PAGOD NA PAGOD siyang nakarating sa wakas sa destinasyon. Dumayo siya sa isang resort roon na malapit sa Port. Ilang minuto lamang ang byahe papunta s Bancal Port. Bago siya mag-island hoping, napagdesisyunan niyang manatili muna sa beach and hotel resort nang dalawang araw. Magpapahinga muna siya roon at magliliwaliw. She wanted to enjoy the luxury that it can offer.
De Silva Hotel and Beach Resort. Iyon ang nakaukit sa malaking arko papasok. Maraming mga nakakatuwang statue sa gilid niyon. Kakikitaan ng sigla at giliw ang mga staff ng naturang resort. Tila nalulusaw ang pagod at pananakit ng katawan niya dahil sa ngiti ng mga ito.
"Ma'am this way po. You can check in our hotel or choose independent cottages. Maaari po kayong mamili kung anong klase ng cottage ang gusto niyo."
"I'll take a hotel room, instead. Thank you."
Ngumiti sa kanya ang babaeng guide niya papasok. Malaki ang resort kaya siguro kailangan talagang may guide ang mga bisita. Inihatid siya nito papasok sa isang hotel.
"Enjoy your stay, Ma'am!" Anito at ngumiti. Matapos magpasalamat ay iniwan na siya ng babae. Nasa reception area siya. Madali siyang nagcheck-in upang makapagpahinga kahit sandali mula sa byahe. Kinuha niya ang susi ng kanyang kwarto. Mamaya siguro ay maglilibot siya.
Di pa man siya nakakalayo ay narinig na niya ang magiliw na bati ng receptionist kanina.
"Goodmorning Sir Wolvin!"
"Goodmorning, Tricia." Nilingon niya ang pinanggalingan ng baritonong boses para lang mapatalikod ulit. Anak ng pacman, bakit nandito na naman ang lamang lupa na iyan?!
Don't tell me, sa kanya na naman ito ha? Lahat nalang sa kanya!
"Kamusta ang Hotel? Si Teresse pala, nasaan?"
"Ayos lang, Sir. Wala pa po si Ma'am. Next week pa po ang balik niya."
"Ganoon ba? Hindi ba kayo nagkaproblema habang wala ako rito?"
Napalunok siya at nagsimula nang maglakad. Lalong tumitindi ang hula niya na pagmamay-ari na naman nito ang lupang tinatapakan niya. Saan ba siya pwedeng mapadpad nang walang bakas nito? Mabilis siyang pumasok sa elevator na unti-unting napupuno ng tao.
Dahil maliit naman ang pigura niya, madali lang para sa kanya ang makasiksik. Muling bumalik ang tingin niya sa reception area na kita lamang mula roon. Halos manghilakbot siya nang makitang papunta sa direksyon nila ang binata. Mabilis siyang nagtago at nagsumiksik sa gilid.
Kulang nalang abutin niya ang mga button sa kabilang gilid at unahan ang elevator girl roon. Napamura siya nang di pa sumara ang pinto. Talagang hinintay pa ang herodes. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang yumuko at maghintay na umakyat ang elevator.
"Goodmorning po. Welcome back, Sir."
"Goodmorning din, Haina."
Naririnig niya ang maikling pag-uusap nito at ng elevator girl roon. Iniiwasan niyang mapalingon at baka makita siya ng lalake at ipatapon palabas. Nakapagbayad na siya. At wala na siyang lakas para maghanap na naman ng bagong matutuluyan. Dapat pala nag cottage na lamang siya. Mayroon namang independent closed cottage doon.
BINABASA MO ANG
Chased (BS#4)
General FictionYou only have to be mine. That's all you have to do. You only have to let me own you in the most proper way. BS#4