Chapter 42

780K 27.2K 35.1K
                                    

I saw Ate Kat and Mill waiting outside the hospital. Mukhang galit na galit si Mill at halata namang kinakalma siya ni Ate Kat.

"I texted Kat earlier," saad ni Kobe. "I told her that I'd bring you to... that house."

Tumango lang ako. Ipinarada niya ang sasakyan at nang mapansin kami ng dalawa ay kitang-kita ko kung paano sumugod si Mill sa puwesto namin. Sumunod sa kanya si Ate Kat, medyo balisa.

"Mill, ano'ng nangyayari?"

My lips parted when she walked past me. Tumingin ako sa likuran ko at ganoon na lang ang gulat ko nang suntukin niya si Kobe.

"Mill!" sabay na sigaw namin ni Ate Kat.

Dumugo ang gilid ng bibig ni Kobe dahil sa lakas ng suntok ng babae. Mill learned martial arts before... of course, it would hurt.

"Tangina ka ba?" galit na pahayag niya sa lalaki.

Sinubukan kong lumapit sa kanila ngunit nilingon niya ako, nanlilisik at nagbabanta ang mga mata.

"'Wag mo 'kong pipigilan, Dawn Karsen."

I felt Ate Kat's hand on my elbow. My heart was racing because I knew what Mill was capable of.

"Ba't mo dinala ro'n? Hindi mo ba alam ang trauma niya?" Her voice was low. "Hindi 'yan nagsasabi sa amin, pero hindi kami tanga! Alam kong ginago 'yan ng buong pamilya mo kaya siya nagkagan'yan! Tapos ano'ng ginawa mo? Dinala mo ro'n? Sino ka ba sa akala mo?"

"I want all of them to apologize to her," Kobe replied. Matigas ang ekspresyon niya ngunit walang bahid ng galit sa mata. "I want to punish them in front of her."

Mill chuckled sarcastically. "Kaya binitbit mo na lang do'n? Pumayag ba siya, ha?!" Dinuro niya ang dibdib ng lalaki. "Gaganti siya kapag handa na siya! Kakausapin niya ang deputa mong pamilya kapag handa na siya! Pagsasalitaan niya ang nanay mo kapag handa na siya!"

Umiling si Kobe. "You know that Karsen isn't like that, Mill."

She scoffed but didn't say anything.

"Hindi niya haharapin ang pamilya ko. Hindi siya gaganti at hindi niya sila pagsasalitaan." He glanced at me. "I know she will never punish them because it's never on her mind. Wala siyang gano'ng plano."

"Eh, desisyon ka pala, eh!" sigaw ni Mill.

"Because they deserve to be punished. Hindi ako kasingbait ni Karsen, Mill." He heaved a sigh. "I rushed things because I didn't want to forget my anger... I didn't want to forget her tears." He took a step back and bowed his head. "I'm sorry for hurting her. I'm sorry for what my family has done."

"That's enough," saad ni Ate Kat. "Mill, give it a break. These two need to rest. May anak pa silang aalagaan."

"Tangina kasi! Bunso natin 'yan, eh. Hindi tayo kasingyaman ng mga hinayupak na 'yon, pero kaya ko silang lumpuhin," gigil na gigil pa rin na sigaw niya. "Ano'ng karapatan nilang saktan si Karsen? Ni tayo ngang kasama niyang lumaki hindi siya napagbuhatan ng kamay."

"I'm sorry..." sabi ni Kobe.

"Isang imik mo pa, papantayin ko 'yang dugo sa nguso mo."

"Mill..." tawag ko sa kanya. "Tama na."

Lumambot ang ekspresyon niya. "Ayos ka lang?"

I nodded. "Tara na kay Gayle."

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. I glanced at Kobe, and I thought my eyes were playing tricks on me because I noticed that he had a small smile on his lips.

Hindi ko na iyon pinansin. Hinawakan ni Ate Kat ang braso ko at sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng ospital. I didn't know why my heart felt light despite the things that happened today. Parang may nabunot na malaking tinik sa dibdib ko. I said everything to Kobe. After years, I finally said everything to him.

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon