ang mukha nito. Gusto ko sanang itanong kung anong nangyari dito kaya lang ay mas gusto ata nitong pag - usapan ang tungkol sa akin.
"Anyway, back to you. Wala ka bang balak maghire ng bodyguard. Hindi lang iisa ang nais pumatay sayo, Aro. If I were you I'll hire hundreds of bodyguard immediately, someone wants you dead, bro!" babala nito.
He's right about that. Hindi lang iisa ang may nais wakasan ako.
"I don't need one or tons of them, Bax" balewalang sagot ko sa matagal na niyang suhestiyo.
BINABASA MO ANG
The Warrior's King √ (RAW)
FantasyI'm a warrior. I killed thousands of people. He's a king. A powerful King. I serve for him. I protected him. But he died in a battle because I was not enough to protect him. He died. So, I take my own life. But I was resurrected from the death I'm I...