"Shein!" tawag sa akin ni Amanda, isa sa mga teammates ko.
Napaismid ako dahil maling pronunciation niya sa pangalan ko. Even my professors during the first day of class mispronounce my name. It should be 'She-in', not 'Shane'. Wag nila akong sisihin, blame my parents for that.
"Oh?" sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya.
Nagbibihis kasi ako kasi kakatapos ko lang maligo. Nagpractice game kasi kami kanina at pawis na pawis na naman ako.
I let my long hair untied. Medyo basa pa kasi eh.
"Mamaya sama ka sa amin sa The Youngs, birthday ni Donna" yaya niya sakin.
Upon hearing that establishment, I grimmaced. Naalala ko ang dapat hindi maalala. God, kung hindi dahil sa katangahang iyon, di sana wala akong utang na pinagbabayaran ngayon.
So stupid of me that night. So, ayaw ko nang pumunta muna doon baka mamaya makadalawa na naman ako. Bibinggo na talaga ako.
"Pass muna ako, may family dinner kami mamaya eh" para-paraan ko para hindi sumama.
Lumungkot ang expression nang mukha niya.
"Ah ganun ba? next time then" she said, forcing a smile.
I force a smile too then nodded my head.
"Yeah, sure" sagot ko nalang.
Sininop ko ang ilan sa mga gamit ko sa loob ng duffel bag na may logo ng school namin. After nun, sinara ko na ang locker at lumabas ng sports room namin.
Habang naglalakad ako sa hallway, panay ang pag-unat ko ng mga kamay at balikat ko dahil sumasakit na naman iyon. Since high school, I play volleyball. I always say, ball is life because volleyball is my life. Hindi ko napipicture ang sarili kong hihinto sa paglalaro nun. I even want to pursue it after college. I already talked to my parents about that and they gave me their full support as long as I must earn a degree. Iba parin daw yung may degree kang natapos bilang credentials mo and I agree with them.
Natigil ako sa pag-uunat nang bumungad sa harapan ko ang hinayupak na lalaking to. Kumukulo talaga ang dugo ko makita lang siya. Pwede pala yung wala pa man ginagawa ang isang tao sayo, nayayamot kana agad. Sa buhay ko, siya iyon.
Akala niya kinagwapo niya yang porma niya at pagsandig niya sa mamahaling sasakyan niya na hindi naman niya pinaghirapang bilhin.
Hambog na nga spoiled asshole pa! hay naku, sinalo niya lahat!
Pero hindi naman talaga matatanggi ang kapogihan nito kahit sabihin mong nilalait ko. Ikaw ba naman anak ni Governor Matias Silverio na dating artista turned politician. Actually, marami silang resemblance ng daddy niya at sa tindig din makikita mo ang tikas ng tatay niya.
When we were in high school lagi siyang feature ng sport section ng school publication namin dahil sa angking galing niya sa football at sige na nga, good looking daw. Lagi siyang tinitiliin ng mga schoolmates ko pati na rin sa ibang school sikat siya at nadala niya iyon hanggang ngayong college namin lalo na napasama pa siya sa varsity team ng football. Pero tama nga sabi nila, hindi lahat maaangkin mo dahil yung damuhong ito ay tanga sa pag-ibig at ginagamit pa ako sa oplan niyang "pagselosin ko si ex" para bumalik siya sa kaniya.
Bleh! Napaka high-school niya masyado. Napapaghalataan siyang hindi nagmature. If gusto mo talaga makipagbalikan kay ex, suyuin mo hindi iyong pinagseselos mo. So childish!
Ano ba nakita niya sa ex niyang laging pumuputok ang labi sa sobrang pula.
Huminto ako sa tapat niya at pinagkrus ko ang aking mga braso habang mataray na tumingin sa kaniya.
"Pagod ako ngayon Malonzo. I need to rest" nangungumsyame kong saad sa kanila.
I am not lying when I said I am tired. Nagpabibo ako masyado sa practice game namin kaya nabugbog ang katawan ko. Sa sobrang pagod ko, gusto kong matulog.
"No, this is the perfect time to show to Machenzie that I completely over her" giit niya.
I rolled my eyes at him. Gusto kong bugahan siya ng apoy. Parang di siya athlete sa sinabi niya. Sobra na sya ah! I need rest too!
"No, Malonzo! wala akong lakas makipaglandian sayo ngayon kaya mapapahiya ka lang sa plano mo!" halos puputok na ang ugat ko sa pagsigaw sa kaniya.
He furrowed then he shrugged his shoulder at me.
"Okay" walang emosyon niyang sabi saka binuksan ang pinto ng kotse niya.
I irritatedly stomp my feet on the ground while messing with my face.
That 'okay' is not really 'okay'.
"fuck you Malonzo!" I shouted as firm as I can.
He grins victoriously. Putang-ina mo, gago!
Walang sali-salita, umikot ako sa kabila at padarag na binuksan ang pinto ng kotse niya at pumasok roon.
Hindi maipinta ang mukha ko habang nakakrus ang dalawang braso ko ko sa dibdib ko.
"Huwag ka nang sumama kung napipilitan ka lang" rinig kong sabi niya.
Sarkastikong antipatiko!
Agh! nanggigigil ako!
Sinamaan ko siya tingin. O talaga ba? di sana di ka nangbablackmail!
Gusto kong isatinig kaso huwag nalang. Bumuntong hininga at lumambot ang mukha ko at pilit na ngumiti sa kaniya.
"Ano kaba hindi ako pagod, nagpapakipot lang ako sayo" I told him, sweetly smiling at him. I even show him a puppy eyes.
Deep inside, I am bursting with anger.
He laugh at my misery. Gago talaga!
"Yan, dapat ganyan ka. Mukha kapanamang tuta!" he said then patted my head like a puppy while laughing hard.
Tumigas ang mukha ko sa sinabi niya. Tinampal ko ang kamay niyang nasa ulo ko.
"Fuck you, Silverio!" I cursed at him.
He chuckled. "Be careful what you wish for" he teasingly said then he started the engine.
Umuwang ang labi ko sa sinabi niya. I rolled my eye at him as I think of the ways on how I am going to kill him!
A/N:
As I promised, when I am done with my third series, I will be updating this. ☺️Happy reading everyone! ☺️❤️
-VanillaChoco❤️
BINABASA MO ANG
Oh My Captain
Ficção GeralThey both said: "Ball is life" But, how about, when they both became each other's life? Will they clash? or Will they team up? Find out their rollercoaster ride to success of championship.... in love.