To: hindi maasim 🎀
Good morning, crush. What time po tayo mamaya at saan magkikita? Hihi.Paulit-ulit kong sinuklay ang buhok bago inilagay ang hair clip sa gilid nito. Dahil hindi ko alam kung anong oras kami aalis, alas otso pa lang nang umaga ay bihis na bihis na ako. I just wore a pink v-neck t-shirt and tucked it into my black high-waisted pants.
“Mukha kang high school,” komento ni Mill. Pupungas-pungas pa siyang pumunta sa lababo at naglabas ng tasa pang-kape. “Nagpaalam ka na ba kay Kat?”
“Oo, kagabi.”
“Pumayag?”
Tumango ako. “Mag-ingat lang daw.”
Lumapit siya sa akin bago ipinatong ang tasa sa center table. Pinasadahan niya ako ng tingin bago nangingiting umiling.
“Baka mamaya ay sa fine dining ka niya dalhin. Sigurado ka bang ‘yan na ang isusuot mo?” She closed her eyes and leaned on the back rest.
Ngumuso ako. “Maganda naman, ah? Three hundred kaya ang bili ko sa pantalon na ‘to!”
She chuckled. Wala na rin naman siyang sinabi kaya hindi ko na siya pinansin. Kagabi ay katawagan ko pa si Eddie at kinukwento niya sa akin ang pagpapalabas ‘daw’ sa kanya ni Kobe gamit ang tingin.
Hindi naman ako naniniwala dahil imposible namang gusto akong masolo ng lalaki. Gaya ngayon, alam kong trabaho lang ang nasa isip niya. Hindi tulad ko na ikino-consider itong date.
“May nag-text sa ‘yo.”
Napatingin ako kay Mill. Itinuro niya ang cellphone kong nasa center table malapit sa tasa ng kape niya. Napangiti ako nang makitang ang notification ay mula kay Kobe.
From: hindi maasim 🎀
You know Sway’s?It was a cafe near our university. Hindi nga lang madalas tambayan ng mga estudyante dahil mahal ang bilihin.
To: hindi maasim 🎀
Yup! Malapit lang sa school namin.He replied in less than a minute.
From: hindi maasim 🎀
I’ll pick you up there at 10.Napatingin ako sa orasan. Dahil isang oras na lang naman ang hihintayin, nagpaalam na ako kay Mill. Fifteen minutes lang ay nakarating na rin ako agad sa Sway’s. Um-order ako ng strawberry milkshake at halos manlumo agad ako nang mapagtantong halos ka-presyo lang no’n ang pantalon ko.
Hindi ko sinabi sa ibang members ng club na isa ako sa napili. Confidential daw kasi ‘yon, sabi ni Carly, lalo at wala pa namang final choice. Hindi tuloy ako makapagyabang.
“Karsen?”
Nag-angat ako ng tingin sa tumawag sa akin.
“Marcus!” nakangiting bati ko sa nakatatandang kapatid ni Eddie. “Ano’ng ginagawa mo rito?”
He beamed. “Part-time.”
“Ahh...” I chuckled. “May hinihintay naman ako.”
“Wow. May date ka?”
I shrugged. “Sana.”
Tumawa siya. Tumingin muna siya sa counter at tumango sa kasama.
“Samahan muna kita hanggang dumating ang hinihintay mo. Okay lang?”
He was an ex-suitor and his question was a bit awkward... but still, I nodded my head. We ended up on good terms naman. Minsan nga ay pumupunta pa ako sa kanila dahil kaibigan ko ang kapatid niya.
“Kumusta? Hindi na kita nakikita sa campus, ah?” tanong niya.
“Maayos naman. Diretso uwi rin kasi ako pagkatapos.”
BINABASA MO ANG
In the Midst of the Crowd (Loser #1)
RomanceTHE LOSERS' CLUB SERIES #1 Have you ever been so smitten with someone that you were just so grateful they existed? Tipong makita mo lang siya, solved ka na. Kahit hindi mo siya makausap o makasama, inspired na inspired ka. That was the case for Dawn...