Chapter 41

680K 26.5K 34.1K
                                    

Palabas na ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. I didn't look back. His hand was cold and shaky. Natatakot akong lumingon sa kanya dahil baka mawala ang galit ko. He disrespected me. Hindi niya na inisip na masasaktan ako sa sasabihin niya.

"Karsen," he whispered.

"Bitawan mo 'ko, Kobe..."

His grip on me tightened. "H-Hindi pa ako nakakapag-sorry..." He sounded nervous. "D-Don't stay away just yet... I owe you an apology..."

"I'm not expecting much from you, so it's okay."

Iniharap niya ako sa kanya. His face was full of tears, and his eyes seemed to be lost. Bahagyang nakaawang ang nanginginig na labi niya at kapansin-pansin din ang pamumula ng pisnging sinampal ko kanina.

"Ano pa bang gusto mo?!" galit na tanong ko.

He was taken aback by my anger. Dumaan ang takot sa mata niya ngunit hindi niya ako binitawan.

"Did my mom... really..." He swallowed. "H-Hurt you?"

"Why don't you ask her yourself?!"

He breathed heavily. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko at bumalatay sa mukha niya ang labis na sakit. His eyes slowly traveled down to my body, up to my face again. Tumitig siya sa akin na para bang anumang oras ay mawawala ako.

"So, the reason why we suffered..." he whispered. "Was her?"

"Oo! Hindi dahil kay Marcus na pilit mong idinadamay!" sigaw ko. "Ano? May idadagdag ka pa ba? Your words hurt me enough, Kobe. Kung gusto mong ipilit na lumandi ako—"

"I'm sorry..." Nanubig ang mga mata niya. "N-Nagkamali ako, Karsen. Nagkamali ako."

Huminga ako nang malalim at pilit na pinatatatag ang sarili. "Naiintindihan ko ang galit mo, but you've said enough, Kobe."

He looked defeated. Muli siyang tumitig sa akin, tila ba naghahanap ng sagot sa mukha ko. I kept my stern expression. He needed to understand that his accusations really did hurt me.

"Let's go," biglang sabi niya.

I tried to remove his grip on me, but he only tightened it.

"Kaya kong maglakad, Kobe."

Umiling siya at marahan akong hinigit palabas. I could feel his hand trembling.

"Kobe!" sigaw ko nang mapansin kong hindi kami patungo sa silid ni Gayle. "Ano ba!"

Hindi niya ako pinansin. May mga nakasalubong kaming nurse at pasyente na napapatingin sa amin. I tried calming myself because I didn't want to create a scene. Pinagpatuloy niya ang paghigit sa akin hanggang makalabas kami ng ospital. I was fuming mad, but I couldn't take his hand off of me because he was holding me tightly.

"Pasok," utos niya nang tumapat kami sa sasakyan niya.

I faced him. "Ano na naman ba 'to?! Hindi ka pa ba tapos?!"

He gritted his teeth. "Pumasok ka, Karsen."

"Sino ka para utusan ako?"

His expression softened. "Please..."

Nagmatigas ako. Pinilit kong kumawala sa hawak niya ngunit kagaya kanina ay hindi niya ako binitawan. I was about to shout at him when he slid me into his car. He locked the door and before I could protest, umikot siya sa driver's seat at agad na pinaharurot ang sasakyan.

Galit ko siyang hinarap. "This isn't the right time for your games, Kobe! Nasa ospital ang anak ko!"

Hindi niya ako pinansin. Kinuha niya ang cellphone niya at kahit nagd-drive ay nakapag-text pa siya. Nagniningas ang galit sa loob ko pero sinusubukan kong kumalma dahil nagmamaneho siya. Sumandal ako sa upuan at bumuga ng hangin. Ni wala akong dalang cellphone at wallet.

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon