I want to take this opportunity to convey my gratitude to the dINKScord family, who sent me a care package and appreciation letters on my first rest day. Know how thankful and honored I am to be loved by you.
This is my first time dedicating a chapter on Wattpad, and I'm dedicating it to these lovely people:
dei | aevi | alja | valerie | bianca | rara | judge debs | bel | janie | hannah | vieu | liane | ali | lily | rey | alex | shin | mafel | madam | melodia | seok kyung | margarette | zara | ceia | solem | amewa | reyn | augustina | renevie | miles | kyla | jonah | yza
***
Isang linggo pa ang lumipas bago nagsimula ang construction ng bagong building sa school. Wala namang ibang sinasabi si Ma'am Hilario pero dahil natatakot akong magkrus ang landas namin ni Kobe ay halos hindi na ako lumabas ng kusina.
Alam kong walang ideya ang lalaki na nagtatrabaho ako rito dahil siguradong hindi niya itutuloy ang donation kung alam niya na nandito ako. I know how much he despises me. Hindi niya hahayaang makita ulit ako.
"Karsen, puwede bang ikaw na ang magdala sa mga trabahador ng tanghalian nila?" Napalingon ako kay Ate Neri, isa sa mga kasamahan kong cook. "Magde-deliver pa kasi ako sa faculty office."
Binawi ko ang tingin at pasimpleng nag-ayos ng mga kaldero. Hindi niya puwedeng malaman na iniiwasan kong magawi sa pinapatayong building dahil ilang beses ko nang tinanggihan ang pagdadala ng pagkain doon.
"Ako na po ang magde-deliver sa office, ate."
"Hindi na! Ipinatawag din naman ako ni Ma'am Hilario at may iuutos yata."
Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi. "Ah... anong oras po ba dadalhin sa construction site?"
"Ibabalot ko na lang 'to," sagot niya.
"Puwede po kayang si Felice na lang?" tukoy ko sa isa sa mga canteener namin.
I looked at her and saw her scratching the back of her neck. "Naku, birthday ng anak no'n. Abala rin sa pagdadala ng pagkain para sa mga kaklase ng anak niya."
"Gano'n po ba?" mahinang tanong ko, unti-unti nang nawawalan ng pag-asa. "Sino-sino po ba ang nasa site? Mga trabahador lang po... 'di ba?"
"Oo!" She smiled. "Sige na. Bibilisan ko na ang pag-aayos nito para madala mo na. Siguradong gutom na ang mga 'yon."
Sinunod ko siya at ilang beses kong ipinagpasalamat na wala ngang ibang naroon kung hindi ang mga construction workers. Tahimik ko lang na inilapag ang pagkain at umalis na. Bumalik lang ako roon makalipas ang ilang oras para kunin ang mga pinggan at kubyertos na ginamit nila.
That was just one of the days. Lagi nang ako ang nagdadala ng pagkain ng mga trabahador at hindi gaya noon, hindi na ako kinakabahan dahil mukhang malabo namang mapadako si Kobe roon. Why did I even think that he'd be there? Kapag mayaman ka, tao ang kikilos para sa 'yo.
I had grown accustomed to the fact that our paths would never cross again.
"Bakit po marami ang serving ngayon?" tanong ko nang mapansing may inihahanda pang mga bilao si Ate Neri.
Tatlong palapag ang ipinapatayo ni Kobe at sa tantya ko ay nasa bente ang mga trabahador. Araw-araw ay iba't ibang putahe ang iniluluto namin para sa kanila. Minsan ay nagre-request sila ng ulam, minsan naman ay sila na mismo ang pumupunta sa canteen tuwing lunch time. Hindi ko alam kung ilang buwan ang itatagal ng construction, pero sa pagtatrabaho nila, ni minsan ay hindi ko nakita si Kobe roon.
Not that I was expecting to see him.
"Sabi ng principal, eh," sagot ng babae sa akin. "Hindi ko alam kung para saan. Ipinaluto lang 'tong pancit bihon tapos nagpadagdag din ng ulam."
BINABASA MO ANG
In the Midst of the Crowd (Loser #1)
RomanceTHE LOSERS' CLUB SERIES #1 Have you ever been so smitten with someone that you were just so grateful they existed? Tipong makita mo lang siya, solved ka na. Kahit hindi mo siya makausap o makasama, inspired na inspired ka. That was the case for Dawn...