Chapter 25

493K 19K 18K
                                    

He rented an exclusive hotel near the ocean, and we stayed there for the night. Nakatulog akong nakayakap sa kanya habang banayad siyang kumakanta at nang magising ako ay may nakahanda na agad na pagkain.

"Don't get up yet," sabi niya nang makitang pabangon na ako.

Kumuha siya ng bed table at inilagay roon ang mga pagkain. He carefully placed everything there and smiled as he brought it to my front.

"Kobe..." I whispered, touched by the things he was doing.

Umupo rin siya sa kama. Magkaharap kami habang nasa gitna namin ang mesa. Pinapanood ko lang siya. Itinapat niya sa akin ang kutsara na may kanin at ulam.

Napalabi ako. "Ako na."

"Isa lang," he said as he shook his head. "If I knew you lost weight because of money, I would've given you my card."

Ngumanga ako at isinubo ang niluto niya.

"Hindi naman kailangan. Ibebenta ko naman ang mga gamit ko para magkapera ako," sagot ko habang may pagkain pa sa bibig ko.

He brushed the side of my lips. "Eat first."

Tumango na lang ako. Sinubukan kong kunin sa kanya ang kutsara ngunit umiling lang siya.

"Sabi mo, isa lang!" reklamo ko.

He chuckled. "You're forbidden to get tired."

Nahawa ako sa ngiti niya kaya hindi ko na siya pinigilan sa gusto niyang mangyari. Salitan kami sa pagkain. Dalawang beses niya akong susubuan tapos ay kakain din siya.

It was the most appetizing meal I'd ever had since the rumors about us began to circulate. We were laughing and joking around as if we didn't have a harsh reality and a cruel world to face. And I knew he was only doing that because of my meltdown yesterday.

Hindi niya nga ako pinakilos. Habang naghuhugas siya ng pinagkainan namin ay nag-ring ang cellphone ko na nasa mesa sa gilid ng kama. Kinuha ko iyon at agad na sinagot nang makitang si Ate Kat ang tumatawag.

"Karsen?" she muttered softly.

Pagkarinig palang ng malamyos niyang boses ay namuo na agad ang luha sa mga mata ko.

"Kumusta ka?"

I bit my bottom lip to stop myself from crying more. Baka kapag nakita ni Kobe na umiiyak na naman ako ay malungkot siya. I don't want that. He had done enough to soothe me.

"Hindi ako umuwi kagabi, Ate." My chest heaved. "Nasa hotel kami ni Kobe."

"Nabanggit nga sa akin ni Mari."

Tumango ako. "I miss you, Ate..."

"Uuwi ako kapag nakapag-leave ako sa trabaho. I'll cook for you." I could sense her smile as she said that. "Sorry wala ako sa tabi mo ngayon."

"Ayos lang, Ate. Kaya ko naman, eh."

Natahimik siya sa kabilang linya at naiwan akong nakikinig lang sa banayad niyang paghinga. Hindi rin ako nagsalita. Tumabi sa akin si Kobe at yumakap sa baywang ko.

"Si Ate Kat," I mouthed at him.

He nodded and nuzzled his face against my neck.

"Karsen, I have something to tell you," Ate Kat uttered.

"Hmm? Ano 'yon, Ate?"

She sighed. "Hindi ka muna p'wedeng umuwi dahil sinabi sa akin ni Mari kanina na marami raw reporters sa labas ng apartment."

Napakurap ako. Hindi naabot ng isip ko na posible iyon.

"At sa school n'yo..."

Worry started to fill my heart. No, not my education.

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon