Chapter 14

489K 25.5K 25.6K
                                    


Hindi tumawag si Kobe nang sumunod na araw. Gaya ng inaasahan ko, usap-usapan ng lahat ang naging balita. They weren’t caught kissing or holding each other’s hands, but Kobe’s fans were making positive comments about their chemistry.

“Bagay naman kasi talaga sila!” saad ng isa kong kaklase. Walang sinabing pangalan, pero alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya. “Ang lakas ng dating nila on screen. Si Jennifer pa ang nababalitang ilalaban sa Asia’s Next Top Model.”

My other classmate agreed. “Wala pang statement ang agency nila, ‘no?”

“Wala pa, pero feeling ko, confirmed na ‘yan.”

“Sayang. Isang g’wapo na naman ang naitali,” tawa niya. “Halos mabaliw pa ako sa kanya kahapon. Swerte rin ni Jennifer.”

A male classmate butted in. “Mas swerte si DK.”

Sumubsob ako sa mesa at napabuntong-hininga. Isang beses ko pang sinilip ang cellphone ko, pero kahit text message ay walang iniwan si Kobe. I felt like my day didn’t start right, but I understand. Siguradong maingay at nakaririndi ang nangyayaring ito sa kanya... lalo at ayaw niya pa namang makipagtrabaho sa mga kilalang personalidad.

I chose to deactivate my social media accounts because I didn’t want to hear any news about them. Nasasaktan ako tuwing naririnig o nababasa ko sa comments na bagay sila. Iisa ng mundong kinalakihan. Iisa ng hilig. At parehong may ipinagmamalaki na sa buhay.

“Girl...”

Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Eddie.

“Nawala ka na kahapon. Nagkita kayo?” tanong niya bago naupo sa tabi ko.

I nodded. “Lunch lang...”

“Ah, akala ko gabi ang lakad n’yo?”

I smiled. “Busy raw siya, eh.”

His forehead knotted, but he didn’t say anything. Tumango lang siya at hanggang sa dumating si Ma’am ay hindi na kami nag-usap. Kahit si Mari, Mill, at Ate Kat ay hindi iyon nabanggit sa akin kaninang umaga habang kumakain kami. Pakiramdam ko ay may kanya-kanya kaming iniisip para problemahin pa ang mga ganoong bagay.

It was just a small issue. I knew the truth. Trabaho lang iyon. Nothing more, nothing less.

But still, it hurt. If our pictures leaked out, I’m sure the fans wouldn’t react the same way. I would probably receive a lot of backlash and hate messages. Kasi hindi naman ako kilala. Kasi hindi naman ako pasok sa pamantayan ng mga babaeng bagay sa mundo ni Kobe.

“Karsen, ano? Walang balita?” tanong ni Camille, isa sa mga kaklase ko. “Trending, eh. Ikaw ang fan na fan, ‘di ba? Confirmed ba?”

I chuckled awkwardly. “Hindi ‘yan.”

“Bakit? May source ka?”

Umiling ako. “Basta hindi. Gaya lang din ‘yan ng ibang dating rumors ni Kobe. Puro pictures na kadalasang edited pero wala namang statement.”

Tumango-tango siya. “Ikaw, anong stand mo? Bagay ba sila?”

I wanted to say yes. If I weren’t biased, I’d definitely agree. Totoo ang sinasabi ng mga tao. They would break records and become one of the most popular couples in the country. After all, they really looked good together.

But not in my eyes.

I shook my head, slightly chuckling. “Ako lang ang bagay kay Kobe.”

“Ulol,” natatawang utas niya.

“At bakit?” nakangiti pa ring tanong ko.

She made a face. “Siko ka lang ni Jennifer.”

“At singit ka lang ni Karsen,” singit ni Eddie. “Asim mo, doon ka nga!”

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon