A-A Proper Label

433 22 4
                                    

PAYAPA silang kumain sa hapagkainan. As if no interrupted progressive make out session just happened earlier. Normal at maayos ang naging tungo nila sa isa't isa. No one dared to bring up what happened or ask questions about this line that keeps blurring.

Mainam naman iyon kung tutuusin sa banda ni Clarine. Kung tatanungin siya kung ano ang estado ng relasyon nilang dalawa, mananatili ang sagot niyang magkaibigan sila. No less, no more. In her point of view, a kiss or two do not really bring much change in the table.

It's been more fun and warm since she bumped into him, yes. Hindi niya iyon itatanggi. However, she still strongly believes this... This is fleeting and fragile. Temporary and short-lived that anytime may just falter and disappear. Still not worthy enough to trade her freedom. She's fine with the way her life has been. And it's going to stay that way even after the forty-five days ultimatum.

Madilim na sa labas kahit lagpas ala-sais na ng gabi. Ramdam na rin ang hamog kasama ng malamig na simoy ng hangin. Sumiksik si Clarine sa dulo ng sofa habang kausap sa cellphone ang kapatid.

"Oo nga, Trex." Napakamot siya sa noo sa kakulitan ng kapatid. "I'm fine. I'm just staying over a friend's house."

"Saan iyan? Tumawag ako kanina at kahapon sa telepono sa mansyon, wala ka raw. Uuwi ka ba, ate? Hindi mo nakalimutan, hindi ba?"

Napabuga siya ng hangin. Kanina ang katawagan niya ay ang kanyang ina. Kinukulit siyang umuwi sa bahay. She's also suggesting too many ideas for another dates with Wolvin. Asking a lot of questions about she thinks of him and whatsover. Walang kaalam-alam na nasa bahay siya ng binata. Ngayon naman kapatid niya ang nangungulit sa kanya sa kabilang linya. But for a different reason.

"Oo, Trex. Hindi ko nakakalimutan. I texted Aria earlier. Uuwi ako kaya huwag na kayong mag-alala. Ipapahanda ko ang mansyon."

"Maganda sana kung nandito rin si Dianne. It's just so hard to reach her with emails and unanswered calls."

"She's probably still recuperating. O kaya ay nag-iisip. It would be best if she wouldn't be reminded of anything about here."

"Wala ba sa mga plano mo ang magpunta ng Japan?"

She shifted in her seat. "Wala e."

Lumingon siya sa hagdan nang marinig ang mga yapak pababa. She saw Wolvin striding his way towards the sofa holding a stack of papers clipped in a black folder.

May sinasabi pa ang kapatid niya sa kabilang linya ngunit wala ni isa ang rumehistro sa utak niya. Hinayaan lang niya ang mga matang sundan ang galaw ni Wolvin. He went straight beside her. Pag-upo nito sa gitnang bahagi ng sofa ay pinutol na niya ang tingin rito.

"I'll see you tomorrow," she said and dropped the call.

Umayos siya sa pagkakaupo nang magkasalubong ang kanilang mga mata. His curious eyes just waited on her. Pinigilan niya ang sariling magpaliwanag rito. He didn't have to know and she does not owe him any explanation. Alam niya kung saan ang lugar nilang dalawa. The line might kept blurring but it will always... always be there.

She cleared her throat. "I won't be here tomorrow."

His brow shot up. "Why?"

"I need to be somewhere."

"Where?"

Siya naman ang napataas ang kilay. He didn't budge though. As if he was really serious on prying on her affairs. 

"Just somewhere." 

Hindi sumagot ang binata. Halata ang pag-iisip sa mukha nito. Ang mga daliri'y abala sa paghaplos ng dulo ng pahina ng papel na hawak. Dahan-dahan itong tumango, para bang napipilitan. Kita niya ang bahagyang pagtulis ng nguso nito habang bumabaling sa hawak na folder.

Chased (BS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon