"Hindi ako p'wedeng mag-stay rito, Kobe." Dali-dali kong inayos ang bag para makaalis na. "Baka kapag nakita akong lumabas dito ay makumpirma nilang girlfriend mo 'ko."
He was just looking at me, watching my moves. "But you are my girlfriend, Karsen."
I exhaled and shook my head. "Ipinalalabas ng management mo na stalker lang ako. We should obey them. Alam nila ang ginagawa nila."
"Your name was revealed," he uttered with so much anger in his voice. "Do you know what that means?"
Binitawan ko ang bag at tuluyang humarap sa kanya. "Hindi kita idadamay sa duming dala ng pangalan ko, Kobe."
Pain passed across his eyes. Kitang-kita ko iyon. He looked disappointed and mad.
Desidido akong nagsalita ulit. "Tell them I'm your desperate stalker. Mas mabuti iyon kaysa ang matawag kang manggagamit at manloloko."
"Sasaluhin mo ang galit nila?" mahina ngunit mariing tanong niya.
I didn't know how to do that, but I guess I would. Marami na ang naniniwalang kasintahan ako ni Kobe at kapag hindi niya pa sinabi sa publiko na hindi iyon totoo, maaaring matanggal ang offers niya. People believed that he was with Jennifer. Ipinagduldulan iyon ng management sa kanila.
Wala pa man ay nakikita ko na ang galit sa mata ng mga nagmamahal sa kanya. Maybe his parents would hate me more. Maybe his siblings would believe that I was nothing but a distraction to his career.
"Kobe, walang masisira sa akin..." halos ihalik ko iyon sa hangin. My heart throbbed. Masasaktan ako, pero hindi magiging kasinglaki ng epekto sa kanya.
I had nothing to offer. Sanay na akong matawag sa iba't ibang pangalan... may madadagdag lang ngayon. Malandi? Mang-aagaw? I don't know. But hearing that was better than risking Kobe's image.
"Paano tayo?" mahina ang boses niya nang tanungin iyon. Hindi ko nga alam kung may intensyon ba siyang iparinig iyon akin. He looked up and massaged the bridge of his nose as if this whole thing was stressing him out.
"Lie low... kailangan nating mag-lie low." Siguro huwag na lang muna kaming magkita? Siguro pagkakasyahin ko na lang ang sarili sa mga text at tawag niya. Puwede naman iyon. Basta hindi niya ako itatapon... kaya ko iyon.
To my surprise, he shook his head. "I can't do that."
"Kobe!" I uttered frustratedly. "Makinig ka naman sa 'kin..."
"Sasabihin ko kung sino ka, Karsen. Sasabihin ko rin na wala kaming relasyon ni Jennifer," giit niya.
"No..." I whispered. "Kalimutan mo na ang sinabi ko! Hindi ko na gusto na sabihin mo sa publiko na girlfriend mo 'ko. What I want is for you to prioritize your work!"
He didn't answer me, kaya lalo akong kinabahan. I love his career in the same way he does. Dito ko siya nakilala. Dito unang namuo ang paghanga at pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko maaatim na sirain ang isang bagay na alam kong ilang taon niyang pinagpaguran.
"P-Please... protect yourself, Kobe." Halos magmakaawa ako.
His expression hardened as he shook his head. "I'm sorry, but I can't risk losing you over this."
Hindi na ako nakasagot dahil agad niyang kinuha ang cellphone para gumawa ng isang tawag. I didn't know what to do, but he seemed determined. Parang wala nang makakapagpabago sa isip niya.
I had no idea how I managed to get home peacefully. Naghihintay sa pagdating ko sina Mill, Mari, at Ate Kat. They all looked worried.
"Oh, God, Karsen!" bulaslas ni Mari. "Kanina ka pa namin tinatawagan!"
BINABASA MO ANG
In the Midst of the Crowd (Loser #1)
RomantikTHE LOSERS' CLUB SERIES #1 Have you ever been so smitten with someone that you were just so grateful they existed? Tipong makita mo lang siya, solved ka na. Kahit hindi mo siya makausap o makasama, inspired na inspired ka. That was the case for Dawn...