Chapter 7

525K 28.1K 33.1K
                                    


Napakatahimik ng gabi. Bukod sa ugong ng mga dumadaang sasakyan ay wala nang ibang maririnig sa paligid. Mabigat pa rin ang puso ko pero dahil sa ipinakitang pag-aalala ni Kobe, pakiramdam ko ay may kakampi ako.

“I was calling you earlier...” he murmured. “I should've just picked you up.”

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. “Ayos lang naman. Nahihiya lang ako dahil naghintay kayo.”

“That should be your least concern now.”

Ngumuso ako. Ano ang magagawa ko? Naririnig ko pa rin ang sinabi ng manager niya. At kahit itanggi ko, may point naman talaga siya. Inaksaya ko ang oras nila.

“Don’t worry about Carly,” parang nabasa niya ang nasa isip ko. “Ako na ang bahalang makipag-usap sa kanya.”

I looked at him. “Promise?”

The sides of his lips rose a bit. Tumango siya, pero maya-maya’y nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

“How are you feeling?” he whispered.

“Okay na.” I flashed a smile. “Natakot lang ako kanina, pero tapos naman na.”

Nakita ko ang pagdaan ng guilt sa mata niya. “I’m sorry.”

My lips parted. “‘Wag kang mag-sorry! Hindi mo naman kasalanan.”

“Naglakad ka papunta rito?”

I chuckled awkwardly. “Ayos lang ‘yon. Exercise na rin.”

Kinakabahan ako sa kanya. Naghahalo ang inis at dismaya sa tinig niya. Hindi ko alam kung para sa akin ba ‘yon o sa naging sitwasyon ko.

He ignored me. Inayos niya ang upuan at inistart ang sasakyan.

“Saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko nang makaalis kami sa parking lot. “Hindi natin kasama ang driver mo!”

“We’ll get something for your feet.”

Hinawakan ko ang braso niyang nasa manubela. “‘Wag na. Hindi na ‘to masakit bukas.”

“Just let me do this, okay?” He threw me a glance. “Hindi ko dapat hinayaan si Carly na sabihin sa ‘yo ‘yon...” Bago pa mag-iwas ulit ng tingin sa akin ay nakita ko ang pagdaan ng guilt sa mata niya. “Akala ko pa ay kasalanan mo.”

I could hear concern and worry dripping from his voice. Tuloy ay naiwan ang tingin ko sa kanya. He had his jaw tensed as if he was clenching his teeth. Mula sa kinauupuan ko ay kapansin-pansin ang hubog ng mukha at ilong niya. Lalaking-lalaki siyang tingnan. Tila arogante at walang pakealam.

“Stop staring,” he commanded. His brows knitted as he threw me another glance.

Still engrossed in my daydream, my lips protruded. “Ang pogi mo, ‘no?”

Lalong lumalim ang kunot sa noo niya, parang nagpipigil. “Stop it, Karsen.”

Umayos ako ng upo, nakatingin pa rin ako sa kanya. “Thank you kasi hindi mo ako pinagalitan...”

Pinanatili niya ang mata sa daan.

I let out a sigh. “Alam ko naman na hindi talaga ako professional. Madalas ko ngang ipahiya ang sarili ko, eh. Kaya natatakot ako kasi baka ma-delay ang trabaho n’yo dahil sa ‘kin.” I gulped. “Hindi ko na uulitin. Promise.”

“Hindi na talaga mauulit ‘yon dahil susunduin na kita lagi.”

Umiling ako. “Hindi naman p’wede ‘yon. Ang dami-dami mong trabaho.”

“Can’t you see that you’re the victim here?” masungit na tanong niya. Sumulyap ulit siya sa akin. “God, you are so fragile.”

I bit my lower lip and played with my fingers instead. Ibinaling ko na lang ang tingin sa bintana sa gilid ko hanggang sa nakarating kami sa isang convenience store. Kobe wore his black hoodie, mask, and cap. Bumaba siya at ilang sandali lang ay may dala na siyang isang supot.

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon