Chapter 11

477K 21.4K 17K
                                    


Mabilis akong nakarating sa tapat ng unit ni Kobe, nanghihina ang tuhod at nanginginig ang kamay. Hindi ko alam ang gagawin kaya sunod-sunod ang ginawa kong pagkatok.

“Kuya Enzo!” may kalakasang saad ko. “Pabuksan po ng pinto!”

Pasasalamat ko na lang na narinig ako agad ng lalaki. Bakas sa mukha niya ang pagtataka nang makita ako.

“Nasaan po si Kobe?” natatarantang tanong ko habang tinatanggal ang black shoes. “Masakit na masakit po ba?”

“Nasa kwarto niya po.”

I nodded. “Pupuntahan ko po, ha?”

Hindi pa siya nakakasagot ay tumakbo na ako sa kwartong pinasukan kahapon ni Kobe. I saw him resting there, his eyes tightly shut and his brows knitted. Lumapit ako sa kama niya at tumayo sa gilid nito. Ang isang kamay niya ay nasa tiyan.

“You don’t have to call the doctor, Kuya Enzo. The pain is bearable,” sabi niya, nakapikit pa rin.

“Ma’am-” Pumasok si Kuya Enzo sa kwarto at napatigil lang nang makita akong nasa gilid na ni Kobe. “Natutulog po yata,” he mouthed.

Ibinalik ko ang tingin kay Kobe at napansing lalong kumunot ang noo niya. He opened his eyes slowly and our gazes met right away. Halata ang pagdaan ng gulat sa mukha niya at akmang babangon pa.

“‘Wag ka na munang gumalaw,” mahinang saad ko.

“Why are you here?”

I just shook my head. Binabalot ng pangamba ang puso ko lalo at alam kong ako ang namilit sa kanyang sa apartment na kumain ng hapunan.

“Carly’s probably on her way. You should go.”

I clenched my fist. “A-Ako ang may kasalanan n’yan sa ‘yo.”

He exhaled and looked at me in disbelief. “I ate voluntarily.” Sumulyap siya kay Kuya Enzo na ngayon ay nasa pintuan pa rin. “Ano’ng oras na, Kuya?”

“Alas nuebe po, Sir.”

Kobe heaved out another sigh before returning his gaze on me. “Late ka na sa first class mo.”

Tuluyan siyang naupo sa kama, nakatingin pa rin sa akin.

“Stop crying, will you?” malumanay na aniya.

“Hindi naman ako umiiyak!” Nag-iwas ako ng tingin nang kumibot ang labi ko. I hate it! Siguradong marami siyang trabaho ngayon at na-de-delay iyon nang dahil sa akin!

“Your eyes are watery.” He chuckled. “As much as I want to see you here, you really have to go. May pasok ka pa.”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at umiling. “B-Baka magtanong ang doctor mo kung ano ang kinain mo.”

“I can answer that, Karsen,” he uttered. “Carly’s fuming mad. Baka kapag naabutan ka rito ay sa ‘yo niya pa ibuhos ang inis niya.”

Wala ang kaba ko para kay Carly. Kahit mapagalitan ako ay wala akong pakealam. I just want to make sure that Kobe is okay. Bawat segundo sa buhay niya ay mahalaga at binabayaran. I don’t want to cause him any inconvenience.

“Hindi naman ako makakapag-focus sa school lalo kung alam kong nagkakagan’yan ka dahil sa ‘kin.” Kumapit ako nang mahigpit sa strap ng bag ko. “Gusto mo ibili kita ng...” I bit my bottom lip, unsure of my suggestion. “Efficascent oil? Kapag masakit ang tiyan ko, nilalagyan ako ng gano’n ni Ate Kat.”

Magsasalita pa sana siya nang tumikhim si Kuya Enzo. Sabay tuloy kaming napatingin sa kanya.

“Nasa parking lot na raw po si Ma’am Carly. Kasama niya po si Doc.”

In the Midst of the Crowd (Loser #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon