Chapter 33

486K 21K 27.9K
                                    


My pregnancy was hard. Hindi ako makahanap ng trabaho dahil hirap akong gumalaw. Miski sa simpleng paglilinis ng bahay ay hindi ako makatulong. Hiyang-hiya ako sa pamilya ni Eddie. Mabuti nga at araw-araw wala ang mga magulang niya. Umuuwi lang sila kapag gabi na.

Kabuwanan ko nang magdesisyon kami nina Mill at Mari na bisitahin si Ate Kat sa probinsyang tinutuluyan niya. I had no idea why she chose to work and stay there, but seeing her happy was enough for me. Nang makalabas ako sa ospital ay bumalik siya roon para magtrabaho at linggo-linggo siyang nagpapadala sa akin katulong sina Mill at Mari.

Walang nagbago. Sila pa rin talaga ang sandalan ko.

Tumama sa mukha ko ang sariwang hangin. Nakaupo kami ngayon sa mga sako ng palay sa gitna ng bukid habang hinihintay ang pagsikat ng araw. It was peaceful and quiet. Bukod sa ilang matatandang nagtatawanan habang inaayos ang mga nagkalat na dayami ay wala ka nang ibang maririnig.

"Ano'ng ipapangalan natin kay baby?" basag ni Mill sa katahimikan. "Millicent din kaya?"

Mari scoffed. "Amari is better."

Tumawa si Ate Kat. Pinasandal niya ako sa balikat niya at ang isang kamay ay humaplos sa tiyan ko.

"May naisip ka na?" malamyos na tanong niya.

Lihim akong napangiti sa naisip na biro. "Ana."

Sinamaan ako ng tingin ni Mill. "Tapos kung naging lalaki, Ben? Ang unique, ah."

Tumingin ako sa langit at lalong napangiti. My heart still felt heavy, but with them, I knew I wouldn't have to carry it alone. I guess that's the beauty of having a strong emotional support system. Kahit talikuran ka ng mundo, alam mong may mainit na yayakap pa rin sa 'yo.

"Gusto ko ng Japanese name." I chuckled. "Kagaya ng sa nanay ko."

"Arigato kaya?" pang-iinis ni Mill.

Sinapok siya ni Mari. "Can't you mature?"

Napatawa lang ako. I told them the name of my parents... but I didn't tell them how I found that out. My parents must've lived a tough life... considering how my father died.

Tumitig ako sa langit at malungkot na napangiti. Ang daming nangyari. Ang daming nagbago. Akala ko ay wala nang mawawala sa akin. Akala ko ay pinatatag na kami ng panahon. Na wala nang ibang makakasakit sa amin dahil bata pa lang ay sinubok na kami.

Pero nang umibig ako kay Kobe, napagtanto kong hinding-hindi ako masasanay sa sakit.

Kahit maging pamilyar ako sa kirot sa dibdib ko ay hindi kailanman maghihilom ang peklat na tumatak sa akin. Maybe someday I will forget the pain. Maybe the time will come when I will gladly live through my wounds. Pero hanggang ngayong sariwa pa sa akin ang lahat ng nangyari, wala akong ibang magagawa kung hindi ang gumising nang bitbit ang masasaya at mapapait na alaala.

Mill sighed. "Sana hindi na lang tayo tumanda."

"Yeah. We were so excited to grow up," Mari agreed. "We thought we'd have a perfect life after leaving the shelter."

Mahinang tumawa si Ate Kat. "Mas gusto ko na lang magtinda ng sampaguita at magtahi ng mga butas ng sako kaysa ganito." She glanced at me. "But we have a baby on the way. At least there's something to look forward to."

"We'll raise her, Karsen." Sumulyap sa akin si Mari. "She may not have had a father growing up... but she'll have four mothers who will guide her."

I bit my lower lip when I felt a tug in my heart. "And a gay uncle."

Buong umaga naming pinag-usapan ang pagpapangalan sa anak ko at habang ginagawa iyon ay ilang beses kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko dahil may isang tao akong gustong hingian ng opinyon tungkol doon.

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon