Kabanat 20

151 10 25
                                    

"Nakatulog ka ba?" Iyon ang pabungad na tanong ni Arrow pagkababa niya sa underground parking.

Siguro natanong niya iyon dahil panay ang hikab ko. Kahit immortal ako ay nakakaramdam pa rin naman ako ng antok.

Napansin kong iba ang porma niya ngayon. Hindi na niya suot ang madalas niyang suot tuwing papasok sa trabaho. He's wearing polo shirt and dark jeans. Nagmukha siyang bata. Nang magtaas ako nang mata ay nakita ko siyang pinag-aaralan din ako.

"Don't you have anything to wear?" tanong niya.

Sumasakit na ba ang mata niya sa mga damit ko. Araw-araw kasi ay naka-itim na damit ako. Nagkibit balikat ako at tinalikuran siya.

Bago pa ako sumakay sa backseat ay binuksan niya ang pinto ng passenger seat. Sinenyasan niya akong sumakay roon na ginawa ko naman. Madalas ay sa likod ako nakaupo dahil bilang respeto ay hindi ako umuupo sa tabi niya. Ginagawa ko na iyon noong hari pa siya. I distance myself because he always have the look on his face kapag lumalapit ako. Para siyang kinakabahan o naiinis.

He drive his car out of the building. Nais kong magtanong kung saan kami patungo ngunit pinigilan ko na naman ang sarili.

Kalahating oras ang lumipas ay ipinarada niya ang sasakyan sa malaking gusali, which is they call Mall.

We stop by a ladies botique. Alam ko iyon dahil pulos pambabaeng damit ang nasa loob niyon. Sinundan ko siya hanggang sa makapasok kami sa loob. Nakapamulsa siyang tumitingin sa mga pahabang damit sa harap niya.

Minutes later, pinasadhan niya ako ng tingin at saka siya ngumiti ng nakakaduda. Napalunok ako sa iniisip niya.

Sa pagkakataong ito ay parang gusto kong umatras. Hinila niya ako papasok sa isang kwarto at ibinato ang ilang damit na nakuha niya kanina.

"Wear that and let me see."

I breath heavily.

Dahan dahan kong tinanggal ang suot na damit. Hindi ako nagreklamo para akong ginayuma at sinunod ang gusto niya.

Isinuot ko ang hanggang tuhod na dress. Namula ang mukha ko nang humarap sa salamin ng fitting room.

"Ara?" Kumatok si Arrow sa labas ng pinto. Naiinip.

Dahan dahan ko iyong binuksan. Hindi ko malaman ang mararamdam. Pagbukas ko ay nakangising Arrow ang nakaharap sa akin.

Nabura ang ngisi niya sa labi nang makita ako. Hindi nito alam ang gagawin at namumulang isinara muli ang pinto. Maging ako ay nahiya sa suot ko. I did once wear a beautiful dress but that was decades ago. Hindi ganito kaiksi pero sa tingin ko ay bagay sa akin. Muli kong sinulyapan ang sarili. Pale skin, long hair and sparkling eyes. Kailan man ay hindi ko pinuri ang sarili na maganda ako but looking at myself in the mirror felt different.

"You--I.. isuot mo ang ibang damit na napili," aniya sa labas nang pinto para lang may masabi at pagtakpan ang reaksiyon kanina.

Lumabas kami pagkatapos niyang bilhin ang mga damit na pinagdadampot niya. Ito na rin mismo ang boluntaryong nagbuhat ng sampong shopping bags.

The next thing I knew nasa mahabang biyahe kami. I fall sleep. Pagising ko ay malakas na huni ng ibon ang narinig ko. Nakatigil ang sasakyan sa hindi kalayuan sa dagat. Hinanap ko ng tingin si Arrow.

He was standing next to the sea. Malalim ang iniisip habang nakatingin sa kawalan. Tahimik na lumapit ako ngunit ilang segundo ay lumingon siya na parang alam niyang nasa likod niya ako.

Kumunot ang noo ko.

"Gising ka na pala, mahal ko." Ngumiti siya ng kakaiba. Bumundol ang kaba sa aking dibdib. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ckiara?"

"Ara?!"

"Wake up."

I felt his hand on my shoulder. Tumingin ako sa labas ng sasakyan at sa kanya.

Panaginip?

Isang kakaibang panaginip. I never dreamed this before.

"Are you okay?" He asked worriedly.

"Y-Yes."

Tinignan muna niya ako ng ilang segundo para makasiguro bago siya bumaba ng sasakyan. Pinagbuksan niya ako. Nilibot ko ang tingin. Ang daming tao sa paligid at maingay. Karamihan ay mga bata o teenagers.

Nagtaka ako kung bakit kami narito. Ngunit hindi niya sinagot ang tanong na nakabadha sa mukha ko. He pulled me instead. Dinala niya ako sa isang stalls. Naglabas siya ng pera sa wallet at inabot iyon sa lalaking nakabantay. Pagkatapos ay may ibinigay na bagay sa kanya.

Nakangiti siyang bumaliksa kinatatayuan ko.

"I always wanted to do this but not with Bax. He's annoying," he said.

He looked very serious while he throws the dart on the balloons. Ang nakakatawa ay walang siyang natatamaan. At balik siya ng balik para bumili ulit ng darts. Madami na ring nanonood sa kanya. He created a fan base of girls around us.

"Sorry. I never had a practice since years," palusot niya.

"Give me that." Wala pa siyang pagsang-ayon ay kinuha ko na iyon mula sa kamay niya. Nagulat siya nang pumusisyon ako at isa-isa kong ibinato ang mga darts sa mga lobo.

Nagsigawan ang mga nasa paligid ko.

"Naku, iho. Sana ay kasintahan mo na lamang ang pinaglaro mo kanina. Sayang ang ginastos mo sa mga iyan."

Pero hindi iyon pinansin ni Arrow dahil nakatanga siya sa akin.

"Miss, eto na po ang premyo niyo. Ang galing niyo po," nakangiti at puri nang lalaki.

Inabot niya sa akin ang malaking stuffed toy.

Akmang bubuhatin ko iyon nang kunin sa akin ni Arrow.

"Damn! I should be the one getting this for you, not the other way around." Umiling siya at natatawa. Hindi ko alam na gusto niyang kunin ang malaking laruan na ito?

We moved to the next game. He tried to play again but failed. Ayaw ko mang ipakita pero gumaan ang pakiramdam ko nang kasama ko siya.

Tinuruan ko rin siya pero mukhang wala siyang talent sa paglalaro ng mga iyon. Malapit na rin siyang mainis dahil nanalo ako agad. Lahat ng premyo namin ay napanalunan ko.

Napagod na siguro siyang maglaro. He wasn't competitive anymore.

We ended up, catching fish.

Kailangan naming makakuha nang kahit isang gold fish na hindi nasisira ang fish net. Natatawa si Arrow sa akin dahil ilang beses nabutas ang fish net ko.

Ngayon lang siya sumaya maliban sa mga laro namin kanina.

He was laughing at me. And we realized we are having a good time.

The Warrior's King √ (RAW) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon