D-Divided

388 18 4
                                    

MAAGANG natapos ang hapunan dahil sa hindi inaasahang away. As assumed, Crocif went home. Bumalik si Aria sa mansyon at halatang bigo dahil sa mga nangyare. Clovis tried to apologize to Aria but her cousin only nodded and said nothing. Umalis na rin si Clovis pagkatapos niyon, naunang magprisentang ihatid ang tahimik na si Aria.

"Trex, stop that,"

"What?" Inosenteng tumingin si Trex kay Leon.

"You've been glaring at him for the whole night. You haven't decide which one is the fanciest and most unsupecting gruesome way to salvage a poor friend? If you haven't, daliaan mong mag-isip. Paalis na iyan at mawawalan ka na ng pagkakataon."

"I am not glaring at him."

Hinila ni Aurora ang braso ni Leon upang pigilan ito sa pakikipag-argumento kay Trex. Bumaling naman sa kanya pagkuwan si Aurora.

"Mauuna na kami ni Leon."

Tumango si Clarine at ngumiti. "Alright. Ingat kayo."

Si Clarine naman ang sunod na bumaling kay Trex. Ang kapatid niya ay nakatingin nga kay Wolvin na nakatayo lamang sa pinto at nakikipagkamayan kay Leon.

"Trex," nanunuway niyang tawag rito.

Nang bumaling ito sa kanya ay wala na ang naniningkit na mga mata nito. Ngumiti pa ito sa kanya at isinuot ang pinakamabait na maskara.

"I'm not glaring at him," he said defensively.

Bumuntong-hininga si Clarine. "I'll just see him off. And stop looking at him like that. Wala siyang ginagawang masama sayo."

"Wala pa," agap nito. "I just had a bad feeling he'd take away something dear to me," he added, knowingly. Bumalik ito sa paninitig sa binata na ngayon ay naagaw na ang atensyon papunta sa kanila.

Pinalo niya ang braso ni Trex. "Umayos ka. Go upstairs and check on, Keit."

"Fine." Sinulyapan pa ulit nito si Wolvin at sumimangot. Trex glanced at her one more time. "Ingat ka diyan. May dugong kastila iyan. Mananakop."

"And so are the Japanese and Americans. We literally have blood of them from our ancestors."

Nagkibit ito ng balikat. "Just saying. We've been colonized by Spaniards for more than three hundred years. They're good at it if they did it for long."

"Oh stop it. That's stupid. Everybody has a potential to colonize if opportunities and capabilities permit so."

"Kaya nga..."

Pinanlakihan ni Clarine ng mga mata ang kapatid upang suwayin. Pinigilan niyang umiling. Sumimangot ito at hindi na nagsalita. Inantay pa niyang tuluyang makatalikod si Trex bago napagdesisyunan na lapitan si Wolvin. Dahan-dahan siyang tumigil sa harap nito. Sa isang iglap nahulog sila sa nakakakilabot na katahimikan. Pinag-aralan ni Clarine ang mukha nito. Tila wala namang nagbago roon ngunit pakiramdam niya ay mayroon. Ito rin ang naunang bumasag ng katahimikan.

"I guess I'll get going. Thank you for the dinner."

"Sorry about that," Huminga siya ng malalim. "Hindi ko rin alam kung anong nangyare doon sa dalawa at ang kapatid ko kanina pa..." She rolled her eyes and didn't finish what she was saying.

"It's fine. He's probably just protective of you. I understand him."

Naglakad sila palabas ng mansyon. Naging tahimik silang pareho. For the first time, Clarine felt the heavy atmosphere around him in this silence. Hindi iyon kagaya ng mga naunang pagkakataon na kahit hindi sila nagsasalita ay tila nagkakaunawaan sila. Kinagat siya ng pangamba.

Chased (BS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon