Chapter 35

507K 18.6K 10.8K
                                    


Nakailang mura ako habang naglalakad pabalik sa kusina. Kinapa ko ang apron at ganoon na lang ang pagtatagis ng bagang ko nang may makapang maliit na butas doon. Sa ibaba iniluto ang soup kaya marahil ay lumusot ang singsing ko papunta roon. I didn't realize it earlier.

I could feel my cheeks getting warm. Sa dami ng oras at pagkakataon na puwede kaming magkita ulit, bakit naman kailangang naka-apron ako at ang kapalpakan ko pa ang sumalubong sa kanya?

"Karsen, nakakahiya ka," naiinis na bulong ko sa sarili.

I was so pathetic. Ni hindi ko manlang hinintay na paalisin ako ng head cook bago ako lumabas sa VIP room. I just couldn't stand Kobe's eyes. Pakiramdam ko ay hinihusgahan niya ang pagkatao ko dahil sa mga nakalipas na taon ay wala man lang nagbago sa akin.

Pumunta ako sa pinakadulo ng kusina at sumandal sa pader. My heart was beating crazily. Kumikirot sa gulat at sakit. I put my hand over my chest and calmed myself.

Hindi ako naging handa para doon. Masyadong magkalayo ang mundo namin kaya hindi ko naisip na maaari pang magkrus ang landas namin. Ni hindi naabot ng isipan ko na makikita ko ulit nang malapitan ang mukha niya.

"Sa susunod, huwag magsuot ng kahit anong alahas kapag may big event!" suway sa akin ng head cook nang makabalik sila sa kitchen. "Ikaw pa ang naunang umalis, Karsen. Nakakahiya. Baka isipin nila ay hindi sincere ang pag-so-sorry mo."

Yumuko ako. "Pasensya na po."

He sighed heavily. "Ano pa nga ba? Wala naman na akong magagawa. Kaya lang dahil sa nangyari ngayon, baka hindi ka na namin kunin kapag may events."

"Naiintindihan ko po."

"O siya, sige na! Maglinis na lang tayo tapos pack-up na."

Wala ako sa wisyo habang tumutulong sa paghuhugas. Pakiramdam ko ay panaginip lang ang nangyari. He was here. I'm not sure if he recognizes me, but the fact that he's living the life I pictured for him was enough to convince me that I made the right decision in leaving him.

He looked so good. Ganoon pa rin ang hugis ng panga at nakapanlalambot pa rin ng tuhod ang tingin niya. Siguro ay pinagsisisihan na niyang pinatulan niya ako. Isa siya sa mga VIP samantalang ako ay nasa kusina at nagluluto. We still live in different worlds.

Nang matapos kami sa kitchen ay lumabas na ako at hinanap si Ma'am Hilario. Mabilis ko siyang nakita dahil medyo nabawasan na ang mga tao. Tapos na rin kasi ang convention at naibigay na rin sa amin ang sahod namin. It was enough to feed me and my child for the next few days.

"Nasaan po si Gayle?" tanong ko nang makalapit sa puwesto ni Ma'am Hilario.

Ngumuso siya sa play area kaya sinundan ko iyon ng tingin. Gayle was sitting on the floor with artificial grass. Nakalabas ang dila at iwinawagayway ang manika.

Nawala ang agam-agam ko sa nakita. From the depths of my heart, I wanted to tell her that I saw her father today and that he was doing well in life. I wanted to take pride in Kobe's achievements. Minsan akong naging parte ng pangarap niya... ng paglalakbay niya. We ended up hurting each other, but I knew I had established the best form of myself when I loved him.

Sana balang-araw, masabi ko kay Gayle na ang taong iniidolo niya ay minsang naghangad na makita siya.

"Ayaw pang umuwi," saad ni Ma'am Hilario. "Hayaan muna natin at maaga pa naman. Kumain ka na ba?"

Umiling ako at pilit iwinaksi ang iniisip. "Hindi po ako nagugutom, ma'am."

She nodded. "May mga ibinigay na learning materials 'yong nag-workshop." Sabay turo sa malaking paper bag. "Kapag may oras ka ay turuan mo si Gayle para hindi na siya masyadong mahirapan next school year."

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon