Chapter 23

427K 16.6K 10.9K
                                    


"Karsen, may ambagan tayo sa thesis, ha?" saad ni Eddie matapos ang huling klase namin. "Four thousand 'yong ibabayad sa panel members kasi may technical editor, subject specialist, thesis adviser, english critic, at statistician tayo."

Nanlumo ako sa narinig. "Four thousand? Ang laki naman..."

"Kaya nga, eh. Wala naman kasi tayong binabayarang tuition fee," malungkot din na tugon niya. "Tig-2k naman tayo kaya hindi masyadong mabigat."

But it was still a huge amount of money for me.

Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho bago magsimula ang data gathering at printing ng paper namin.

"Kailan ba 'yan?"

"Next week daw ang due date."

Tumango ako. I don't know where I'll get that money. Ngayong maghapon nga ay hindi ako kumain. Iniisip ko rin kasing may pagkain naman sa apartment lalo at kababayad ko lang ng isang libo kay Mari para sa grocery namin.

"Group five!" sigaw ni Camille mula sa labas. "Pumunta na tayo sa garden para masimulan na 'yong report sa Ethics!"

Kinuha ko ang bag ko bago balingan si Eddie. "Ano'ng group mo?"

"Four. Ikaw?"

I clenched my teeth. "Five."

Wala kaming nagawa kung hindi ang maghiwalay. May reporting kasi kami bukas sa Ethics at bumunot kami kanina para sa groupings. Dahil wala naman akong ibang kaibigan sa room ay alam ko na agad na mahihirapan ako sa group activities lalo at mainit pa rin ang mga tao sa chismis tungkol sa amin ni Kobe.

"Sa amin ka ba Karsen?" tanong ni Camille.

Tumango ako at sumunod na sa kanila. Nasa lima kami at ako ang nahuhuling maglakad sa kanila dahil naiilang ako. On our way to the garden, I saw how people would stop to look at me. Hindi iyon lingid sa kaalaman ng mga kaklase ko dahil kahit nauuna silang maglakad ay may pagkakataong lumilingon sila sa akin.

Hanggang kailan ba nila ipaparamdam sa akin na pinag-uusapan nila ako?

"Hi, Karsen."

Iyon ang unang narinig ko nang makarating kami sa garden na puno ng mga estudyante. Kahit ang madalas kong tambayan nitong mga nakaraang araw kapag lunch time ay hindi bakante.

Napatingin ako sa bumati sa akin at nakitang isang tumpok ng mga lalaki iyon. I awkwardly avoided their gazes. Sumunod na lang ako sa groupmates ko na naghahanap ng bakanteng mesa at upuan.

"Karsen, ikaw na lang ang walang ambag sa materials," sabi ni Camille bago pa man ako makaupo. "Mag-aambag ka ba o ikaw na lang ang magiging runner?"

Napalunok ako at bahagyang nahiya. Naniningil kasi sila ng kwarenta kanina pero wala akong maibigay dahil bente lang ang dinala kong pera ngayon. Natatakot kasi akong mapagastos.

"Wala pa bang materials? Ako na lang ang bibili," I said, suggesting that I would be our group's runner.

Nagkatinginan ang mga kaklase ko. Of course, no one wanted to be a runner. Sa labas ng school pa mabibili ang paraphernalia at siguradong mas gugustuhin nilang mag-ambag na lang kaysa ang mapawisan.

"Big book ang gagawin nating medium sa pagpe-present," si Marian, isa sa mga kagrupo ko. "Okay na siguro ang one-half illustration board, isang balot ng assorted colored papers, marker, double sided tape, glue at tatlong asul na cartolina." Tumingin siya sa iba pang members. "Meron pa ba?"

"Magpabili tayo ng merienda," suhestyon ng isa. "Matatagalan tayo, eh."

"Shawarma sa 'kin!" si Camille. "At milk tea."

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon