L-Little

2.6K 98 9
                                    

"HINDI KO ALAM!" Bulalas ni Clarine sa harap ng dalawang binata at ng manager ng hotel. Kanina pa siya tinatanong ng mga ito at pinagbibintangan kung bakit siya naroon.


"Paanong hindi mo alam? You have your key. You know your room number too."


"I know! Pero akala ko ito ang room number ko at hindi iyong katabing kwarto. I know, it was my fault. Nawala sa isip ko. Bigla nalang akong pumasok. I thought it was my room. Plus, bukas ang pinto. Wala naman sigurong mag-iiwan ng pinto nang bukas, maliban nalang sakin na nagmamadali noong umalis ako."


"I don't remember leaving the door open, miss."


"Eh kung ganoon, paano ako nakapasok? Hindi sira ang pinto. At hindi ako baliw para lang umakyat sa bintana. This is the 10th floor! Duh?"


May sinabi si Roy rito na hindi ulit niya maintindihan. Mahina lang iyon. Nagkatinginan ang dalawa bago muling itinutok ang atensyon sa kanya. "Do you always do that?" Hindi makapaniwalang tanong nito.


"At times. But it was a mistake! Hindi ko naman sinasadya iyon!"


Pinakatitigan niya ang mukha nitong nakasimangot. Tila hindi pa rin ito naniniwala. Siya pa ngayon ang mukhang pinasok ang silid ng mga ito. Duh? Wala siyang balak mamikot. Wala pa siyang balak magpakasal!


"Look, I was too tired and I entered the wrong room. I'm sorry." Paliwanag niya. "Hindi naman ako papasok rito kung nasa tamang katinuan ako. May sarili akong room. It was a mistake. It was my mistake."


"You hurt me. Physically." Nakahalukipkip na sagot ng lalaking nagmamay-ari ng hotel na iyon. Kung sino man ito... well, he's that guy. The same ruggedly handsome guy. Na medyo antipako at opisyal niyang idinedeklara bilang kaaway.


"I'm sorry. It was an instinct. Babae ako. Sinong babae ang hindi magpapanic kung makakakita siya ng dalawang matatangkad na mama sa loob ng kwarto niya? It was nothing but an act of self defense!"


"But this isn't your room!"


"Well, I thought it was. Kaya nga inaamin kong kasalanan ko!"


"Bakit ikaw pa ang galit?" Magkasalubong ang kilay na tanong nito. Tumahimik siya at itinikom ang bibig sandali. The boy was testing him. Gusto niya itong tuhurin ulit.


Taas noong sinalubong niya ang kulay kape nitong malalalim na mga mata. "I was only stating a point, mister." Madiing wika niya.


"You are yelling at me!"


"I was stating a point! Hindi ko kasalanan kung iyon ang naisip mo. It's individual perception difference, mister!" Magpapatuloy pa sana siya ngunit biglang humarang sa harap niya ang manager roon.


"Ma'am. Please calm down." 


"Why? You saw how he talk to me? Ganyan nyo ba itrato ang mga nagtse-check-in rito?"

Chased (BS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon